Chapter 02

535 10 0
                                    

Humahangos akong dumating sa kuwarto ni Justin. Wala siyang malay at nakabantay sa kanya si Tita Susan nang datnan ko sila. Mabuti na lang talaga at laging nandyan si Tita para sa amin.

"Tita, salamat po sa pagbabantay kay Justin. Mabuti na lang at tinawagan agad kayo ni Sophie." si Sophie ang anak ni Tita at schoolmates sila ni Justin.

"Wala ito. Sino pa bang magtutulungan kundi tayong pamilya rin." Nakangiti niyang turan.

Pinagmasdan ko ang kapatid ko. Kung pwede lang sanang kunin ko na lang ang sakit niya para hindi na siya nahihirapan ng ganito. "Justin," hinaplos ko ang buhok niya, "Be strong. Ate is always here for you. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari."

Nag-paalam ako kay Tita at saglit na lumabas. Babalikan ko lang ang lalaking 'yun para sa sasakyan ko. Matapos ko kasing malaman kung saan ang room ni Justin doon sa nurse sa Information Desk ay nagmadali agad ako.

Hinanap ko siya sa waiting area pero hindi ko siya nakita kaya sa labas ng ospital ako nagbaka-sakali. Hindi naman ako nagkamali, nandoon nga siya. Nakatayo sa tabi ng mamahalin niyang sasakyan. Nilagay niya ang kamay sa batok at nag-inat na parang ngalay na ngalay na. 

Lalapit na sana ako ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang may lumapit sa kanyang babae. Parang super model itong naglakad suot ang itim niyang high heels patungo doon sa masungit na estranghero at ngumiti ng napakatamis.

"Hi, Ethan, what are you doing here? I missed you so much." Maarteng sabi nung babae.

Ethan pala ang pangalan niya. Pangalan pa lang parang mayabang na. Hindi pala parang, kasi mayabang talaga siya.

"Bakit ka nandito? Stalking me again?" matabang na sagot ni Ethan.

Wow! Grabe naman pala ang kahambugan ng isang ‘to. Mas malakas pa ang hangin niya kumpara sa pinagsamang pwersa ni Yolanda at Ondoy at nilagpasan pa niya ang pinakamalakas na signal ng isang bagyo.

Mangiyak-ngiyak ang itsura nung babae. "I just visited a friend here and I happen to see you kaya nilapitan kita. Bakit ba ang harsh harsh mo sa'kin? May feelings rin naman ako."

Inis siyang lumayo dito. At pagkakataon nga naman, napatingin siya sa'kin. Ngumisi siya nang makita ako at lumapit. "O, nandyan ka na pala, babe." Sabi niya sabay akbay.

Siraulong 'to. Balak pa ata akong idamay sa mga kalokohan niya. Pipiglas pa sana ako pero hinapit niya ako sa bewang.

Tumaas ang kilay nung babae at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla akong nainis sa paraan ng pagtitig niya sa’kin. Nakakainsulto.

"Who is she?" nakasimangot niyang tanong.

"She’s my girlfriend.” Mas lalo pang humigpit ang kapit ni Ethan sa bewang ko. Chancing na ‘to ah! “Kaya kung pwede lang Lexie 'wag mo nang ipilit 'yung sa'tin dahil hindi 'yun mangyayari. Gumising ka na sa ilusyon mo dahil pagbali-baliktarin man ang mundo hindi ako magkakagusto sa’yo." Malamig niyang tugon dito.

"I hate you! I hate you! Isusumbong kita kay Tito Ben!" nanggagalaiti niyang sigaw.

Nakatanaw lang ako dun sa babaeng nagwalk-out na Lexie pala ang pangalan. Umiiyak at halatang nasaktan talaga sa sinabi ng walang puso at kaluluwang Ethan na ito. Inis na inalis ko 'yung kamay niyang nakapulupot sa 'kin at hinarap siya.

"Bastos ka talaga ano? Wala ka ba talagang katiting na respeto d'yan sa katawan mo? At idinamay mo pa ako sa kalokohan mo."

"Whatever." bored niyang sagot sabay abot sa 'kin ng susi ng sasakyan ko. "Nai-park na d'yan nung driver 'yung kotse mo. By the way, don't get any weird ideas with what I just did because you're not my type. Na-corner lang talaga ako ng babaeng ‘yun." Sabay walang lingon-likod na naglakad palayo.

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon