- RHAIN -
Sabado ngayon at walang pasok si Glae. Kasalukuyan akong nasa kusina at nagluluto nang agahan para sa kanya.
Kagabi nag iwan ito nang note kung anong gusto nya sa agahan. 2 toasted bread, 2 sunny side up na itlog at chocolate milk ang nakasulat doon.
Hindi kami sabay kumain kahit na wala syang pasok dahil madalas ay late na itong magising. Ako naman ay kailangang on time dahil may mga vitamins akong iniinom.
Biglang tumunog ang doorbell. Sunod sunod at parang ayaw tumigil nang kakapindot ang tao sa labas. For sure, si Kate iyon dahil ito lang naman ang tila may malaking galit sa doorbell kung makapindot.
I switched off the range fire at pinagbuksan ito dahil wala talaga syang balak tumigil. Tyak na magigising si Glae sa ingat na iyon.
"Ikaw talaga, kung makapindot ka ng doorbell kala mo laging may emergency... Pati yata bata sa tyan ko e nabulabog mo..." Kunyare kong reklamo
"E ang tagal magbukas ng pinto... Kainis kaya tumayo jan sa labas lalo pa at parang manyakis yung mukha nang cleaner sa hallway." Ani nito as she rolled her eyes.
"Alam mo namang buntis ang tao dito, malamang makupad maglakad"
"Sabado ngayon, andito ang asawa mo diba? Bat di sya ang mag bukas?!" Ngayon naman ay ang boses naman nito ang lumakas.
"Ssshhhh! Lower your voice Kate... Mamaya magising si~"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang marahas na nagbukas ang pinto nang kwarto
"What the hell Katherine?! Alam mo bang ang ingay ng bunganga mo?! Saka kung tumimbre ka parang ngayon ka lang nakakita nang doorbell! Kaaga aga e nambubulabog, bwisit! Saka bat ka nandito sa ganitong oras?!"
And there you go, lumabas na nga ang dragon kong asawa at daig pa ang tambucho ng sasakyan ang magkabilang tenga na nagsisimula nang bumuga Nang invisible na usok... Baka kung kasya lang si Kate sa bunganga nito ay kanina pa nya dinampot at nilunok. Kakagising lang, high blood agad
"Aba, malay ko bang tulog ka pa... Saka anong maaga sa alas dyes?"
"Sabado ngayon kaya malamang ay araw to nang pahinga ko saka anong paki mo kung maaga pa sakin ang alas dyes?!"
"Whatever cousin bugnutin! Matulog ka na lang ulit at aalis kami ni Rhain. May check up sya sa kanyang OB at mamimili na din kami ng mga gamit for baby... Nakakahiya naman kasi sayo na hindi mo man lang sinasamahan ang asawa mo sa kanyang check up o maisipang bilhan nang gamit ang mag ina mo... Hay nako" pang aasar ni Kate sa pinsan nito na hindi man lang natinag sa sigaw nito kanina
"No need na Kate, marami naman akong maternity dress. Nung kelan lang ako binilhan ni Mommy saka mga gamit ni Baby,.. Mejo matagal pa naman... May 5 bwan pa tayong hihintayin... After ng check up e uwi na lang tayo agad..."
Habang nagsasalita ako ay bigla namang bumagsak ng malakas ang pinto... Napasinghap naman ako dahil sa gulat kaya't napasapo ako sa tyan ko.
"Alam mo kahit kelan talaga gago yang asawa mo... Pero hindi naman yan ganyan dati. Sweet nga yan sakin e pero kita mo naman kung manigaw ngayon... Sya ba naglilihi para sayo Rhi?"
Bahagya lang akong tumawa para itago ang biglang pagbigat ng loob ko sa inasal ni Glae.
"Nabulabog mo kasi ang tulog kaya nagsungit. Nasira ang mood. Hayaan mo, ok na din yan mamaya" ani ko na lang
"Bahala nga yang abnormal na yan... Anyway, ok lang bang dito nako tatambay buong araw? Namiss kita kabonding girl! E kung hindi ka pa nabuntis e hindi ka pa nagkapagpahinga. Workaholic mo kasi e... Di na tuloy tayo nakakapagkita."
BINABASA MO ANG
Divided by Love #Wattys2017
Fanfiction(A RaStro inpired FanFiction) Started: Jan. 18, 2017 Completed: Mar. 23, 2017