Chapter one

6 2 0
                                    

Eduard's POV



"Hon, since anniversary na natin this coming month saan mo gustong pumunta to celebrate?" Tanong ko kay Cha habang parehas kaming nag-aayos ng mga paper works sa school. "Hmmm... siguro hon kahit di out of town okay lang sakin. Ang importante sa akin eh magkasama tayo! Sagot naman niya.



Charlene is a type of girl na hindi maarte, very humble at higit sa lahat napaka approachable. Kahit na galing lamang sa mahirap na pamilya si Cha, never naging issue ito sa pag sasama naming dalawa. In fact gustong gusto siya ng pamilya ko dahil sa kagandahan ng loob nito.




Graduating students na kaming dalawa, Journalism ang kinukuha ko at si Cha naman ay Nursing. Parehas naming binubuo ang mga dreams namin paunti-unti since we'll be exiting the gate of college days!



We are on our way to our house para mag lunch. Ininvite kasi si Cha ng Mommy ko na si mommy Celine. Medyo malapit na kami sa bahay namin ng matanaw namin ang isang napaka gandang babae na kung titignan mo eh nasa mid 40's.




Pagka park pa lang namin sa garahe ay agad kaming sinalubong ni mommy. "What took you so long guys? I'm starving. Kanina ko pa kayo hinihintay eh." Bungad samin ni mommy sabay beso beso samin.

"Sorry mommy, may inasikaso pa po kasi kaming paper works sa school eh." Wika ko.

"Oh siya, tara na at pumasok para maka kain na tayo at makapag kwentuhan man lang. Namiss ko tong future daughter-in-law ko eh." Sabi ng nanay ko na tila kinikilig kilig pa.


Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nag tanong si mommy. "Kamusta naman ang relasyon niyong dalawa Ed? Wala na bang mga asungot na umaaligid sa manugang ko?" Tanong sakin ni mommy habang ninanamnam ko ang luto niya.

"So far mom, wala naman na po. Hindi naman kasi sila binibigyan ng pansin ni Cha eh. Right hon?"

"Uh, yes po tita. I mean mom. It's just a waste of time lang po kasi." Sabi ni hon.


"Mabuti naman kung ganon. So, kailan ang kasalan? Sana pagka graduate niyo magpa kasal na kayo. Excited na kong makita magiging apo ko. Hihihi." Sabi ni mommy na pumapalakpak pa at may mga kinang sa mata. Muntik naman kami masamid dahil sa biglang tanong ni mommy.

"Mom, we don't have to rush. Ang mahalaga is maka graduate muna kami ni Cha. Tapos maka hanap ng stable job. Darating rin ho tayo jan mom. Just wait." Sabi ko.

"Okay then. Just let me know okay? Alam mo naman na si Cha na ang gusto ko para sayo eh." Hirit pa niya na sinagot ko naman ng pag tango at matamis na ngiti.

Past 4pm na ng maisipan ko na ihatid na si Cha sa kanila dahil panigurado hinahanap na ito ng kanyang ina. Masyado kaming nag enjoy sa panonood ng movie kung kaya't hindi na namin namalayan ang oras. Nag paalam na si Cha kay mommy at nagpa baon pa ito ng niluto niyang menudo para ibigay sa pamilya ni Cha. Bago kami lumabas ay may sinabi pa si mommy.

"Mag iingat kayo ha! Bibigyan niyo pa ako ng gwapo at magandang apo. Hihihi" Dahilan para mamula ang mukha ni Cha.

"Aish! Si mommy talaga oh. Pasensya ka na hon ah? Alam mo naman yun, sabik magka apo." Isang anak lang kasi ako kaya ganun na lang siya kasabik na magkaroon ng apo.

"Ano ka ba hon, ayos lang yun no. Nakakatuwa nga ang mommy mo eh. Para namang hindi ka pa nasanay sa kanya." Sagot ni Cha.

Tahimik lang kami habang binabagtas ang daan patungo sa bahay nila. Pero bigla kong binasag ang katahimikan. "Hon, nakikita mo ba ang sarili mo na kasama ako hanggang sa pag tanda?"

Kunot noo naman niya akong nilingon sabay sabing "Oo naman hon no. Bakit, ikaw ba?" Tanong niya.

"Siyempre oo rin ang sagot ko no. Hinding hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin hon. I love you!" Sabay halik ko sa kamay niya.

Ng makarating kami sa bahay nila Cha ay pinapasok muna niya ko sa loob at sinalubong naman kami ng naka babatang kapatid na lalaki ni Cha na si Stephen. "Kuya ed!" Masayang tawag ng bata sakin sabay yakap sa bewang ko.

"Oh penpen, kamusta ka na? Parang di tayo nag kikita araw-araw ah." Halos araw araw kasing hatid-sundo ko si Cha.

"Hay nako Ed, naglalambing lang yan." Sabi ni Nanay Minda, nanay ni Cha na kakalabas lang ng kusina. Lumapit naman kami sa kanya upang mag mano. "Halika at mag meryenda muna tayo" Yaya niya samin.

"Nako nay, salamat na lang ho. Pero kailangan ko na rin pong umuwi at may tatapusin pa po akong gawain eh." Wika ko.

"Ay ganon ba? Osya sige, umuwi ka na nga at baka abutan ka pa ng gabi sa daan. Mag iingat ka iho. Salamat sa pag hatid sa anak ko ha."

Hinatid na ko ni Cha sa labas at nag paalaman na kami sa isa't isa.

Charlene's POV

Hinatid ko na si Ed sa labas ng bahay namin. Nag paalamanan na kami sa isa't isa. Sinundan ko lang ang kotse niya hanggang sa di na ito matanaw ng mata ko kaya nag decide na kong pumasok na ng bahay.

Pag pasok ko ay bumungad sa harap ko ang aking ina.

"Napaka swerte mo sa nobyo mo anak. Napaka bait at maalagain na bata. Sana kayong dalawa na talaga ang magka tuluyan" Masayang sambit niya.

"Oo naman ho nay. Kami na talaga panigurado. Sige po nay, akyat po muna ako sa kwarto ko." Tumango naman si inay kaya't nag tuloy na ko sa taas. Pag pasok ko sa kwarto ko ay nilapag ko muna ang mga gamit ko at dumerecho sa banyo.

Nag half bath lang ako at ng maka bihis ay agad akong sumalampak sa kama at pinikit ang aking mata hanggang sa di ko na namalayan na naka tulog na pala ako.

Pag gising ko ay umaga na. Kinapa ko agad ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Meron akong tatlong msg. Pag bukas ko ay puro msg ni Ed na nagsasabing "Good morning beautiful. Breakfast ka na ha. I love you!"  "Text mo ko pag gising ka na :*" "Bago mag 10 anjan na ko hon" Nag reply naman ako sa kanya ng "Good morning rin hon. Okay, mag aasikaso na ko. Breakfast ka na rin. I love you" then hit send. Pag tingin ko sa orasan ng phone ko ay 8am pa lang. 10am pa ang klase ko. Pero naligo na ko atsaka bumaba para mag almusal.

Pag baba ko ay naabutan ko ang nanay at tatay ko na nag aalmusal.

"Oh anak, halika na at sabayan mo na kami ng tatay mo" Yaya sakin ni nanay na agad ko namang sinunod.

Simple lang ang buhay namin. Ang tatay ko ay nagta trabaho bilang jeepney driver. Ang nanay ko naman ay house wife. Pero minsan ay nag lalabada siya.

Scholar ako sa pinapasukan naming University ni Ed. Speaking of Ed, anjan na siya sa labas at hinihintay ako.

Nag paalam na ko kela inay at tuluyan ng lumabas ng bahay. Sinalubong naman ako ng halik sa pisngi ni Ed at may tatlong piraso pang rosas.

"Three roses means I Love You" sabay kindat niya at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan. Isa sa mga nagustuhan ko kay Ed ay ang walang kupas niyang ka sweetan at sobrang gentleman niya.

Ng makarating kami sa University ay hinatid niya ko sa room ko, humalik siya sa pisngi ko at nag paalam na dahil baka ma late na siya. Magka hiwalay kasi ang building namin.

23:07Where stories live. Discover now