Doggy....C'mon!Please....Doggy C'mon!
Tawag ko sa aking cute at magandang aso subalit hindi konaman talaga alam kong ano ang mukha niya,kong mataba o payat ba siya kong kulay puti,itim o may ibang kulay paba siya,kasi sa madaling salita "HINDI AKO NAKAKAKITA"I'm Jane,17yo at mag 18yo na sasusunod na dalawang buwan,palagi akong pumupunta dito sa plaza kasi dito kami naglalaro ni papa palage and Papa gave me the gift that made my life's changed.
Flashback-
"Hahahaha....habulin mo ako!hahahaha."Tawa ko habang tumatakbong hinahabol ni Doggy,nasa plaza kami noon,kompletong pamilya at nadagdagan pa ng isa habang tuwang-tuwa sila mama at papang pinanonood kami ay napahinto ako dahil parang nakarandam ako ng gutom.
"O bakit?!"Tanong ng papa ko sakin.
"Nagugutom napo kasi ako"tugon ko naman sabay upo sa tagiliran ng papa ko.
Habang bakat sa mga mukha namin ang kasiyahan tandang tanda ko pa iyon May 24,2016 kaarawan ko iyon at 13yo na ako noon.Tumawid si doggy habang rumaragasang papunta sa kanya ang sasakyan.
"DOGGY!!!!!"sigaw ko na may pangam ba at tumakbo papalapit dito upang ito'y iligtas at niyakap ko ito ng mahigpit ng maabutan ng biglang diko na alam kong ano yong sumunod na pangyayari,tanging natatandaan ko lang ay yong mga taong nakatingin sa akin habang ako'y dinidilaan ni doggy,nang paglingon ko sa kaliwa nakita ko si Mama nananginginig sa iyak at hindi na nakaya ng mga mata ko ang umiyak dahil sasunod pang nakita kong nakahiga sasariling dugo si papa.
"Kaya mo yan,Miguel!Idilat mo yang mga mata mo,may abulansya ng dadating"
Umiiyak at nangingig habang hinahawakan ni Mama yong dugoang sarili ni papa.
Pinilit kong abutin sya subalit hinang-hina ako dagdag pa ang tumatagas na luha sa aking mga mata.
"Pa....Pa"Mahina kong tawag sa aking amang dugoang tinitignan.
Subalit nakaya pang lumingon nito at nakangiting sinabi habang bakat ang panghihina nitong boses"H-HAPPY B-B-BIRTHDAY A-ANAK"At yon napala yong huling greet na maririnig ko kay papa habang humagolgol namang hawak-hawak na umiiyak si mama hanggang hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil 2taon din akong nakatulog at sahindi inaasahan pagkagising ko ay tanging Aso at madre lang ang nasa kwarto subalit unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong walang makita"Mama!papa!Tulungan nyo po ako,ang dilim po papa!."sigaw kong natatakot at umiiyak habang dinig ko ang kahol ng Aso"Aw..Aw..Aw"
Pumalapit naman yong madre sa aking kama sabay sabing"Tahana!"
Subalit patuloy padin ako sapag-iyak at kakasigaw.
(2weeks after)
Nasabay ampunan ako,kasamang ng mga batang ulila marahil at sabi ng madre ako nalang daw ang mag isa dahil si Mama ay hindi nakayanan ang depresyon at sumunod nadin kay papa,habang yong aso naman ay naging mga mata ko dahil tuluyan na akong nabulag.
habang patuloy sa paglalakad dinig kong bulungan ng mga bata ang"May bago nanaman?""Bakit may aso siyang dala?"at ibang bulungan ng mga bata.
May kaba at pighating namomoo sa aking puso hanggang makarating na ako sa silid at agad kong isinara ang pintuan sabay sabing"Magpapahinga muna ako sister at ng marating ko na yong kama ko ay agad akong humiga at humagolgol sa iyak dahil sa mga mabibilis na pangyayari at tanging sinisisi ko lang ay ang aking sarili kong bakit ang dating buo at masayang pamilya ngayon at sira na.
Hindi naman tumitigil sa kakahol si Doggy subalit hindi ko lang ito pinansin ng biglang"Hoy bata aso mo ba ito?"Isang boses na bata na magkasing edad ko lang ata dahilan ng pagtayo ko sabay sabing"Oo "bilang sagot ko sakanya habang nakatingin lamang sa iisang direksyon at marahil napansin niya ito."Wag mo sanang masasamain ha?Hindi kaba nakakakita?"
