7 - Date

641 13 0
                                    


Louise's POV

Tapos na ang exam namin kaya back to normal na naman ulit kami at heto kami nitong baliw nato dito sa library at mag babasa daw 'kami'. Duh. Siya lang naman may gustong pumunta dito. Eh wala naman ako sa mood mag basa. Iba ang gusto kong gawin ngayon kaya naman nabobored na ako kasi wala dito yung laptop ko na pwedeng gamitin. Hyss.

"Bored na ako." "Gusto mo mag date?"

"Huh?" nag kasabay kasi kami ng sinabi kaya di ko narinig yung kanya.

"Sabi ko date tayo." ulit niya sa sinabi niya kaya napa ayos ako ng upo at pinaningkitan siya ng mata.

"Nabingi ata ako sa katahimikan kanina. Tama ba yung rinig ko? Date?" napatawa naman siya at lumipat ng upo sa tabi ko.

"Di ka bingi. Tama yung narinig mo. Ano tara?" tumayo na siya at inilahad ang kamay pero nanatili akong naka upo at tinitingnan ang kamay niyang nasa harapan ko kaya hinila na niya ako at kinuha ang bag ko saka sinuot sa harap niya. Nasa likod na kasi yung kanya.

Bat ganun? Hindi naman ito ang unang pag hawak niya sa kamay ko pero yung pakiramdam ko parang ganun. I can also hear my heart which is beating loud in a faster rhythm.

Ano to? Kinakabahan ba ako? Hindi ko maintindihan. I never felt this before unless kinakabahan ako o natatakot.

"Hey babe. You're spacing out." mike snap in front of me kaya napatingin ako sakanya.

"Huh?" he chuckled kaya napa kunot ako ng noo sakanya na agad din niyang hinawakan at inalis iyon by massaging my eyebrows.

Sheez! What's wrong with his hands?! It feels like there's a current in there. Inalis ko agad yung kamay niya kaya napatawa ulit ito.

"Kanina ka pa kasi tulala. Sabi ko wala na tayong pasok kasi tinamad yung isa nating teacher kaya inaya kitang mag date." paliwanag niya kaya napa 'ahh' na lang ako sabay tango.

***

Dumaan lang kami saglit sa mga bahay namin para makapag palit ng mas komportableng damit.

Nag suot lang ako ng white na statement shirt at black na ripped jeans with the pair of my white converse shoes. Sinamahan ko na rin ito ng black cap kasi lunch palang at mainit pa sa labas. Then I'm done. O diba, hindi halatang mahilig ako sa black and white.

Paglabas ko ng gate ay nakita kong nag hihintay na si mike sa may kotse niya.

What the hell? Pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

"Ayos mike, talagang pinag usapan niyo pa ang damit. Hahaha. Bagay na bagay talaga kayo. " nag katinginan kami saglit ni mike at saka ulit tumingin kay mang edgar na driver ni mike.

"We did not!" sabay na sigaw namin kaya nag katinginan ulit kami at natawa na lang kalaunan.

Naka suot rin kasi siya ng white shirt, Black pants, white shoes at black cap. Like, what the hell. Para kaming naka couple outfits.

Kinilig na lang ako sa ideyang bagay kaming couple.

"Tara?" nag nod lang ako saka kami pumasok sa kotse niya.

"San tayo?" tanong ko ng mag simula ng umandar yung kotse.

"Sa lugar kung saan alam kong paborito mong puntahan." nag wink siya sa akin saka nag smile. I can't help but to giggle.

Hindi na lang ako nag komento at tumingin na lang sa dinadaanan namin. Mabilis akong maka memorya ng mga dinadaanan ko kaya ng may maikita akong pamilyar na daan ay bigla akong nakaramdam ng saya at  excitement sa aming pupuntahan.

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now