5 - Awkward

726 19 0
                                    


Louise's POV

August na ngayon at first quarter examination na namin.

(a/n:fast forward na natin kasi puro kalandian lang naman ng dalawa ang istorya.)

Kalandian ka jan author. If I know, inggit ka lang kasi ikaw single.

(a:che! Manahimik ka kung ayaw mong mawala sa kwentong to)

Ok sabi ko nga shut up na lang ako.

Tulad nga ng sinabi ko, exam namin ngayon at buti na lang ay nagbasa ako ng libro at nang notebook ni mike kagabi. Pinahiram niya kasi ako dahil daw hindi ako nag susulat ng mga notes.

"Hoy! Pinag aralan mo ba kagabi yung mga lessons?"

"Maka hoy ka jan! Batukan kita eh. Pano pag sinabi kong hindi?" "aray!" pinitik niya na naman kasi yung noo ko. Yan ang palagi niyang ginagawa sa akin.

"Hindi ka jan! Subukan mong bumagsak hindi ako mag papakita sayo!" pagbabanta niya. Haha sinong tinakot niya? Eh never pa naman akong bumagsak sa exam noh.

"Edi wag kang magpakita." sabi ko na lang at inubub ang ulo sa mesa ko. Ang tagal namang dumating nung teacher namin.

**

Tapos na ang first day ng exam namin at bukas naman yung sunod.

Hindi naman ako nahirapan sa exam namin kaya di ko masyadong iniisip yung sinabi ni mike.

At dahil tapos na yung unang exam, gagala muna ako. Mamayang gabi kasi ako mag aaral at bukas ng maaga para fresh pa sa akin yung mga pinag aralan ko.

"Baby hatid na kita sainyo." aya ni mike habang nag lalakad kaming dalawa papuntang parking lot.

"Wag na. Pupunta pa akong mall." "aray! Ano ba?! Nakakadalawa ka na ngayon ah!" pinitik na naman niya yung noo ko huhu.

"Aray sayo! Iuuwi na kita. Kailangan mong mag aral para hindi ka bumagsak."

"Naman oh. Mag aaral naman ako mamayang gabi at bukas."

"Eh bakit hindi ngayon? Gusto mo pang mapuyat!"

"Ewan ko sayo! I hate you!" tiningnan ko siya ng masama saka ako nag lakad papunta sa kotse kung saan naghihintay yung parehong driver namin. "Kuya tara mall na tayo."

Sasakay na sana ako sa kotse ng bigla nalang may yumakap sa likod ko.

"Pasalamat ka hindi kita matiis. Kuya ako na lang mag hahatid sakanya." napangiti ako at humarap sakanya at niyakap siya sa leeg.

"Talaga hindi mo ako matiis?" ngumiti naman siya at for the very first time ay hinalikan niya ako.

0__________0

Oh my God! Hinalikan niya ako sa sa sa...







Lips!!!!!

Maski siya ay nagulat sa ginawa niya. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko kaya niyakap ko na lang siya at tinago ang mukha ko sa dibdib niya.

It was my first kiss!

"Ehem" pareho kaming napatingin sa driver namin. Spell awkward, K-A-M-I.

**

Pag dating sa mall ay wala parin kaming imikan. Ewan ba kasi dito. Ayaw mag salita kaya di nalang din ako nag sasalita.

Nag libot libot lang kami hanggang sa napagod na ako mag lakad kaya inaya ko siya sa mcdo. Nagugutom na rin kasi ako at kung sa resto kasi matagal tagal pa yun eh mag gagabi na.

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now