Subalit hindi ko lang pinansin yong sinabi niya.
"Ahmm..Sorry?Wag mo nalang yong pansinin yong tanong ko"Paghihingi niya ng paumanhin dahil sa katanungan nito.Narandaman kong mukha naman itong mabait kaya sinagot ko nalamang yong katanungan niya"Oo"Maikling sagot ko.nang akama pasana itong magsasalita ay agad na may tumunog laking gulat ko naman dahil don.
"Kainan na!"Pasigaw niyang sabi."Halikana?Ano pala yong pangalan mo bata?"Paanyaya niya namay halong tanong sa akin.
"Jane"maikling sagot padin ang aking binitawan.
"Ang ganda naman pala ng pangalan mo kasing ganda mo,Ako nga pala si Eroy"
Patagong ngumiti ako dahil sa sinabi niya.ng biglang hinawakan niya yong kamay ko at agad kaming tumungo sa hapagkainan.Boses ng maraming bata ang aking naririnig.Hindi koman lang napansin na tapos napala ang pagdasal kaya tinapik ako ni Eroy"HOy hindi kapaba kakain?"
Ngumiti nalang ako bilang tugon.
Nang matapos nakaming kumain ay agad kaming pumunta sa kwarto upang magpahingi subalit binulabog ng boses ni Eroy ang tahimik na kwarto ng bigla itong magsalita."Ilang taon kana ba jane?"tanong nito sa akin.
Natagalan naman ako sa pagsagot datapwat wala namasyado akong maalala maliban sa malagim na sinapit ko noon.."Ammm...15.Oo 15yo na ako".
"Ikaw ba?"balik kong tanong sa kanya.
"Pariho lang pala tayo,Kailan ba ang kaarawan mo?"
Tumulo yong luha kong pagkatapos niyang itanong yon sakin at pumalapit naman siya marahil sa pag-alala.
Hinawakan niya yong shoulder ko sabay sabing."May nasabi ba akong masama jane?Patawad kong ganun".
Binigyan ko lang siya ng ngiti upang hindi ito mag-alala.at natulog nakaming dalawa.Sa itaas siya ng kama at ako naman ay nasa ibaba.
Habang nasamahimbing ako na pagkakatulog ay dinilaan ni doggy yong mukha ko at may narinig akong tawa ng bumangon na ako."Haha..Puno na nang laway ng aso yong mukha mo".Insulto sa akin ni Eroy.
Subalit wala pading kulay ang aking mukha.
"Jane magbihis kana may pupuntahan tayo ngayon".
Sabi ni Eroy sakin.
"Ha?Pupuntahan?San naman?"
Taka kong tanong sa kanya.
"May 24,2018 ngayon jane,every may 24 pinapapunta nila sisters yong mga bata sa plaza upang maglibang".
Tumahimik lang ako habang siya ay nagsasalita at nagsimula akong maiyak.Nang maalala yong malagim na akaidente.Takang-taka naman si eroy kaya tinanong niya ako."May problema ba?"
Hindi ko siya pinansin kong kaya niyakap niya ako sabay sabing."Kong may problema ka,harapan mo wag kang magtago dahil hindi moyan matatapos kapag hindi mo kayang tuldukan at kong hindi mo kaya hayaan mong tulungan kita".Habang umiiyak ako at yakap-yakap niya akong pagkakasabi sa akin.
Nagbihis na ako at kami'y pumaroon na sa plaza kasama ang maraming bata.
Nang kami ay makarating na doon laking paninibago ko,maraming boses ang aking nadidinig subalit balot ng dilim ang aking nakikita.hindi ko napigilang mapaluha at marahil napansin iyon ni Eroy.Hinila niya ako at pumunta kami sa playground.Narandaman kong playground iyon dahil sa mga batang naglalaro at tunog nananggagaling sa bakal.
Pinaupo ako ni Eroy sa isang upoan sabay sabing."Humawak ka ng maigi para dika malaglag"Kinabahan naman ako sa pagkakasabi niya.at tinulak nya yong inuupuan ko na tila ba'y narandaman kong lumilipad na ako.
Tuwang-tuwa ako noon,Ni ang problema ko at pighati ay nawala kahit minsan.Masayang-masaya kaming dalawa ni Eroy noon at humiga kami sa kulay berding damuhan habang nakatingin lang ako sa isang direksyon sa itaas at parang randam kong nakatitig siya sa akin habang ako ay nakatitig sa itaas.kaya ay liningon ko siya at narandaman kong nagdikit yong mga ilong namin,narandaman kong uminit ang aking pisngi at ako'y bumangon sa pagkakahiga sabay sabing."Alam mo ba kaarawan ko ngayon"
"Talaga?"Gulat na sabi niya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin,sana manlang may regalo akobg nibigay sayo".pahabol niyang sabi.
Nginitian ko lang siya sabay sabing."Ok lang yon.Alam mo ba yong huling regalong natanggap ko from my pala ay si Doggy at yong huling punta ko dito ay noong Mat24,2016"Nagbago yong templa ng mukha ko at nagsimulang ekwenento kay Eroy kong ano yong malagim na trahedyang nadanas ko.Unti-unting pumatak yong luha ko sa pagsasalita subalit kasabay naman nito ang malakas na buhos ng ulan.Hinila ako ni eroy sa pagkakaupo."Halika maglaro tayo?"Anyaya niya sa akin at ang luha ay napalitan ng ulan at ang kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan habang kami ay nagtatalon-talon sa gitna ng ulan.
Napahinto lamang kami ng bigla siyang magtanong sa akkn."Diba sabi mo kaarawan mo ngayon?"Tumango lang ako bilang tugon."ano naman yong gusto mong regalo?"Nagulat naman ako sa sinabi niya sabay sabi ko sakanyang"Marahil Imposible namang matupad yong wish ko"
"Ano pala ang wish mo?"tanong niya sa akin.
"Imposible nga!"sagot ko sa kanya.
"Ano nga?Kahit Imposible maari namang maging Posible diba?Sabihin mo nalang sa akin kong ano yong wish mo jane?"pagmamakaawa niya sa akin.
"Ang una kong wish ay sana mabuo yong pamilya namin,pangala sana makakita na ako at pangatlo sana hindi tayo magkakahiwalay".
Tanging bagsak ng ulan lang yong naririnig ko dahil biglang tumahimik si Eroy.
Hanggang sa nagsimula itong magsalita."Yon lang bayon?Pano naman naging Imposible yon?"
Tanong niya sa akin subalit hindi na ako nakasagot dahil tinawag nakami nila sisters.
"Jane at Eroy bat kayo nagpapaulan,hali nakayo at tayo'y uuwi nang makapagbihis na kayo"Sabi ng isang madre.
Naging matalik kong kaibigan si Eroy,Naging sabdalan ko habang ako ay umiiyak dahil sa trahedya,Pinapatawa niya ako kong minsan ako ay malungkot at binabawasan yong pighating aking binibitbit.
habang nag kami ay nag kwekwentuhan ni Eroy sa kwarto bigla niyang nasingit ang katanungang bibilis ng tibok ng aking puso."Jane alam mo ba may nagugustuhan akong isang babae at hindi ko alam kong gusto niya din ako pwd mo ba akong tulungan?".Nag iba ang templa ng aking mukha na tila ba ay nasasaktan ako sa sinabi niya subali nag kunwari lamang akong masaya para sakanya."Oo naman!"bilqng tugon sa kanya subalit nabasag yong pag-uusap namin nang biglang kumatok si Sister at pumasok sabay sabing."Excuse me, jane pwd ko ba mo nang kausapin si Eroy?"
Tumango naman ako.
Naiinip na ako dahil ang tagal nilang mag-usap kaya sinubukan kong lumabas subalit hindi kopa nabubuksan yong pinto ay nadidinig konaman yong pinag-uusapan nila.
Eroy:Sister hindi po ako papayag!
Sister:pero Eroy,Masmabibigay nila yong pangangailangan mo at yong gamot mo at may posibilidad pang gumaling ka.
Eroy:Pero Sister hindi ko kayang iwan dito si Jane mag-isa.
Sister:Wag kang mag-alala Eroy,Andito naman kami para alagaan si Jane,Diba ito yong kinahihintay mo?Ang magkaroon ng buong pamilya?.
Napaatras ako ng marinig ko yong pinag-uusapan nila sister at Eroy napaiyak nalamang ako dahil doon.Nang pagpasok ni Eroy sa kwarto tahimik lamang ako subalit pilit na binabasag ni Eroy yong katahimikan.Nang hindi ko na matiis ay nasabi ko nalamang na."Pumayag kana sa gusto ni Sister".
Halata namang nagulat ito."Nadinig mo ba yong pinag-uusapan namin?"tanong nya sa akin.tumango lang ako bilang tugon."Wag kang mag-alala Jane tatanggihan ko iyon at hindi kita iiwan."sabi niya sa akin habang hinahawakan yong kamay ko subalit hindi mapigilan ng aking mata ang maluha hinawakan ko ang mukha niya sabay sabing."Ok lang ako Eroy,Pumayag kanang magkaroon ng panibagong pamilya".
Nagyakapan lang kami pagkatapos non.
May28,2018 ito yong araw namay isang mahalagang tao nanaman ang mawawala sa buhay ko
Habang umiiyak ako hinawakan niya yong kamay ko sabay sabing."Magsusulat ako sayo palagi dadalawin kita paminsan-minsan wag mong pababayaan ang sarili mo ha?"sabay halik sa aking noo.
Halata namang napapaiyak na ito dahil sa boses niya at luhang pumapatak sa aking kamay.
At tuluyan nanga itong umalis.
Yong dating puno ng saya naming kwarto ngayon ay malungkot na,dati ang maingay ngayon nakakabinging tahimik naman.Napapaiyak nalang ako.Subalit nakakatanggap naman ako ng sulat at tawag galing sakanya ang saya-saya ko noon subalit nahinto iyon sahindi ko maipaliwanag nadahilan.
Laking taka ko kong bakit hindi na sya tumatawag at sumusulat dahil malapit nayong kaarawan ko.
Subalit lumipas ang ilang araw ay kaarawan ko na subalit yong taong kinahihintay ko ay hindi padin dumadating.Nabalut ng lungkot yong mukha ko ng biglang may nagsabi sa likuran kong"Na miss mo ba ako jane?"yong boses na iyon ay pamilyar sa akin at nang pagharap ko ay agad akong niyakap ng taong iyon."Ikaw ba to Eroy?"Galak kong tanong sa kanya.
"Oo"maikli naman nyang sagot.
Hanggang sa bumagsak yong ulan at kagaya ng dati naglaro nanaman kami subalit nahinto ako noong sabihin niyang."Ano pala ang wish mo Jane?"
Tanong niya sa akin."Kagaya nang dati"Sagot ko naman saknya..At nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa tuluyan na itong nagpaalam.
Lumipas ang ilang araw at buwan ay madalang nalamang itong nakikipag-usap sakin hanggang nagtuloy-tuloy nang wala nakaming komunikasyon.
Hanggang sa maybalitang kinagulat ko at kinatuwa naman ng mga madre sa apunan.
"Makakakita na ako?"
Pagkaexcite kong sabi.Tuwang tuwa,ako noon.."yes makakakita na ako.Hindi maipinta ang aking mukha subalit tinanong ko sila sister kong sino ang nag donate subalit hindi ito sumagot ng biglang may tumawag at sabay sabing."Advance Happy Birthday Jane!"Nagulat naman ako,"ikaw ba ito Eroy? "Pagka excite kong sabi sa kanya subalit hindi na ito nasagot.
At naputol nadin yong tawag.
Sa mismong kaarawan ko daw yong operasyon para sa aking mata at tuwang-tuwa naman ako dahil doon.
At pagdating nangkaarawan ko ay siya namang operasyong ko galak,tuwa ar mayhalong pangamba yon aking naramdaman at wala na akong maalala kong ano ang sumunod nanang yari ng pagpasok ko na sa operation Room.
2days din akong nanatili sa Hospital at nangmatanggal nayong benda ay agad kong kinuha ang salamin at nagmarka sa aking mukha ang tuwa at tunay nanakakakita natalaga ako.Tinanong ko si Sister kong sino ang nagDonate ng matang ito ng makapagpasalamat manlang ako sa pamilya nito.Subalit walang kulay namay halong saya yong mukha nila sister na inabot sa akin ang sulat .
YOU ARE READING
My tears
General FictionA short story that will make you realize on how to keep the loved that was bestowed to you past years ago.Do you believe that there is called heaven and hell?But you can only able to see it if you were dead.Ang pagmamahalang walang katapusan niEroy...