Chapter three

2 2 0
                                    

Third Person's POV

The next day after ng laboratory class ni Cha, pababa na siya ng hagdan ng may biglang mag text sa kanya at sabing... "Hon, i'm sorry di na kita naantay at mahahatid kasi nag text si mommy may emergency daw sa bahay. I'll just call you later. I love you! Muaa!"

Napa isip naman ang dalaga kung anong klaseng emergency yun. Nag compose na lang siya ng msg bilang pang reply. "Anong emergency hon? Okay lang sige, mag cocommute na lang ako. I love you too!"

Nang isesend na sana niya kay Eduard ang reply niya ay bigla naman itong naubusan ng load, kaya dali dali siyang bumaba ng 1st floor para sana magpa load sa kakilala niya. Habang nag lalakad siya ay may bigla siyang narinig na ingay sa room 208, tila isang malaking bagay ang humampas sa pinto at may bumagsak sa floor. Hindi na lang niya ito pinansin sa kadahilanang natatakot siya at dahil dumidilim na rin. 6pm na rin kasi.

Pag dating niya sa 1st floor ay nag tanong siya kay Ella...

"Ella, andyan pa ba si Toni? Magpapa load sana ako sa kanya eh." Sabi niya na tila hinihingal pa.

"Naku! Nahuli ka na Cha, kakaalis lang niya wala kasi yung last prof. nila eh"

"Ganun ba? Thanks Ella!" Sagot niya.

Pag talikod niya ay may humarap sa kanya na lalaki na sobrang ikinagulat niya na naging dahilan upang malaglag ang ilang librong hawak nito.

"I'm sorry miss." Sabi ng lalaki habang tinutulungan siya na pulutin ang mga librong nalaglag.

"Uh, that's okay. Nagulat lang kasi ako sayo." Sagot ni Cha habang patayo. Hindi agad nakapag react ang lalaki dahil parang nagulat ito ng makita ang mukha ni Cha.

"Uh, s-sorry ulit a-ah. Hinahanap ko kasi kung saan yung ano. Y-yung library eh. Pwede mo bang ituro sakin?" Paki usap ng lalaki.

"Ah. Doon rin naman ang punta ko eh. Kung gusto mo sumabay ka na lang sakin." Malugod na sagot ng dalaga.

Habang tinutungo nila ang library ay naisip ni Cha na baka naman may pupuntahan yung lalaki at naligaw na siya sa pag hahanap sa library kaya't naisipan na lang niya na samahan ito. Napapansin niya rin na panay ang punas ng binata sa pawis nito. Nang makarating sila sa entrance ng library ay nag paalam na si Cha.

"Dito ang library namin. Sige, maiwan na kita kasi may kailangan pa kong iresearch sa loob eh" paalam ng dalaga.

"Hmm. S-salamat ha? Titignan ko kasi yung girlfriend ko kung andito sa loob." Sagot ng lalaki.

"Welcome! Sige ha!" Sagot naman ni Cha.

"By the way ako nga pala si King. And you are?"

Nang dahil sa pag mamadali ni Charlene ay hindi na niya narinig pa ang kasunod na sinabi ng lalaki after niyang sabihing 'welcome'

Naka lipas ang 1 hr and 30 minutes biglang nag text si Ed at sabing sumabay na lang raw siya kay Justin dahil kakatapos lang din ng practice nila sa theater. Pag labas ng dalaga ng library ay nakita niya ulit yung guy na sinabay niya papunta sa library at napansin niyang tila mag isa pa rin itong naka upo sa isang sulok. Sa pagmamadali niya na puntahan si Justin sa parking eh hindi na lang niya ito binigyan ng pansin at tuluyan na siyang umalis.

Pagkarating niya sa parking lot ay natanaw niya agad si Justin na naka sandal sa sasakyan nito.

"Naku jus, pasensya na natagalan ako ah. Galing pa kasi ako sa library eh. Kanina ka pa ba?" Tanong ng dalaga.

"Ayos lang dude. Halos kakarating ko lang rin eh. Tara na hatid na kita sainyo. Baka malagot pa ko kay Pareng Edu niyan pag ginabi ka ng husto." Birong sabi ni Justin.

23:07Where stories live. Discover now