Chapter XI-'BabySitters'

411 10 1
                                    

M/N: Kay Shin muna ito para malaman nyo kung ano yung mga nangyari sa kanya mula noong gabing iniwan sya ni Yela sa bahay ni Camille.

~~~~~~~~~~~~~~

^Shin's POV^

Nasa bahay ako ngayon. Umuwi na ako kasi wala na rin namang dapat gawin kina Camille.

Gumawa na ako ng article. Hindi alam yun ni Micha at Nicole o kung sino pa man. Linihim ko. Akala ko kasi magagawa ni Micha yung challenge, eh.

Nakita ko cellphone ni Micha kanina sa sasakyan ko. Excited kasi syang bumaba sa sasakyan kanina kaya siguro nahulog dun.

Hindi ko pinakealaman yung cp nya. Hindi ako ganung tipo ng tao. Hindi ako pakealemero. Ibigay ko na lang sa kanya bukas.

*sigh*

Nakakainis naman. Naaalala ko na naman yung nangyari kanina. Yung mga nangyari dun sa terrace. Nagfflashback na lang ulit sakin. Hindi tuloy ako makatulog.

<flashback>

Nakatingin sakin si Nicole habang pababa si Micha sa bahay nina Camille. Nakita ko syang lumabas sa bahay nila. Alam ko namang ngayon palang sya nakapunta dito dahil amazed na amazed sya sa mga nakita nya. Kaya may possibility na maligaw sya.

Dahil sa pagkabigla ko sa mga nangyari at ginawa ni Micha. Sinundan ko sya ng tingin. Hindi ko mapigilan yung sarili ko kaya tinawag ko sya.

"Micha!" sigaw ko para marinig nya ako. Pero parang wala naman syang naririnig.

Gusto ko syang sundan.

"Teka!" sabi ko.

Susundan ko na sana sya pero naalala ko si Nicole. Bigla akong humarap sa kanya at biglang bigla ako. Umiiyak sya.

Nakatayo lang sya dun. Nakatitig sakin. Umiiyak. Hindi sya gumagalaw. Basta tuloy-tuloy lang ang iyak nya. Hindi man lang nya pinupunasan.

Namumula na yung mukha nya. Ang sakit sakit makita na umiiyak ang mahal mo dahil sa katangahan ko.

Lumapit ako sa kanya. Yinakap ko sya ng mahigpit.

"I love you." sabi ko.

Hinalikan ko yung ulo nya. Hinarap ko sya sa akin. Umiiyak pa din sya at ayaw nyang tumigil. Lalo pa syang humagulgol nung tiningnan ko sya.

"Tandaan mo, mahal na mahal kita."

Ayoko munang banggitin si Micha ngayon dahil alam kong magagalit lang sya lalo. Ayokong mawala sya sakin.

"Tahan na. I love you. Mahal na mahal kita. Please don't cry." Yinakap ko sya ng mas mahigpit pa.

"Ikaw kasi, eh." sinusuntok nya yung dibdib ko. Yung parang kinakabog nya. Pinaparamdam nya ba sakin yung sakit?

"Tama na. Umuwi ka na lang." sabi nya tapos humihiwalay sya sakin. Pero yinayakap ko pa rin sya. Ayokong umalis ng bahay na ito na hindi nya ako pinapatawad.

"Umalis ka na. Ayoko munang makipag-usap sayo. Umalis ka na." humihiwalay sya sakin.

Ayoko ng magalit pa sya sakin. Kahit mabigat man sa dibdib ko, umalis ako. Ayoko mang umiyak pero pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko. Pinunasan ko kaagad. Ayokong makita nya akong umiiyak. Baka sabihin nya nagpapaawa ako sa kanya.

*end of flashback*

Dapat patawarin na ako ni Nicole. Hindi ko na kakayanin pa pag hindi nya ako pinatawad. Siya lang yung babaeng pinakasinseryoso ko ng ganito. Marami na akong sineryoso pero..

Love Request &lt;completed&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon