Chapter 01

809 12 3
                                    

Ilang oras na akong nakatunganga sa monitor ng computer ko ay hindi ko pa rin matapos-tapos ang report na ipapasa ko bukas sa masungit kong boss. Mahapdi na ang mga mata ko at gusto ko na talagang humilata sa kama at matulog.

Napatingin ako sa orasan. Alas diyes y media na pala ng gabi. Tatayo na sana ako at hindi na tatapusin ang ginagawa ko nang mag-echo sa tenga ko ang madalas na paalala ni Mama sa akin noon kapag gumagawa ako ng assignment. “Be tough. ‘Wag kang basta na lang susuko kapag nahihirapan ka na. Pwede kang magpahinga pero ‘wag na ‘wag mong iiwang hindi tapos ang mga bagay na inumpisahan mo.”

Sa mga ganitong pagkakataon ko nahahanap ang mga yakap niya. Miss na miss ko na siya. Labing-dalawang taon na rin ang nakalilipas nang pumanaw si Mama. Atake sa puso ang dahilan.

Naputol ang paglalakbay ng utak ko nang bumukas ang pinto at sumilip si Justin, bunso kong kapatid. "Ate, pwedeng makitulog dito? Nawalan ng ilaw sa kwarto ko e. Pundido na ata. Alam mo naman, hindi ako nakakatulog nang walang ilaw."

“Oo na. Kunwari hindi ko na lang alam na takot ka talaga sa dilim.” Biro ko.

Pumasok na siya at nahiga sa kama ko."Ikaw naman takot sa ipis."

"'Wag kaya kitang patulugin dito?"

"Ate talaga, pikon. Kaya wala kang boyfriend e."

"At ano'ng konek nun ha? Matulog ka na nga." humarap na uli ako sa ginagawa ko. "Yang boyfriend dagdag sakit ng ulo lang 'yan. Gastos nga lang natin dito sa bahay masakit na sa ulo."

Masagana ang buhay namin noon. Lahat ng gusto nabibili, lahat ng layaw nasusunod. Nagbago lang ang lahat ng ‘yun nang mambabae si Papa. Nawalan ng gana sa buhay si Mama dahil doon at hindi nagtagal iginupo siya ng sakit niya.

Simula noong pumanaw si Mama unti-unti ring naubos ang kabuhayan namin. Na-bankrupt ang tinayo niyang business, naubos ang savings sa bangko at sunod-sunod pang kamalasan. 'Yung bahay at lumang sasakyan na lang natira sa amin.

"Bakit kasi ayaw mo akong payagang mag-working student? Para makatulong naman ako sa'yo kahit paano. Kaya ko namang isingit sa pag-aaral ko e."

"Sinabi ko na sa’yo noon hindi mo kailangang gawin 'yun. Mag-focus ka muna sa pag-aaral mo at kapag nakagraduate ka na kahit ilang trabaho pasukan mo hindi kita pakikialaman. As for now, leave it all to ate, okay?"

Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi, "Goodnight, Ate."

Ala una pasado na nang matapos ako sa ginagawa ko. Tinabihan ko si Justin at yumakap sa kanya. Kung hindi siguro dahil sa kanya malamang ay sumuko na ako. Mabuti na lang at nandito siya sa tabi ko.

Medyo masakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan.  Bigla-bigla nag-ring ang cellphone ko. Sino ba ng tatawag sa akin ng ganito kaaga? Aabutin ko na sana ang cellphone ko nang may dumapong malaking ipis kamay ko. Sa gulat at takot napabalikwas ako dahilan para mahulog ako sa kama.

Takot na takot kasi talaga ako sa ipis tulad ng sabi ni Justin. Lalo na dun sa lumilipad at nag-fi-feeling butterfly. Inabot ko 'yung tsinelas ko para ipamalo sa nakakadiring ipis na 'yun. Nakahinga na ako nang maluwag nang mabilis siyang gumapang palayo.

Nagmamadali kong sinagot ang tawag dahil baka importante ito. "Hello? Hello? Who's this?"

Walang sumasagot. Natawa ako sa sarili ko nang tingnan ko ang cellphone. Wala naman pala kasing tumatawag dahil ‘yung alarm ko ang tumutunog.

Pagtayo ko sa pagkakabagsak ay saka ko lang naramdaman ang bahagyang pagkirot ng bukong-bukong ko. Natama ata sa bakal na gilid ng kama.

"Ano'ng ginagawa mo diyan, Ate?" tanong ni Justin na kagigising lang.

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon