Chapter four

1 2 0
                                    

Charlene's POV

Kinabukasan..

Palaisipan pa rin sa akin yung lalaking sinabay ko sa library. Hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman eh. Ewan ko ba, parang may something dun sa lalaking yun. Ah, basta! Pabayaan ko na nga lang tutal mukhang malabo na rin naman kaming mag kita nun.

Bumangon na ko sa kama at nag hilamos. Pag baba ko ay naabutan kong nanonood ng T.V ang nakababata kong kapatid na si Stephen.

"Hi ate. Good morning!" Masayang bati niya sakin.

"Good morning rin pen. Nag almusal ka na ba? Halika sabay na tayo." Yaya ko at tumango naman siya.

Sabay naming tinungo ang kusina. Maya maya lang ay bumaba na ang tatay ko.

"Tay, almusal ka po muna" Sabi ko.

"Hindi na anak, sa daan na lang. Nag mamadali na ko eh. Sige, maiwan ko na kayo jan."

"Okay po. Ingat ka tay"

Pag tapos kumain ay nanood kami ni Penpen ng TV. Sabado ngayon kung kaya't wala akong klase. Pero may usapan kami ni Eduard na mag kikita kami. May bibilhin daw kasi siyang bagong horror book sa book store.

Bandang 11am ay tumawag si Ed sakin para sabihing on the way na siya. Kaya nag ayos na ko. Ng matapos na ko mag ayos ay sakto naman ang sigaw ng kapatid ko. "Ate! Andito na si kuya Ed!"

"Okay, sandali lang. Pababa na!"

Pag baba ko sa sala namin ay bumungad sakin ang naka ngiting Eduard. Ng makalapit ako kay agad niya kong niyakap.

"Namiss kita hon. Pasensya ka na kung hindi kita nahintay kahapon ha. Nagpa sama kasi si mommy sakin eh." Sabi niya habang naka yakap pa rin sakin.

"Ayos lang yun hon. Ano, tara na?"

Nagpaalam na kami kay nanay at penpen. Lunch time na ng makarating kami sa mall kaya nag decide kami na kumain muna. Pag tapos kumain ay dumeretsyo na kami sa book store.

"Naging hobby mo na talaga ang pagbabasa ng horror book." Biro ko kay Ed.

"Haha. Ewan ko ba. Kahit di required eh hinahanap hanap ko na. Nakaka adik."

Matapos namin bumili ng libro ay nag timezone muna kami. Namili siya ng kung anu-ano. Mga 4pm na ng maisipan naming umuwi.

Pagdating sa bahay ay tumambay muna si Ed at nakipag laro muna kay Penpen. Hanggang sa inabot na siya ng hapunan. Kaya nag luto si nanay ng paborito ni Ed na menudo at sa bahay na siya nag hapunan kasabay namin.

7pm ng umalis siya sa bahay. Pag alis niya ay umakyat na ko sa kwarto ko para mag review dahil may quiz kami bukas. Maya maya tumunog ang cellphone ko na nasa study table ko.

1 message received

"Hon, naka uwi na ko. Tatapusin ko lang yung project na ipapasa ko bukas ha. I love you!"

Sinagot ko na lang ng "Okay hon. I love you too."

9pm ng matapos akong mag review. Tinext ko si Ed na matutulog na ko. Sumagot naman agad siya. Hindi pa raw siya tapos sa project niya. Kaya natulog na ako.

****

The next day habang naglalakad kami ni Ed papunta sa room ko ay may nakita ako sa di kalayuan na isang lalaki na naka upo sa sulok at mukhang malalim ang iniisip.

Ng medyo makalapit na kami rito ay namukaan ko yung lalaki. "Siya yung sinabay ko sa library kahapon. Bakit kaya siya nandito ulit? Siguro hinihintay nanaman niya yung girlfriend niya" Sabi ko sa isip ko. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya't nag tuloy na lang kami ni Ed sa paglalakad.

Nakalipas ang ilang araw at sumapit na ang All Saints Day. Walang pasok sa school at hindi muna kami nagkikita ni Ed panay lang ang tawagan at text namin. 2 days na ring nasa Batangas sila Ed para dalawin ang relatives nila at lolo niyang namatay six years ago.

Mabilis lumipas ang araw. Tapos na ang All Saints Day at balik na sa normal ang lahat maliban kay Eduard, for the reason that nagka sakit ito dahil ilang araw siyang nagpupuyat sa Batangas. Nasabihan na din niya kami ni Justin na di muna siya makakapasok at na inform ko na din ang professors niya sa pagiging absent niya sa klase.

"Dude, mamaya sa akin ka na sumabay umuwi ah? Hanggang anong oras ba ang klase mo?" Tanong ni Jus sakin.

"Hanggang 4:30 lang ako ngayon. Wala kaming lab mamaya eh."

"Ah sige. Wait mo na lang ako para may kasabay kang umuwi. Mga 5pm pa ang labas ko. Okay?" Sagot ni Justin.

"Oo ba! Thanks Jus. Kita na lang tayo sa parking."

Third Person's POV

Pagkatapos mag hiwalay ng dalawa ay pumunta na agad si Cha sa klase niya. Sa pagka boring habang nag di-discuss ang professor niya, nag drawing na lamang siya sa notebook niya ng bigla siyang napalingon sa labas at aksidenteng nakita niya ulit yung lalaking sinamahan niya sa library na parang hindi mapakali at tila may hinahanap. Instead na mag drawing ay na focus ang attention niya sa lalaking pabalik-balik sa hallway ng building nila.

"Ngayon ko na lang ulit nakita yung lalaking yun. Huling kita ko sa kanya ay nung naglalakad kami ni Ed at nakita ko siyang naka upo sa sulok." Sabi niya sa sarili.

Biglang tinawag ng prof niya ang attention niya para sumagot sa recitation, tumayo siya at napansing nawala na ang lalaki sa labas.

Sa kabilang dako..

Pabalik-balik si King sa hallway ng building nila Mariel.

"Ang tagal naman nila mag labasan" Sabi niya sa isip niya.

Maya maya lang ay naglabasan na ang mga tao sa room kung nasaan ang kanyang nobya. Nung makita niya si Mariel ay lalapitan na sana niya agad ito kaya lang may biglang lumapit na lalaki sa babae at humalik sa pisngi nito.

Sa galit niya ay bigla niya itong sinugod at pinag susuntok.

"King! Ano ba!! Tama na yan!" Sigaw ni Mariel.

"G*go ka! Sino ka ha? Bakit mo nilalandi ang girlfriend ko?!" Galit na sambit ni King habang patuloy niyang pinauulanan ng suntok ang lalaki.

"King, tama na! Tumigil ka na nga! Boyfriend ko siya!"

Mas lalong nag init ang ulo ni King dahil sa narinig. Ng kuntento na siya sa pambubugbog sa lalaki ay tumayo ito at hinila palayo si Mariel.

"Ano ba King? San mo ba ko dadalhin ha? Uuwi na ko! Bitawan mo ko!" Sabi ng babae.

"Ihahatid na kita sa inyo." Mahinahong sagot nito.

"Hindi na kailangan. Ihahatid ako ni Gino."

"Siya ba ang dahilan kaya ka nakipag hiwalay sakin? Ha?"

Hindi agad naka sagot ang dalaga at tila naghahanap ng isasagot niya.

"Sumagot ka! Siya ba??"

"Hindi! Ikaw, ikaw ang dahilan King! Yang ugali mo! Ang laki ng pinag bago mo! Hindi na ikaw yung King na nakilala ko at minahal ko noon. Para ka ng sinapian ng demonyo!"

Sa galit ng lalaki ay nasampal niya ito.

"Kita mo na! Sinasaktan mo na rin ako ngayon King! Kaya please lang, tama na!"

"S-sorry babe. H-hindi ko sinasadya. Please ayusin na natin to."

"I'm sorry rin. Pero ayoko na talaga." At tuluyan ng umalis ang dalaga.

Tila bumagsak ang langit at lupa kay King. Hanggang sa pag uwi nito ay wala siya sa sarili.

"Pare-pareho lang kayong lahat! Iiwan at sasaktan niyo lang ako! Humanda kayo dahil tuluyan na kong mag babago" Sabi niya sa isip niya at tila parang nababalutan siya ng masamang espiritu.

23:07Where stories live. Discover now