Chapter XII-'Revenge'

399 10 0
                                    

M/N: Si Xyrel sa gilid! Nevermind the words. Haha. Basta sya yan!


~~~~~


^Michaela's POV^



"Wag ka ngang tumingin." sabi ni Shin na kakalabas lang sa banyo. Grabe lang. Ang sexy nya. Makalaglag panty yung abs at maskels nya. Nanlaki mata ko.

"Hindi naman ako tumitingin, eh." tanggi ko tapos tumalikod na ako.

Pinaghele ko si Xyrel para makatulog na. Oras na ng pagtulog ng mga bata, eh.

Ilang minuto pa nakatulog na sya. Ang cute cute nya talaga. Makikita mo yung pagkakamukha nila ni Shin. Yung mga mata nila, bibig at ilong.

Nakakatamad naman. Makapanuod na nga lang. Sakto. Star Movies. Maganda mga movies dito. Tss. 500 days of summer.

Ito yung medyo nakakalito na movie, eh. Nakikipags*x si Summer dun sa kaibigan nya pero ayaw nyang magkaroon ng relasyon.

Panay BS (bed scenes), ah.

Bumaba na si Shin. Umupo sya sa kabilang sulok ng couch. Nasa gitna kasi namin si Xyrel. Tawa kami ng tawa sa pinapanuod namin. Kahit open minded kami, mahirap pa rin magpakaseryoso sa buhay noh.

Ang sarap kayang gawin ang gusto mo.

Commercial break na naman. Tss..

Biglang gumalaw yung couch. Tumayo si Shin. Pumunta sya sa tabi ko tapos hinarap nya ako.

Anu ba nangyari sa lalaking ito? Bakit linalapit nya mukha nya sakin. Baliw ba sya?

Linapit pa nya lalo yung mukha nya sakin. Wala syang sinasabi. Basta seryoso lang syang lumalapit sakn. Nararamdaman ko na yung hininga nya. Sarap higupin. Ang bango.

Ayoko pang makiss. Bakit lumalapit pa sya. Ayoko pang makiss. Bata pa ako. Gusto ko pa naman maranasan yung first kiss ko sa kasal ko para special. Wag naman ngayon. Please God! Save me. Kayo na bahala sakin.

But.. Anu tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi ko maresist yung mga labi nya? Bakit parang gusto ko na din syang halikan? TSs.

Ewan ko ba. Pero kusang pumikit yung mga mata ko. MICHAELA DAVID!! What are you doing!!!!?? STOP IT!!

Please God. Save me!!

*blag*

Yes! May umepal. Hindi natuloy. Teka. Sino ba yun?

"Shin?" nagsalita yung nagbukas ng pinto.

S-si Nicole? Diba nasa Subic sya? Sabi ni Shin nasa Subic sya. Bakit Nandito sya? 

Love Request <completed>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon