Gusto kong hawakan ang kaniyang mukha at sabihing mahal ko siya pero anong magagawa ko kong hindi titigan lang siyang umiiyak-mahal kita jane-.
-Jane Point of view-
Napahinto ako dahil parang naramdaman kong nasa tabi ko si Eroy at naglakad ako uli,hindi padin tumitigil ang pagtulo ng aking luha sa aking mga mata.
"Sister Una ka napo,maydadaanan lang po ako".Walang kulay kong pagsabi.
"Pero,kalalabas mo lang sa hospital ah?!".Sabi naman ni sister.
"Please..".Pagmamakaawa ko dito at sumunod naman ito.
habang tinitignan kong unti-unting umaalis yong sinakyan ni sister ay nagsimula na akong pumara ng sasakyan.
"Sa plaza po kuya".sabi ko sa mamang driver.
Nang makarating ako sa plaza ay tila ang lahat ng masasakit at masasayang memorya ay bumalik sa aking isipan.sunud-sunod ang pagtulo ng aking luha.
"Miss bayad mo po?".dinig kong sabi ng driver habang ako ay balisang umiiyak.
"Paumanhin po,ito po oh".Sabay abot ko ng bayad.
Umupo ako sa kaparihong lokasyon kong saan kami naglalaro ni Eroy. Unti-unti kong nilapag ang aking likuran sa damuhan na may markang ngiti sa aking mukha,nakakabulag ang sinag ng araw subalit hindi maipagkakait na ang ganda nito,biglang may basang dumapo sa aking mukha at nagsunod-sunod ito,nagsimula ng umulan subalit nanatili lamang ako sa aking pwesto,at naiiyak nanaman ako.
"PLEASE BUMALIK KANA EROY!".Ang malakas kong pagsigaw.
-Eroy's Pov-
Habang kami ay nakahiga ni jane sa damuhan ay batid kong malungkot ito at bigla nalamang umulan. Nakita kong may tumulong luha Sa kanyang mga mata,gusto ko siyang yakapin para maibsan ang kaniyang sakit.nagulat nalamang ako ng bigla niyang sinigaw ang aking pangalan.
"HINDI KO ALAM KONG PAANO".
Bulong ko dito kahit alam ko namang hindi niya na ako maririnig. Hanggang sa ito ay tumayong basang-basa na at agad na ding umuwi,habang sinusundan kong lumalakad si Jane ay napahinto ako ng mabangga ako ng isang multo na tila takot na takot na hinahabol ng kamatayan. Ang kamatayan ay nagsisilbing pulis sa mundo ng mga patay,kapag nilabag mo ang 3 kautusan ay tiyak ipapatapun ka sa Imperno.
ANG TATLONG KAUTUSAN SA MUNDO NG MGA PATAY.
1.Bawal MAGPAKITA SA MUNDO NG MGA BUHAY
2.BAWAL TAKUTIN ANG MGA BUHAY NA TAO
3.BAWAL SUMANIB SA KATAWAN NG MGA BUHAY MALIBAN KONG GUSTUHIN NITO.
Nang mahuli ng kamatayan yong multo ay bigla nalamang bumukas yong lupa at ibat'ibang klaseng boses ang aking nadinig may nagmamakaawa,humihingi ng tulong at iba pa.
"Nakakaawang multo bakit kaya?".
boses ng isang lalake sa likuran ng nilingon ko ito,isang desinting multo kong saan suot nito ang puting tuxedo,habang may suot-suot itong eye glasses.Marahil nakaganito siya noong inilibing ito. Dahil kong paano ka inilibing ay ganun din ang iyong suot maliban nalang kong bibigyan ka ng mga gamit mo sa iyong libingan ng mga taong mahal mo.
"Sino ka?".Sabi ko dito.
"Jake".tipid nitong sagot sa akin.
"Kanina pa kitang pinagmamasdan nanakahiga sa tagiliran ng isang babaeng sumigaw kanina,kong hindi ako ng kakamali kasintahan mo ba iyon?".Sabi nito sa akin habang nakangiti.
"Oo".tipid ko namang sagot.
"Paano ka ba namatay?".Tanong nito sa akin.
"Dahil sa lintik na sakit".sabi ko naman dito.
"Ikaw?".tanong ko dito at napansin kong umiba yong templa ng mukha niya.
"Minsan ba sinisi mo ang Diyos sa pagkamatay mo?"Balik na tanong nito sa akin.
"Bakit kailangan ba?'Sagot ko naman dito
"Gusto mo bang malaman yong kwento ko?".sabi nito sa akin. Tumango naman ako at nagsimula itong magkwento.
-FLASHBACK-
Jake's pov
Ang buo kong pangalan ay jake Ember,29yo noong namatay ako. Si Angelica Criso ay ang taong mahal ko. April 28 noong araw nanasabahay kami para sa darating na board Exam's ng mag aabugado.Pariho ang gusto namin ni Angel ang maging abugado,well nag live in kaming dalawa dahil hadlang sa pagmamahalan namin ang dad ni Angel kasi mahirap lang kami. April 30 noong mag pa check up ako mag-isa dahil sa sakit kong hindi ko masabi-sabi kay angel.
"Sorry to say,you only have 1week to fulfill your life's here".sabi ng doctor sa akin.
Balisa naman akong lumabas sa opisina nito,"Tumor at cancer lang yan jake!lalaban ka".Sabi ko sasarili ko kahit na sa totoo lang ay natatakot ako. Pag-uwi ko sa bahay namin ni Angel ay nagdala ako ng Cake at flowers.
"Hi mahal".sabi ko dito sabay halik nito sa pisnge at bigay ng flowers dito.
Halata namang nagulat ito.
"Para saan to mahal?".takang sabi nito.
"Bakit bawal bang maging sweet sa taong mahal ko?".sabay yakap ko dito patalikud at kinilig naman ito.
Unti-unting humarap sa akin ang kaniyang mukha sabay halik sa aking Noo,ilong hanggang labi.
"Mahal na Mahal kita mahal ko".sweet na sabi nito habang nakangit.
"Masmahal na Mahal kita mahal ko".sagot ko naman sa kanyang sinabi kahit sa loob ng puso ko ay umiiyak na.
"Halikana mahal kainin nanatin yang cake nadalaw mo".alok nito sa akin at kinuha yong cake at nilapag sa Mesa. Habang tinitignan ko ang mukha ni Angel nanakangiting nakatingin din sa akin ay maslalong natakot ako sasakit ko,hindi ko kayang iwan Si angel mag-isa.
Nang biglang sumakit yong ulo ko at mas sumakit pa ito ng sumakit.Hindi ko kayang ipakitang nasasaktan ako kaya kahit masakit na ay nakangiti padin ako,hanggang sa hindi ko na mapigilan.
"Ahh".ungol ko ng may pagkalakas at sabay hawak sa ulo ko.
"Mahal ayus kalang ba?".alala namang sabi ni Angel.
"Oo mahal,punta lang muna ako ng banyo ha?".nakangiti kong sabi sakanya.at mas sumakit pa ito lalo nang na sa banyo na ako.
"Aahhhh".ungol ko.
"Mahal ayus kalang ba?".sabay katok ni Angel sa banyo hindi ko naman alam na sumunod pala siya sa akin.habang nakaharap ang aking mukha sasalamin ay napansin kong nanlalabo ang aking paningin at maydugo pang tumulo na galing sa aking ilong. Agad ko itong pinahiran at naghilamos na.
"Kaya mo to!Lalaban ka!".sabi ko sasarili ko habang nakatingin sasalamin at si Angel naman ay di mapigilang kumatok sa labas. Inayos ko muna yong sarili ko bago ako lumabas sa Cr.
"Mahal ano bang nang yari sayo?".tanong nito sa akin na may pag-alala
"Pagud lang cguro ako mahal sigina magpapahinga lang muna ako!".Sabi ko dito habang pilitang nakangiti at nagbihis na pangtulog. Habang kami ay nakahiga ni angel ay niyakap ko ito ng mahigpit galing sa likuran niya.
"Mahal tulog kanaba?".sabi nito sa akin.
"Hindi pa mahal!".sagot ko naman.
"Mahal kinakabahan kanaba sa Board Exam natin on May 24,2016?".
"Hindi!".maikli kong sagot.
"Wow!mahal ha,kasi matalino kakasi".Sabi nito sa akin.
"Hindi,kasi alam kong na sa tabi at higit sa lahat nasapuso kita."
YOU ARE READING
My tears
Fiksi UmumA short story that will make you realize on how to keep the loved that was bestowed to you past years ago.Do you believe that there is called heaven and hell?But you can only able to see it if you were dead.Ang pagmamahalang walang katapusan niEroy...