Chapter 08

211 8 3
                                    



CH. 08

Papunta ako ngayon sa restaurant na malapit sa dati kong pinagtatrabahuhan para makipagkita kay Kim. Tumawag kasi siya at mukhang problemado na naman sa tono pa lang ng boses niya. I will bet my full salary it's about Carlo again. You know. Same old, same old.

Habang nasa biyahe pumasok na naman sa isip ko 'yung sinabi ni Tito Ben kagabi. Sa totoo lang gusto ko talagang tapusin 'yung isang taon na naiwan ko sa college. I had to stop for Justin back then, I'm not blaming him for that though because it's my own decision. Hindi siya pabor sa ginawa ko dahil pwede ko naman daw tapusin muna ang huling taon ko sa college at saka na lang niya itutuloy ang High school. But I don't want him to stop because I knew it would break his heart even he never have said it.

At ngayong oportunidad na ang lumalapit sa'kin hindi ko naman magawang tanggapin. I don't deserve the kindness of Tito Ben.

Naputol ang pag-iisip ko dahil nandito na ako sa restaurant. Natanaw ko agad si Kim. Sa dulo at pinakasulok pa siya nakapwesto. Sa itsura pa lang niya I could tell she just finished crying. Medyo namamaga na rin kasi ang mata niya.

Yumakap agad siya sa'kin hindi pa man ako nakakaupo. "Mandie.." ayan nag-umpisa na naman siyang umiyak.

Pinaupo ko na uli siya at hinagod ang likod niya. "Ano bang nangyari? Nag-away na naman kayo?"

Mas lalo lang siyang umiyak sa tanong ko. Nagtinginan na tuloy 'yung ilang customers sa'min. "He.. he broke up with me. Bakit? Bakit hindi man lang niya ako pinaglaban kahit konti? Basta na lang siya sumuko. Mandie.. I can't.." hinayaan ko lang siyang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na duwag kasi 'yung lalaking ginusto niya. Malakas ang loob makapagsabi ng 'I love you' pero nung dumating na 'yung challenge sa relationship nila nabahag agad ang buntot ng gago.

Nakakainis lang 'no? Na kung sino pa 'yung taong minamahal mo sila pa 'yung nang-iiwan sa'yo. It sucks that they tell you they love you but can't even fight for you.

Nakatingin lang ako kay Kim. She looked so miserable. Kitang-kita ang sakit sa bawat hikbi niya, sa bawat patak ng luha niya. Habang pinapanood ko siya parang nararamdaman ko na rin ang pain na nararamdaman niya. This is why I will never ever engage myself in a commitment. Habang nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan dahil lang sa isang lalaki mas lalo ko lang na-realize na hindi ko hahayaan ang sarili ko na matulad sa kanila.

When she finally calmed down nagpaalam siyang uuwi na pero nagpumilit akong samahan siya sa apartment niya. Kinakabahan kasi ako. Baka mamaya kung ano'ng gawin niya kapag mag-isa na lang siya. Mabuti na ang nakakasiguro.

Habang naghihintay kami ni Kim ng taxi may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa pinanggalingan nung boses. It was Oliver. 'Yung best friend ni Ethan. Nakangiti siyang lumapit sa'min. "Yeah, it's you."

"Sino siya?" Kim was just looking at me blankly. Oo nga pala, wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraan.

"Ha?"

Oliver held out his hand to Kim and introduced himself.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon