Chapter seven

3 2 0
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan habang nag kwe-kwentuhan sina Eduard, Justin and Charlene biglang may tumawag kay Cha.

"Charlene!" Sigaw ni King na papalapit na sa kanilang tatlo.

"Sino yun hon?" Tanong ni Eduard.

"Uh, nakilala ko lang siya dito sa campus. Dito kasi nag aaral yung girlfriend niya" kinakabahang paliwanag ni Cha. Kinakabahan siya dahil baka may masamang isipin si Ed sa kanilang dalawa ni Cha.

"Hi Cha!" Bungad ni King.

"Hello! By the way King, this is my boyfriend Eduard and this is Justin our friend. Sagot ni Cha at tumango lang sina Ed at Jus kay King.

"Nag drop by lang ako kasi pinuntahan ko si Mariel sakto naman nakita pa kita. Sige aalis na ko. Nice to meet you guys!"

"Ganon ba? Sige, ingat ka" Sabi ni Cha.

Ng makaalis si King ay biglang nagsalita si Justin.

"Alam mo Cha, ingat ka sa kanya. Masama vibes ko sa lalaking yun. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan." Payo ni Justin.

"Halika nga rito sa tabi ko. Tama si Jus hon. Wag na wag mo ng kakausapin ulit yun ha?" Sabi naman ni Ed.

"Opo! Kayo talaga masyadong worried! Thanks sa concern niyo. Don't worry walang mangyayaring masama sa akin" Sagot ni Cha.

Ng kinahapunan rin ng araw na yun. Naglalakad si Charlene papuntang canteen ng biglang may sumabay sa kanya sa paglalakad.

Paglingon niya ay si King lang pala.

"Hi Cha! San punta mo?" Bungad sa kanya ni King.

"Uy King. Dyan lang sa canteen. Bibili lang ng tubig. Ikaw?"

"Ah. Naglalakad lakad lang ako sakto nakita kita kaya lumapit na ko. Uh charlene, pwede ba kitang yayain kumain sa labas?"

Nagulat naman ang dalaga at hindi alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ng binata.

"Uh. Ano kasi eh. Uhm. Magagalit kasi ang boyfriend ko. Pasensya na"

"Friendly date lang naman yun Cha. Sige na, please? Sunduin kita bukas sa inyo. 4pm. Here's my number. Text mo sakin address niyo ah. Bye!"

Umalis na si King at iniwang nakanganga si Cha. Shock pa rin siya and at the same time ay hindi niya alam kung anong gagawin niya at kung paano niya ito sasabihin kay Eduard.

Ng bumalik na siya sa ayos ay nag tungo na siya sa canteen. Pag pasok niya ay bumili na siya ng tubig at bumili rin siya ng cheese cake. Habang nag hahanap siya ng bakanteng upuan ay nakita niya yung babaeng kumausap sa kanya kahapon at tila sarap na sarap sa pagkain. Nagpa linga linga muna siya at ng mapansin niyang walang bakanteng upuan ay agad niyang nilapitan ang table ng babae.

Mariel's POV

It's already 3pm. Break time ko na so I decided to go to canteen. Umorder ako ng favorite kong Carbonara, Pizza and Iced tea. Habang nilalasap ko ang Carbonara at Pizza ko ay may lumapit sa table ko. Nung pag angat ng ulo ko ay nakita ko si Charlene Medrano.

"Uhm. Hi? Pwedeng maki upo? Wala na kasing bakante eh." Sabi niya.

Nilibot ko naman ng mata ko ang buong canteen at wala na ngang bakante dahil halos lahat ay break time rin. So wala akong choice.

"Sige, upo ka lang" Naka ngiting sambit ko.

"Uh, kaano ano mo si King?" Deretsyong tanong niya na naging dahilan para ako'y mabilaukan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

23:07Where stories live. Discover now