Chapter 05

420 17 6
                                    

Pauwi na ako galing sa trabaho. Yes, may trabaho na ulit ako. Thank God. Two weeks pa lang ako dito kaya medyo nangangapa pa ako ng bahagya, buti na lang nandiyan si Faye para tulungan ako, bago kong kaibigan dito sa office. She’s tall and pretty and sexy kaya naman hindi ako magtataka kung maraming nagkakacrush sa kanya dito sa opisina.

Halos one month na rin pala ang lumipas matapos ang pagpapanggap na 'yun. Dapat ay magaan na ang pakiramdam ko ngayon pero sa hindi ko maintindihang dahilan tila hinahanap ko ang pang-iinis niya sa'kin.

"Mandie, hatid na kita." habol ni Andrei sakin, ang makulit kong manliligaw dito sa office.

First day ko pa lang sa opisina ay pinormahan na agad niya ako, lagi niya akong nililibre ng coffee, lunch or anything kahit na tumatanggi ako. Minsan talagang nakakairita na.

"No thanks, Andrei. May sasakyan naman ako." I lied dahil magta-taxi talaga ako. Actually, ilang beses na rin akong nagsinungaling matanggihan lang siya tulad na lang ngayon. Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa.

Pasakay na ako sa pinara kong taxi nang biglang nag-ring yung phone ko. Sinagot ko agad ang tawag nang makita an pangalan ni Kim sa screen. "Kumusta na, babae? Bakit ngayon ka lang tumawag ulit? Na-miss kita."

"I missed you too and I'm okay. Ikaw kumusta?  Are you free? Kita naman tayo ngayon."

"Sure. Sa dating meeting place na lang tayo magkita." I suggest.

"Sige."

Nang makarating ako sa meeting place namin nandun na siya at may kausap siya sa phone. I guess it's Carlo, mukhang aburido na naman si Kim eh. Sigurado LQ na naman sila. What's new anyway? Ganoon naman sila lagi, kahit nga maliit na bagay pinagtatalunan nila. I once suggested that she should just break up with that guy but she refused. Mahal daw niya eh. 'Yang love talaga na 'yan ang culprit eh.

Paglapit ko sa kanya saktong ka-o-off lang niya ng phone. "Hey, si Carlo na naman kausap mo 'no?"

She nodded. "Yeah, alam mo na. Away bati naman lagi ang drama namin."

Oo, alam ko na. Dahil madalas niyang i-kwento sa'kin noon ang mga pinagaawayan nila ni Carlo. Nagtataka nga ako kung paano sila umabot ng taon samantalang ang majority ng relasyon nila nabuo sa away.

"Dahil na naman dun sa epal niyang ate? Ay naku, hindi ka man lang ba ipaglalaban ni Carlo kahit isang beses?" dismayado kong sabi.

Napabuntonghininga na lang siya at iniba ang topic. "Anyway, ano'ng balita sayo?"

"Well, bukod sa may trabaho na ulit ako wala na. You know how boring my life is."

"Bakit kasi hindi ka pa mag-boyfriend?" How ironic. Of all the people, sa kanya ko pa talaga narinig 'yun.

"Para ano? Para makahanap lang ng batong ipupukpok sa ulo ko? No way.”

Boyfriend... Mapapasaya ba talaga ako niyan? Ewan ko. Hindi ko alam. Ang alam ko lang kapag kumupas na ang pag-ibig, kapag nawala na 'yung kilig, kapag wala nang spark, isa lang ang kahihinatnan niyan. Break-up. Pain.

“Di na ako magtataka kung sa future eh maging matandang dalaga ka.”

I rolled my eyes. "Mabuti nang maging matandang dalaga kaysa matulad sa miserableng sitwasyon na meron ka ngayon."

"Ikaw talaga. Parte talaga 'yun ng relationship. Alam mo, Mandie relationships is not just about happiness and laughter. May kasama talagang hardships and pain."

And I rolled my eyes again.

"Kita ulit tayo next time Mandie. Bye." Kim waved me goodbye

Gabi na nang makauwi ako at ang bumungad agad sa akin sa pinto... Walang iba kundi ang makulit na si Andrei. Dear Lord, nung nagsabog ka ba ng kakulitan nangunguna tong lalaking 'to sa linya?

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon