Chapter five

1 2 0
                                    

Charlene's POV

Same day..

Nang maka uwi na ko ay gumugulo pa rin sa isip ko yung lalaking pabalik-balik sa hallway kanina. Pero sinasawalang bahala ko na lang. Baka may hinihintay lang talaga siya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si Ed. Pag tapos ng tatlong ring ay sinagot niya rin ito.

"Hi hon. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Medyo maayos na hon. Sa thursday pwede na kong pumasok. Ikaw, kamusta ka?"

"Maayos naman ako. Kakauwi ko lang halos."

Nag kwentuhan pa kami ni Ed. Pero maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko at pag bukas ko ay si Nanay pala.

"Anak, kakain na." Bungad ni inay.

"Ah sige ho nay, susunod na ho ako."

"Hon, kakain na kami. Kumain ka na rin at uminom ng gamot ha." Paalala ko.

"Ganon ba? Sige, kumain ka ng marami para tumaba ka naman hon." Tatawa tawang sabi ni Ed.

"Loko ka talaga hon. Sige na. I love you" Sabi ko.

"Haha. Sige hon. I love you too. Bye"




***

Thursday na ng makapasok si Eduard ulit.

"Hon, mamaya mala-late ako ng uwi dahil ang dami ko pang make up class and projects na dapat ipasa." Paliwanag ni Ed.

"Ha? Ganon ba? Sige, mauuna na lang akong umuwi mamaya since maaga naman uwi ko. Ingat ka mamaya pag uwi mo ha?" Sagot ko.

"Oo hon. Ikaw rin ingat. Mag text ka sakin pagdating mo ng bahay" Sabi niya.

Pag tapos ng klase ko ay dumaan muna ako sa lab para ipasa sa prof ko ang project ko. Pero kung minamalas ka nga naman oh, pag dating ko ng lab naka alis na pala yung prof ko. Nung aalis na sana ako ay may biglang humawak sa likod ko at sinabing...

"Excuse me miss."

Pagtalikod ko ay nakita ko yung guy na sinamahan ko sa library.

"Yes? Sabi ko.

"Still remember me? By the way i'm King. And you are?" Tanong niya.

"Uh, oo naman natatandaan kita. I'm Charlene. Nice meeting you King." Sabi ko.

"Like wise" Sagot niya.

"Anyway, dito ka ba nag aaral?" Tanong ko naman.

"Uh, hindi. Dun ako sa kabilang school nag aaral. Malapit lang rin dito. Pangalawang kanto lang mula rito. Pero yung girlfriend ko dito nag aaral." Mahinang sagot niya pero sapat na para marinig ko.

Nag kwentuhan pa kami ni King. Lumipas na nga ata ang 20 mins at nag kwe-kwentuhan pa rin kami. I find him nice naman and very soft spoken kaya okay lang sakin na kakwentuhan siya. Isang anak lang pala siya at 4th yr college na rin siya gaya ko.

"Broken family ako. Nag hiwalay ang magulang ko ng 10 yrs old pa lang ako. Lumaki lang ako sa Lolo. Pero nung 17 yrs old na ko ay namatay ang lolo ko. Inatake siya sa puso. Mula nun, naging mag isa na lang ako sa buhay."

"Ah. Sorry to hear that. Maiba tayo, ano nga palang pangalan ng girlfriend mo at anong course niya?"

Tila nagulat siya sa tanong ko at parang nag iba ang mood niya.

"Sa totoo lang Cha, nakipag hiwalay na siya sakin nitong nakaraang linggo lang. Mariel Gomez ang pangalan niya. 3rd yr, Accountacy." Malungkot na saad niya.

"Nako! Ano ba yan. Pasensya ka na ha, minsan talaga di ko mapigilan yung bibig ko kakatanong eh. Sorry"

"Ayos lang. Medyo tanggap ko na rin naman. Pinag palit niya ko sa ka schoolmate niyo. Ewan ko ba. Okay naman ang pagsasama namin eh. Tapos bigla na lang ayaw na niya yun pala may iba na. Pero, okay na rin siguro yun. Marami pa namang iba jan eh." Sabay tingin niya sakin at ngiti.

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya dahil napansin kong napahaba na ang kwentuhan namin at medyo dumidilim na kaya't nagpa alam na ko sa kanya.

"Sige King ah. Mauna na ko. Medyo dumidilim na eh. Baka gabihin pa ko sa byahe."

"Sige Cha. Ingat ka."

Habang naglalakad ako palabas ng school ay may babaeng humarang sa dinadaanan ko.

"Hi. Charlene, right?" Tanong niya.

"Ah. Oo, bakit?" Sagot ko naman.

"Hi. I just want to say that stay away from King. You don't know him too well.

Tila nag taka naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Pero mukha naman siyang mabait eh." Kabadong sabi ko.

"Mukha lang miss. I'm telling you, kaya ka niyang paikutin at paniwalain na mabait siya. Wag kang mag papadala at mag bulag-bulagan. Sige, una na ko. Bye!"

Lumipas muna ang ilang segundo bago ako naka balik sa huwisyo. Ayaw mag sink-in sa utak ko nung sinabi nung babae. Sino ba siya? Bakit parang kilalang kilala niya si King? Baka naman nanti-trip lang yun. Yaan na nga.

Naglalakad na ko papunta sa sakayan ng jeep ng may mahagip ang mata ko sa kabilang kalsada. Si King at yung babaeng kumausap sakin kanina tila nag tatalo sila. Iniisip ko kung lalapitan ko ba sila. Kaya lang baka lumabas pa na nakikielam ako kaya nag tuloy na lang ako sa pagsakay.

Hanggang pag uwi ko ay curious pa rin ako kung sino yung babae at kung bakit sila nag tatalo ni King?

"Hay! Bakit ko ba iniisip yun? Maka gawa na nga lang ng homework."

Nasa kalagitnaan na ko ng pag gawa ng homework ko ng biglang mag ring ang phone ko.

"Hello?" Sabi ko.

"Hi hon. Naka uwi na ko. Kamusta? Safe ka bang naka uwi?" Tanong ni Ed.

"Ah, oo hon. Safe naman ako." Sagot ko.

"Mabuti naman. Ano pa lang ginagawa mo?" Tanong niya.

"Gumagawa lang ako ng homework. Ikaw?" Tanong ko rin sa kanya.

"Eto nagpapahinga lang konti tapos tatapusin ko yung isang project na ipapasa ko bukas."

"Ganon ba? Sige na pahinga ka muna. Tapusin ko muna to ah. Maya na lang." Paalam ko.

"Okay hon. Bye!" Sagot naman niya.

8pm ng matapos ako sa gawain ko. Bumaba na ako para kumain. Pag tapos kumain ay nag hugas lang ako ng plato at umakyat na para magpahinga. Nag text na rin ako kay Ed na mauuna na akong matulog.

Lumipas ang 5 mins...

10 mins..

15 mins..

20 mins...

Paikot ikot na ko sa kama pero hindi pa rin ako maka tulog. Nasa isip ko pa rin yung sinabi nung babae at yung eksenang nakita ko kanina. May kakaiba talaga eh. Bakit sasabihin sakin yun nung babae kung hindi naman sila magkakilala? Pero kung magkakilala naman sila, bakit niya kailangang siraan si King? Hay! Ang gulo! Maka baba na nga lang at makapag timpla ng gatas.

Pagbaba ko ay agad akong nagtungo sa kusina para mag timpla ng gatas. Habang umiinom ako ay biglang may pumasok sa isip ko.

"Posible kayang yung babae kanina ay si Mariel na girlfriend ni King? Hmmm. Pero bakit ganun yung sinabi niya tungkol kay King? Matanong nga bukas para maka sigurado"

Matapos kong uminom ng gatas ay umakyat na ko ulit at maya maya lang ay dinalaw na ko ng antok.

23:07Where stories live. Discover now