Part 8

3 0 0
                                    


Tahimik lamang kaming naglalakad ni Eros patungong bahay ampunan tila ang malamig na himig ng

hangin ang bumabasag sa katahimikan sa daan na aming dinadaanan.

"MAY TANONG AKO?"

Sabay naming basag sa katahimikan.

"Ah..Sige ikaw na ang mauna".

Pagpapaubaya ko.

"Ok lang ikaw na ang mauna"

Pagtanggi naman ni Eros.

"Hindi ika....."

Hindi ko na natapos yong sasabihin ko kasi agad akong natipalo sa maykalakihang bato na aking naapakan.

Akala ko mababagok nayong ulo ko bagamat sinalo ako ni Eros tila ang lahat ay naging mabagal yong tinatawag na SLOW MOTION ng iba,naramdaman at naranasan ko iyon habang ang mga mata ko ay dimawalang titigan ang mukha ni Eros na parang matagal ko na itong nakilala.

"Mag-ingat ka sa inaapakan mo"

Pabulong nitong sabi sa akin.

Eros's Pov

Sinadya kong hindi ipaalam kay jane na ako si Eroy.kasi alam kong sasabihan niya lang akong baliw,bakit sino ba ang maniniwalang pwding mabuhay ang patay muli.Wala naman diba.Wala akong maalala kong ano yong sunod nanangyari pagkatapos kong kagatin ang buhay ng prutas.Nagising na lamang ako sa plaza na tila naguguluhan pa ang aking utak.Sinubukan kong ibundol ang aking sarili sa malaking puno.

"Outch!!"

"Hindi ako tumagos....Whoooooooooo...tao na ako muli....tao na ako muli..."

Ang di maawat na sigaw ko sa plaza at wala akong pakialam kong matunaw man ako sa katitig ng mga tao.

"Nakikita mo ba ako?"

Tanong ko sa bawat taong nadadaanan ko sa plaza.Hindi mapinta sa aking mukha kong gaano ako kasaya at kaasam na Makita si Jane at mayakap ito dahil sya ang nag bigay sa akin ng dahilan na mabuhay muli.

Jane's Pov

Nang makaabot na kami sa bahay ampunan ay agad akong sinalubong ng nag-aalalang mukha ni sister.

"San kaba nangggaling jane? Kala ko kong napaano kana? Sino bayang kasama mo?"

Ang sunod-sunod na tanong ni sister sa akin na halata namang subrang nag-aalala sa akin.

"Mahabang kwento po kasi sister eh...btw si eros nga pala sister"

Pagpapakilala ko kay eros.

"Magandang gabi po"

Bati naman ni Eros.

"Magandang gabi din sa iyo eho,halat pumasok na kayo at ng makakain na"

Agad kaming pumasok ni Eros at lihim ko paring tinitignan ang mukha ni Eros na parang matagal ko na itong nakilala.

"Eros..."

Tawag ko dito.

"Bakit?"

Ang mahina nitong sabat.

"Ammmm.....Gusto mo bang maligo muna bago tayo kumain?"

Ang tanong ko dito.

"Ah...Wag na siguro kasi wala naman akong damit eh".

Ang pagtanggi nito sa alok ko.

"ay!yun lang ba?wag kang mag-alala papahiramin kita ng mga damit ko."

My tearsWhere stories live. Discover now