Chapter 03

471 10 0
                                    

“Hi, Mandie.”

Hindi pa man lumilipas ang ilang minutong nakakarating kami sa bahay ay tinawagan na naman niya ako. Gusto ko na tuloy pagsisisihan ang pagbibigay ko ng number sa kanya.

"Ano na naman?" tinatamad kong sagot.

"Pwede na ba tayong mag-usap? Palagay ko naman ay nakarating ka na sa inyo."

"Ano ba kasing pag-uusapan natin na hindi tungkol sa kotse mo?" inis kong sabi.

"Open your gate and I will tell you."

Lintek. Ang dami niyang kaartehan sa buhay. Ibinigay ko na nga ang number ko sa kanya para sa phone na lang kami mag-usap at hindi na magkita.

Saka ko lang napagtanto ang sinabi niya. Buksan ko daw ang gate.

Lumabas ako ng bahay at nakitang naka-park doon ang sasakyan niya. Ibinaba ko na ang tawag at hinarap siya.

“Ano’ng ginagawa mo dito? Wala naman tayong usapan na ganito ah.”

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Tirik na tirik pa man din ang araw.”

“Hindi.” Matabang kong tugon.

Sa 24 years na existence ko dito sa balat ng Earth ay wala pa ata akong nakilalang tao na makita mo pa lang sira na agad ang araw mo bukod kay Ms. Mendez.

“Kung ayaw mo akong papasukin, doon tayo sa loob ng kotse mag-usap.”

“Ayoko nga. Baka kung saan mo pa ako dalhin.” Todo tanggi ko.

Tumawa siya. “Kung may masama akong balak sa’yo hindi kayo magkasama ng kapatid mo ngayon. Sinabi ko na sa’yo kahapon hindi ikaw ang tipo ko. Wala lang talaga akong pagpipilian kaya nandito ako.”

Nag-uumapaw talaga ang pagka-inis ko sa kanya. Ano bang gusto niyang palabasin?

“Fine, doon na lang tayo sa kotse mo mag-usap.”

Nauna siya at nakasunod lang ako. Sa totoo lang, hindi ako komportableng makasama ang taong 'to at kung wala lang akong atraso sa kanya hindi niyo ako mahuhuling kasama kahit anino niya.

“Let me introduce myself to you first.” Pormal na sabi nito. “I’m Ethan Jake Montereal.”

Buong pangalan talaga? Hindi naman ako interesado.

“Sabihin mo na kung ano’ng kailangan mo para matapos na.” sagot ko naman at binalewala ang pagpapakilala niya.

“I need you.” Walang kagatol-gatol niyang sabi.

Napamaang ako sa sinabi niya. ‘Yung totoo, nasa isang gag show ba ako at may mga camera man na nagtatago sa paligid?

"What? Nababaliw ka na ba?"

"Sa gwapo kong 'to?" Hambog talaga 'tong Ethan na 'to e. Saan ba siya pinaglihi ng nanay niya?

"This is nonsense. Alam mo umalis ka na at 'wag mong sayangin ang oras ko. Marami pa akong mas importanteng bagay na dapat gawin kaysa makipag-usap sa’yo. Siraulo."

Aktong bababa na ako nang hawakan niya ako sa braso. “Teka lang. Wala ka ba talagang humor sa katawan mo? You’re no fun.”

“Hindi naman kasi ako nakikipagbiruan sa’yo. Tsk. Bitiwan mo nga ako.”

“Okay.” At binitiwan nga niya ako. “Sayang gusto ko pa man sanang kalimutan na lang ang atraso mo sa'kin pero since ayaw mong makipag-usap…”

Gusto kong mag-mura. Ang dami pa kasi niyang pasikot-sikot at paligoy-ligoy. Napakarami niya atang libreng oras para mambuwisit ng ibang tao.

“Diretsahin mo na kasi ako. Ano ba talagang kailangan mo sa’kin?”

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon