Chapter XIX-'Farewell 2'

272 8 0
                                    

^Nicole's POV^

Ito yung nangyari after nung graduation nina Rence.

Kasama ko si Rence papunta ng school gate. Andun yung sasakyan niya.

Nakayakap pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam pero napakacomfortable ko sa kanya.

Pinasakay niya ako sa sasakyan tapos umalis kame.

Buong biyahe, umiiyak lang ako. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. I'm just late! Hindi ko naman siguro kasalanan kung mapuyat ako sa kakaisip tungkol kay Rence. Hindi ko kasi maalis sa isip ko. Ang gulo-gulo kase. Lalo pa ngayon. Lalong gumulo.

Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari sakin. Hahayaan ko na lang ang sarili ko na sumabay sa ihip ng hangin. Patay na ang kaluluwa ko. Pinatay na ni Shin.

Dumeretso kami sa bahay nila. 

Tumigil na ang mga luha ko.

Pumasok kami sa bahay.

Nakakapagtaka! Kase..

Walang tao..

Umupo ako sa sofa.

Dumeretso naman si Rence sa kusina.

Paglabas niya, may dala siyang isang baso ng tubig.

Napansin kong malaki din pala ang bahay nina Rence.

Umupo siya sa tabi ko at inabot ang baso ng tubig.

NapakaAWKWARD ng pangyayari.

Una, nalate ako. =MY FAULT.

Pangalawa, nakita ko si Shin at Yela na magkayakap. =HIS FAULT.

Pangatlo, sumama ako kay Rence. =Who's FAULT?

Hindi naman ako.

Kase siya ang humila sakin at masyado lang akong emosyonal kaya kinailangan ko ng magcocomfort sakin. Hindi naman ako masama diba?

"Nicole, what happened?" putol ni Rence sa katahimikan.

Natulala naman ako sa tanong niya kase biglang bumalik lahat sa alaala ko yung nakita ko.

"Ha? A-ah.." nauutal na sabi ko.

Naiiyak na kasi ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"What happened?" kalmadong tanong niya.

"S-si Yela.. t-t-tsaka s-si Sh-shin." nauutal na ako.

Hindi ko na mapipigilan yung iyak ko.

Tumulo ulit yung mga luha ko. Yumuko ako para itago pero mahirap pigilan ang luha kaya medyo nasisinok ako sa iyak ko.

Inangat ni Rence ang ulo ko.

"It's ok. I'm here. You don't need him. He doesn't deserve you." seryosong sabi ni Rence.

Walang sabi-sabi, yinakap ko si Rence.

Ayokong mahulog para sa kanya pero right now..

COMFORT is the only thing I feel.

Ayokong iwan si Shin. Pero, parang siya na mismo ang gumagawa ng paraan para maghiwalay kami.

Baka ganyan na talaga ang gusto niyang mangyari.

"Should I let go?" tanong ko kay Rence.

"Nicole, ayokong magdesisyon para sayo pero heto ang tanong ko.. Masaya ka pa ba kung magsstay ka? It's either stay or move on." sabi niya sakin.

Love Request <completed>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon