Chapter XXI-'THE BET'

247 6 0
                                    

^Rence's POV^

"Kaya mo ba?" tanong sakin ni Alfie.

"Oo naman. Easy lang yun." sabi ko with confidence.

"Osige. 3 months lang, ha. Pag hindi mo nagawa, talo ka." sabi ni Carl.

"Oo. Sige sige. Magkano ba?" tanong ko.

"Five thousand pesos." sabi ni Carl.

"Ang baba." sabi ko.

"Each." sabi naman ni Alfie.

Pag nagawa ko to, may 10 000 ako. Ang dali lang ng pinapagawa nila, eh.

Gusto nilang ipagbreak ko sina Nicole at Shin. Dapat maging kame ni Nicole then bahala na daw ako kung iiwan ko siya o itutuloy-tuloy ko na ang relasyon namin.

Hindi ko naman kayang maging stick-to-one. Ang sarap mambabae.

Sa isip ko, may mga plano na ako.

Pinag-usapan namin to bago ang birthday ni Shin. Weekend.

Nagtataka siguro kayo kung bakit namin to ginagawa kay Shin. Ayaw naman namin madamay si Nicole pero yun lang ang solusyon, eh.

Masyadong mayabang si Shin. Laging siya ang bida. Ginagawa niya kameng sidekick.

Inggit na inggit kame sa kanya dahil sa mga nakakamit niya. Mayaman, matalino, gwapo. Siya lagi ang magaling sa mata ng lahat.

I mean, what the Fvck! Kaibigan niya kame. Hindi sidekick o panakip butas sa mga pagkakamali niya.

That's why we decided to make a bet. Kapag nagawa ko, they will give me ten thousand pesos. Pag hindi, sila ang bibigyan ko.

Mahal na mahal ni Shin si Nicole. Kitang-kita ng lahat yun. Babaero din katulad namin si Shin. Pero nagbago siya nung naging sila ni Nicole. 

Birthday na ni Shin..

Nasa flag pole kame ngayon. Kasama ko si Shin, Carl at Alfie.

Medyo nagutom ata sina Carl kaya nagturo ng pagkaen.

Sumunod na lang ako. Kesa naman maiwan ako.

"Pabili pong fishball. 20 pesos." sabi ko.

"25 po akin." sabi naman ni Carl.

"20 po akin" sabi naman ni Alfie.

"O? Hindi ka bibili?" tanong ni Alfie kay Shin.

"Wag mo nga! Nagsesenti yan, eh." sabat ni Carl.

"Babae lang yan, dre! Ang dami dyan o!" sabi ko.

Syempre, inuumpisahan ko na yung bet.

Tiningnan ako ng masama ni Shin. Syempre para hindi mahalatang may pinaplano ako..

"Easy! Joke lang. Ito naman. Di mabiro. Birthday na birthday mo. Ang init ng ulo mo."

Hinihintay namin yung mga binili namen, nung dumating yung mga first year students. Maganda yung isa. Bagong salta ata yun. Hndi naman naggraduate dito yun eh.

Bumili rin sila.

"Dalian nyo ang init." sigaw nung isa.

Yung maganda. Medyo pasigaw kaya napatingin ako.

"Dito ka kase!" sabi ni Shin sa kanya.

Napatingin ako dun sa babae. Umiling siya.

Love Request <completed>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon