Chapter XIII-'Revenge 2'

387 8 0
  • Dedicated kay Mine Guevarra
                                    

^Michaela's POV^

Nasa room ako ngayon. Nakatunganga lang ako. Lunch break. Naghihintay ng next teacher namin. Tinamad kasi akong bumaba ngayon. Feeling ko busog ako.

"Tara, bili!" sabi ni London. Kaibigan ko. Syempre. Friendly ata ako. Haha!

"Tara." sabi naman ni Kathy. Isa ko pang friend.

"Sama ka?" tanong ni London sakin.

Wala akong pera. Bakit pa ako sasama.

"Ayoko. Kayo na lang." sabi ko.

"Sige na. Wag ka ng makulit. Sama ka na lang."

Hinila nya yung braso ko at kinaladkad palabas.

"Heto na. Sasama na nga diba? Wag mo na akong kaladkarin."

Makahila naman kasi siya. Wagas!

Habang naglalakad kami, iniisip ko pa rin yung mga nangyari nung sabado. Lahat-lahat nagfflashback sa utak ko. Naiimagine ko pa rin. Malinaw pa sa alaala ko.

Yung mga masasayang kulitan namin.

Yung pagpapakain ko kay Xyrel.

Yung pagbabasaan namin.

Yung pagbabantay ko kay Xyrel hanggang sa makatulog sya.

Yung panunuod namin.

Yung muntikan naming kiss.

Yung pagdating ni Nicole.

Yung pag-aaway nila.

Yung sigawan nila. Yung iyakan nila. Witness ako. Ang hirap palang mapagitna sa isang relasyon. Pero kailangan ko pa ring maging kaibigan si Shin. Yung ang pinangako ko sa sarili ko.

Pinangako ko din sa sarili ko na walang makakahadlang sakin. Dapat maging friends kami. At kung may pagkakataon, gusto ko syang maging bestfriend.

Nasa bilihan na kami. 

"Pabili po ng ice scramble! Isa pong ten, isa pong 15." sabi ni London dun sa nagtitinda.

"Ayaw mo ba talaga?" tanong sakin ni Kathy.

Umiling ako. Wala kasi akong pera. Atsaka wala naman akong balak bumili. Nagtitipid ako kaya nagdala lang ako ng barya.

Feeling ko talaga busog ako, eh.

"Dalian nyo ang init.

Ang init init na. Baka mangitim na ako nito. Ang sakit pa naman sa balat ng sikat ng araw. It hurts you know!! >.<

"Dito ka kase!" Nabigla pa ako sa nagsalita. Nandun pala si Shin. Akala ko kung sinu-sino lang yung mga nandun.

Umiling ako. Kahit naman medyo nakasilong dun sa kanya! Unang-una, ano na lang ang sasabihin ng mga kasama ko!

At pangalawa! Nakakahiya sa mga kasama nya at lalo na sa kanya.

"Libre ko?" sabi nya sakin na may nakakalokong ngiti.

"Ha? Wala akong pera."

Napasmile ako dun sa sinabi nya. Parang automatic smile lang.

"Ganun? Birthday ko? Wala ka na ngang regalo, hindi mo pa ako ililibre." sabi nya.

Nagpuppy dog eyes sya. Nagpapaawa. =_=

Kesa naman ipahiya ko pa sya. Kinalkal ko yung bulsa ko at kumuha ng barya. Sakto! May dala akong barya. 

"Kuya, isa pong 15 na ice scramble." sabi ko dun sa nagtitinda.

Love Request &lt;completed&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon