Chapter 07

150 7 0
                                    



CH. 07

Lahat kami napatingin sa bagong dating na si Lexie. I won't deny the fact that she's so stunning with her royal blue bodycon dress na may sweetheart neckline na parang proud na proud ipangalandakan ang cleavage niya. Though she's undeniably gorgeous hindi rin naman maitatago ang pagiging woozy niya.

Naalala ko nung una ko siyang nakita. Gumawa din siya ng eksena sa ospital at mukhang gagawa na naman siya ngayon. Nag-major ata sa Attention Seeking ang babaeng 'to e. Tuloy-tuloy siyang pumasok at kumuha sa table ng wine glass at naglagay ng kalahati.

"Ang hot talaga ni Lexie." narinig kong bulong ni Braiden kay Oliver.

"O, bakit kayo tumigil? Continue the party." sabi ni Lexie sabay lagok sa wine niya. Bumaling siya sa'min pagkatapos, "Hi, Ethan. I missed you." malambing niyang sabi na parang wala ako doon at ikinawit pa niya ang isa niyang kamay sa batok ni Ethan.

"Hi, Lex. I missed you, too." sagot naman ni Braiden na nakangisi pa rin.

"Oh, fuck off Braiden. I'm not talking to you."

Wala namang reaksyon ang mukha ni Ethan. Matabang lang siyang nakatingin kay Lexie. "Go home, Lexie. Don't make a scene here."

"Only if you will drive me home." sagot niya kay Ethan pero mapang-asar siyan nakatingin sa'kin. Sinusubukan siguro kung ano'ng magseselos ba ako.

Lumapit na sa amin si Tito Ben malamang para pauwiin na din ang nahihibang na atang si Lexie. "Lexie.."

"Oh, hi Tito Ben. Nice party you got here, huh. Kaya lang may panira." then she glanced at me.

"Braiden, iho. Ihatid mo na si Lexie pauwi at mukhang kailangan niya ng pahinga."

Sumunod naman agad si Braiden at inakay si Lexie palabas pero pumiglas ang huli at hinarap uli si Tito Ben, "Are you really serious na itong babaeng ito lang ang ipapalit niyo sa'kin? God, this cheap and poor girl that didn't even finished her college." panduduro niya sa'kin. "Yes, pinaimbestigahan kita. So, ano? How did you seduced Ethan to get to this position? Hah! Ang taas rin naman ng pangarap mo to think na bagay ka sa pamilyang 'to."

Kung alam niya lang I would gladly give her my place makawala lang sa pesteng kasunduan na 'to.

"Lexie! Stop it! 'Wag kang umasta na parang naging tayo." sigaw ni Ethan.

"No! Hindi ko matatanggap na katulad niya lang ang ipapalit mo sa'kin, Ethan." kulang na lang ay lumuwa ang mata niya sa sobrang talim ng titig niya sa'kin. "You little bitch!"

Hindi man lang ako nakaiwas nang isaboy niya sa'kin ang laman ng wine glass na hawak niya. Damn. Kanina pa talaga ako nagpipigil patulan siya dahil sa pangiinsulto niya sa'kin pero naubos na talaga ang pasensya ko.

"Nakakaawa ka."

"What did you say?!"

"Nakakaawa ka. You're rich and beautiful pero naghahabol ka na parang aso sa lalaking hindi ka naman gusto. Nakakaawa ka dahil marangya nga ang buhay mo kinulang naman ang ugali mo. Malamang kasi hindi nabibili ng pera ang good manners 'no? Oo, wala akong College Degree pero sa inasal mo ngayon sino sa'tin ang mas walang pinag-aralan?" kalmado pero matigas kong sabi.

Mas lalo lang siyang nagpuyos sa galit sa sinabi ko kaya pinagtulungan na ni Ethan at Braiden na ilabas siya. Nakatingin lang sila sa'kin. Shocked pa rin ang ilan sa gulong nangyari at ang iba naman ay parang proud sa ginawa ko.

"Now I know why Ethan chose you." bulong sa'kin ni Oliver bago pa nakabawi si Tito Ben at pinasamahan ako sa isa mga maids nila sa guest room kasunod naman agad na pumasok si Carlyn.

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon