Eduard's POV
Ng maihatid ko na si Cha sa room niya ay agad rin akong nag tungo sa klase ko. Wala naman masyadong ginawa. Nag lecture lang ang prof ko.
Nung kinahapunan din ng araw na yun, habang nag babasa ako ng horror thriller book at inaantay ko si Cha na lumabas ng laboratory ay may biglang tumapik na lang sa likuran ko. Sa pagka gulat ko ay nasigawan ko ito...
"Ano ba?" pasigaw na sabi ko. Pag lingon ko si Justin pala.Si Justin Mendoza ang long time friend naming dalawa ni Cha since high school pa lang kami.
"Pare, masyado ka namang magugulatin. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Jus.
"Kaw talaga pare hilig mong mang gulat. Akala ko kung sino. Hmmm, siyempre inaantay ko si Charlene lumabas, may pupuntahan kasi kami after eh" sagot ko.
"Tsk. Yan napapala mo sa pag babasa mo madalas ng mga horror books na yan. Teka, saan ba kayo pupunta?"
"Dude, kailangan ko ito sa book review ko pero kahit di required eh enjoy talaga naman na ko mag basa ng ganito ever since eh. Sa ano-" naputol ang pagsasalita ko dahil nakita ko na si Cha na lumabas ng lab at maraming bitbit.
"Sige pre, alis na ko andyan na si Charlene. Bye! Tawagan na lang ha?" Nag mamadali kong sabi.
"Sige tsong. Ingat kayo" sagot naman ni Jus.
Ng makalapit ako kay Cha ay agad ko itong tinulungan sa mga bitbit niya.
Nag punta na kami sa parking lot at sumakay na ng kotse. Usapan kasi namin na mag didinner kami sa mall.Pagdating namin sa mall ay nag hanap agad kami ng makakainan.
"Hon, san mo gustong kumain?" Tanong ko.
"Uh, sa usual na lang na kinakainan natin hon." Sagot niya na may ngiti sa labi.
Nag punta na kami sa Pizza hut. Ang favorite naming kainan. Umorder na kami at nag kwentuhan.
"Kamusta naman ang araw mo hon?" Tanong ni Cha sakin.
"Okay naman hon, tambak lang mga gawain ko. Ikaw?"
"Ayos lang rin. May ipapasa lang na papers sa isa kong subject." Sagot niya naman.
Nagpa tuloy lang kami sa pag kain. Pag tapos kumain ay nag libot libot lang muna kami. Window shopping at konting arcade lang.
Mga 8pm ng mag decide na kaming umuwi. Hinatid ko na siya sa kanila at dumerecho na rin ako ng uwi. Pag dating ko ng bahay ay naabutan ko si mommy na nasa sala at nanonood ng T.V.
"Oh iho. Anjan ka na pala. Kamusta? Nag dinner ka na ba?" Bungad niya sakin.
"Okay lang po ma. Opo nag dinner po kami ni Cha sa labas."
"Ganun ba? Osiya, sige na. Umakyat ka na at mag pahinga. Good night" sabay halik niya sa pisngi ko.
Umakyat na agad ako sa kwarto ko at nag shower. Pag tapos ko mag shower ay nahiga na ko sa kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pag tingin ko ay may msg ito galing kay Charlene.
"Naka uwi ka na ba hon? Pahinga ka na ha. Salamat ngayong araw. Good night. I love you :*"
Nireplyan ko naman ito. "Yes hon, andito na ko sa bahay. Wala yun, basta ikaw. Malakas ka sakin eh. Good night. I love you more! See you tomorrow" pag send ko ay pinikit ko na ang mata ko.
YOU ARE READING
23:07
Short StoryThis is just a Short story :) Na inspired kasi ako sa mga favorite author ko eh. Hehe. So pag pasensyahan niyo na po ito ah. Alam niyo naman po, first timer eh. First time ko po gumawa ng story kaya pagtyagaan niyo na po. Enjoy reading! God speed! :...