Chapter 04

419 10 0
                                    

"Kumusta lakad, Ate?" tanong ni Justin.

Nasa bahay na rin pala siya. Nakaharap siya sa computer at nakakalat ang mga libro at notebook niya. Ang sipag talagang mag-aral ng kapatid ko kaya naman ginagawa ko lahat maitawid lang ang pag-aaral niya.

Initsa ko ang dala kong bag sa couch at naupo. "Ayos naman. Tatawagan na lang daw ako ng mga in-applyan ko." Tugon ko habang hinuhubad ang sapatos ko.

Galing ako sa paghahanap ng trabaho. Ang totoo niyang balak kong mag-doble ng trabaho dahil malapit nang mag-college si Justin. Gusto kong matupad niya ang pangarap na maging Architect. Kahit 'yun man lang sa mga pangarap ko ang matupad masaya na ako.

"Gusto mong mag-merienda? May baked mac diyan. Pinabibigay daw ni Tita Susan sabi ni Sophie."

"Mamaya na siguro. Magpapahinga muna ako."

Wala pa sigurong ilang minuto akong nasasandal ay bumigat agad ang talukap ng mga mata ko. Hindi na kasi ako natulog kagabi pagkatapos kong managinip. May eyebags na nga raw ako sabi ni Justin dahil madalas akong kulangin sa tulog nitong nakakaraan.

Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sa'kin at hindi nga ako nagkamali.

"Good morning, sleepyhead." nakangiting bati sa'kin ni Ethan.

Napabalikwas agad ako ng bangon at inayos ang sarili ko. "Kanina ka pa ba d'yan? Sabi ko kay Justin 'wag basta magpapapasok ng kung sino-sino e."

"Alam mo kung anong ibinait ng kapatid mo siya namang kabaligtaran mo. Sigurado ka bang magkapatid talaga kayo? Baka naman ampon ka lang." pang-aasar pa niya.

Inirapan ko siya at binato ng throw pillow. "Umalis ka nga sa harap ko. Nasaan ba siya?" tanong ko ng mapansing wala si Justin.

"Lumabas. May bibilhin lang daw."

Napasimangot ako. "Bakit ka na naman ba nandito?"

"Nakalimutan mo na bang ipakikilala kita sa tatay ko ngayon? Bilisan mo magbihis ka na." Kung makapag-utos siya akala mo naman kung sinong hari.

Inis akong tumayo at pumasok sa kuwarto.

Isang simpleng blouse at pantalon lang ang isinuot ko. Hindi na rin ako nag-abalang mag-ayos pa ng todo. Para saan pa? Arte lang naman ang lahat ng ito.

Nagku-kwentuhan sila ni Justin nang lumabas ako. Mukhang magkasundo na agad sila dahil naulinigan ko ang tawanan nila.

"Talaga bang laging ganun si Mandie? Ang sungit parang laging may dalaw."

"Masungit? Hindi ah. Siguro istrikta pwede pa. Korni pakinggan pero siya ang pinaka-sweet, pinaka-mabait at pinaka-selfless na ate. Baka naman pasaway ka, Kuya, kaya ganun siya sa'yo."

Napangiti ako. That's my brother! Ipinagtatanggol ang kapatid niya. Lumapit pa ako ng kaunti at nakinig pa ng saglit sa pag-uusap nila.

"Hindi 'no. Good boy 'to." Sinungaling. Saang banda kaya ang good side nya? Sa pamba-blackmail? Sa kahambugan? Sa pagpapaiyak ng babae?

"Pero ano mo ba talaga si ate? Boyfriend ka ba talaga niya? Ngayon lang kasi may dumalaw na lalaki dito."

"Talaga? Ibig sabihin NBSB Mandie?" narinig ko naman ang nakakainis niyang tawa.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. "Pwede na ba tayong umalis?"

Sabay silang napatingin sa akin. Si Justin bumalik na sa harap ng computer at si Ethan naman tumayo na.

"Sure, babe," sagot niya at tinapik pa sa balikat si Justin bago tuluyang lumabas.

Tumaas ang kilay ko sa nakita ko. Hindi ko gusto 'to. Hindi ko gustong mapalapit si Justin sa tulad ni Ethan.

His Part Time GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon