Mariel's POVHi! I'm Mariel Gomez. I'm not the antagonist here, okay? Biktima lang rin ako ng karahasan. Charot! Haha. Pero seryoso, may naging boyfriend akong bayolente. Jusko po! At speaking of my ex boyfriend.
Habang nag lalakad ako palabas ng school ay may nakita akong dalawang tao na naka upo at nag kwe-kwentuhan. At kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko yung lalaki.
"Sh*t! Bakit nandito nanaman yang lalaking yan? Tsk." Oo tama kayo, si King nanaman ang nakita ko.
Si King Alonzo. Ang ex-boyfriend ko na may saltik sa ulo. Pinapaniwala niyang kami pa rin kahit isang linggo na halos ang naka lipas mula ng makipag hiwalay ako sa kanya. Okay naman kami nung una eh. Kaya lang habang tumatagal lumalabas yung side niya na bayolente. Sinasaktan na niya ko, pinaghihigpitan sa lahat ng bagay. Which is hindi naman na tama. So I decided to break up with him. Kaya lang mas lumala ata ang tama niya sa utak kasi ayaw niya kong tigilan kahit sinabi kong may bago na kong boyfriend. Well, hindi naman talaga kami ni Gino. Pinapalabas lang namin yun para tigilan na ko ni King.
Pinagmamasdan ko lang sila habang ang sarap ng kwentuhan nila. Kung hindi ako nagkakamali, yung girl na kausap niya ay si Charlene. Friend ni Justin Mendoza, ang classmate ko sa isang subject ko.
Lumipas na ang ilang minuto pero nag kwe-kwentuhan pa rin sila. Napansin kong magaan ang loob ng babae sa kanya.
Makalipas ang limang minuto ay tumayo na yung friend ni Justin. Mukhang uuwi na siya. Ng mapansin kong dito siya papunta ay inabangan ko siya. Kailangan ko siyang pagsabihan na mag ingat kay King.
Ng makalapit siya ay hindi na ko nag dalawang isip na kausapin siya.
"Hi. Charlene, right?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Oo, bakit?" Sagot naman niya.
"Hi. I just want to say that stay away from King. You don't know him too well.
Tila nag taka naman siya sa sinabi ko.
"Ha? Pero mukha naman siyang mabait eh." Sagot niya.
"Mukha lang miss. I'm telling you, kaya ka niyang paikutin at paniwalain na mabait siya. Wag kang mag papadala at mag bulag-bulagan. Sige, una na ko. Bye!" At tinalikuran ko na siya.
Sana naman makinig siya sakin. Para sa kanya rin naman yun. Ayoko lang rin na magka gulo.
Nung tuluyan na kong maka labas ng school ay nakita kong pasakay na si King ng tricycle. Walang sabi sabing hinatak ko siya at kinaladkad sa kabilang kalsada.
"Ano ba ha? Hindi ka ba talaga titigil?" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Bakit ba? Hindi na kita ginugulo diba?" Inis na sagot niya.
"Hindi mo na nga ako ginugulo pero ibang babae naman ang pinupuntirya mo! Umayos ka nga King! Hindi lahat ng babae kaya mong paikutin tulad ng nagawa mo sakin!"
"Ano bang pinagsasabi mo Mariel?"
"I saw you a while ago. You're talking to a girl. Mukhang magaan ang loob niya sayo. Please, lubayan mo siya. She's innocent!"
"Nakita mo ko? Huh! So, nakita mo na rin pala yung next target ko? She's pretty, isn't she? Just wait Mariel, magiging kami rin ni Charlene at tuluyan na kitang makakalimutan." Sabay ngisi niya.
"Stop it King! Please lang. I'm begging you. Wag ka ng mandamay pa. Wag na si Charlene. She's a nice girl. Please lang, stop this non-sense." Tinalikuran ko na siya at nagsimula na kong maglakad palayo pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"Sinira mo ang buhay ko! Kaya kung hindi kita magantihan, ibang buhay na lang ang sisirain ko" At nakita ko siyang tumakbo patawid ng kalsada.
Oh, god! Ang sakit talaga niya sa ulo! Hay. Mukhang kailangan kong bantayan si Charlene.
YOU ARE READING
23:07
Short StoryThis is just a Short story :) Na inspired kasi ako sa mga favorite author ko eh. Hehe. So pag pasensyahan niyo na po ito ah. Alam niyo naman po, first timer eh. First time ko po gumawa ng story kaya pagtyagaan niyo na po. Enjoy reading! God speed! :...