PRESSURE is the POISON of a PASSIONATE person.
Itutuloy ko na po yung story. Sensya sa mga natakot na hindi na matutuloy. Wag dapat mawalan ng pag-asa, Mhay! Kaya mo yan. Someday, itMHAYhappen. :))
Anyways, heto na ang next update ng matamad na author. XD
ENJOY!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
^Shin's POV^
WOOH! Graduation na. Lahat ng pinaghirapan namin sa loob ng apat na taon, heto na!! Matatanggap na namin yung bunga ng lahat-lahat ng iyon.
Tapos na recognition kanina. Hindi kasi sinabay sa Graduation namin yung sa kanila para mas solemn.
Gusto rin naming masolo tong mga oras na ito. Lalo na mga babae.
Kanina pa nagpipicturan. =_=
Di na nagsawa. Kanina pa mga yan.
Nasa labas ako ng gym ngayon. Hinihintay ko si Nicole.
Ayoko siyang itxt. Gusto ko kasing makita kung pupunta siya.
Atsaka pupunta naman talaga siya kasi pinangako niya sakin.
"Shin?" tawag sakin ni Rence.
"Hmm?" tugon ko.
"Wala pa ba?" tanong niya.
Kilala ko naman tinatanong niya.
Umiling ako. :C
Bakit ba wala pa siya? Sinabi ko namang 8 AM yung Graduation namin.
Wag niyang sabihing, hindi siya pupunta! Kaasar siya.
"Dre, tara na." tawag ulit sakin ni Rence.
"Teka. Baka malapit na yun." sabi ko.
Namamag-asa pa rin ako na darating siya.
Nasan ka na ba Nicole? Bakit ang tagal-tagal-tagal mo? Ayoko pa naman yung feeling ng naghihintay. I am not good at waiting.
"Tara na. Baka dumating din yun pag nag-umpisa na. Andun na lahat sila." sabay turo sa mga graduates.
"Una ka na pare. Grade Six mauuna diba?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya.
"Osige. Maya-maya na ako pupunta pag 4th year na." sabi ko.
Tss. Anu ba yan. Ayoko ng pinaghihintay eh. Ang tagal mo NICOLE! TSK!
Text ko na kaya siya?
Wag na pala. Kung ayaw niyang pumunta, edi wag! Bahala siya.
Sa dami-dami ng sinasabi ko sa utak ko, nakatayo pa din ako sa labas ng gym at naghihintay na dumating siya.
"Shin? Pumunta ka na dun. Hindi pwede yung nakahiwalay ka sa kanila." sabi ni Sir June.
No choice na. Baka magalit pa siya sakin dahil lang dito. Last day na namin.
Darating naman siguro mamaya si Nicole.
"Sige po."
Naglakad na ako papunta sa linya.
"O dre? Malapit ka na."
Oo nga pala. Cortez surname ko. Pangatlo ako.
"Cortez, Shin." announce nung host sa Graduation.
BINABASA MO ANG
Love Request <completed>
RomancePano mababago ng isang Friend Request ang buhay ng isang simpleng babae na tulad ni Yela?