"Alis nako."
nagmamadaling sambit ng babaeng pababa nang hagdan at dinig na dinig sa buong kabahayan ang talampak ng sapatos nito sa tuwing humahakbang."Yaya, please open the door." Mando niya sa isang kasambahay
"Wag mong buksan Loling." Sabat ng boses ng lalaki
"Pa!"
"San ka pupunta? Des oras na nang gabi..."
"Diba nagpaalam na ako sa inyo ni Mama? I told you that I'm going out tonight dahil may gig ako."
"Hindi ka aalis" matigas pa din ang boses ng lalaki
Agad na kumunot ang noo ng babae sa narinig at hindi nya nagustuhan iyon.
"But Pa~"
"Wag mo nang tangkaing baliin pa ang desisyon ko Alessandra Glae! Hindi ka lalabas sa pintuang yan, hindi ka aalis!"
Napatiim bagang ang babae sabay hawak nang mahigpit sa strap ng guitar bag na nakasabit sa kanyang balikat at nanlilisik ang mga mata kahit pa sabihing ama nito ang kaharap.
"Panhik sa taas!"
Gustuhin man nitong sumagot at ipaggiitan ang kanyang nais gawin ay minabuti na lang nyang tumahimik at magtimpi dahil right through her father's shoulder ay tanaw nya ang nakikiusap na mukha nang ina na para bang sinasabing sumunod na lamang sya para wala nang gulo.
Gaya nang sabi ng lalaki, mabigat ang mga hakbang na tila dumadabog na umakyat si Glae pabalik sa kwarto nya...
Inis na inis sya ngayon at gusto nyang magsisisigaw at mag wala.
Lagi na lang kontrabida sa mga ginagawa nya ang kanyang ama... Lalo na sa mga gala nito at pagbabanda.
"I hate you!!! I haaateeee yyouuu!" Halos mamaos na si Glae kakasigaw sa loob ng kanyang kwarto but there's nothing she can do to get rid of her anger inside...
She feels like she's going to explode any minute from now...
Kasabay ng bawat sigaw ay panay ang suntok nito sa pader at pambabasag ng mga gamit na napagdidiskitahan nya sa loob ng kanyang kwarto.
"Glae, open the door..." Tawag mula sa labas kasunod ang mga katok.
Ang Mama nya.
Hindi nya ito pinansin at don lang nya namalayang dumudugo na pala ang kanyang kamao dahil sinuntok nito ang salamin sa kanyang dressing table.
Maya-maya ay narinig nya ang paggalaw ng door knob... Hindi lingid sa kanya na kaya itong buksan ng parents nya dahil may hawak ang mga ito na spare key sa lahat ng pinto sa bahay.
Bumukas nga ang pintuan.
"Dyos na mahabagin! Glae, anong ginawa mo?!" Natatarantang ani ng ginang
Tahimik lang si Glae na nakaupo sa sahig at hindi alintana ang kamay na nagdurugo
"Glae, anak, tumayo ka dyan. Huhugasan natin yang sugat mo. Dadalhin kita sa ospital..."
"Anak, bakit ka ba nagkakaganito? Gusto lang naman ng Papa mo na mapabuti ka... Wag mo sanang masamain ang ginagawa nya."
Hindi sumasagot si Glae.
"magsalita ka!" Umiiyak na ang Mama nito habang panay ang yugyog sa kanya dahil nanatili syang nakayuko at tahimik
"Anong sasabihin ko Ma?! Na ok lang ang lahat?! Kelan nyo ako hahayaang gawin ang gusto ko at nakakapagpasaya sakin?! I'm not a kid anymore! Ma, ito ang gusto ko, dito ako masaya... Sana naiintindihan nyo ako dahil pinagdaanan nyo din naman to. Diba? Anong masama sa pagbabanda?" Puno nang hinanakit na sumbat ni Glae sa ina
BINABASA MO ANG
Divided by Love #Wattys2017
Фанфик(A RaStro inpired FanFiction) Started: Jan. 18, 2017 Completed: Mar. 23, 2017