Chapter 8

489 9 2
                                    

[Margie's Note: Dedicated po itokay ate Denny ^O^ idol ko po siya pagdating sa pagsusulat :D Sana magkaroon rin ako ng mga published books gaya niya. Diary ng Panget ang paborito kong libro niya ^__^]

From: Boss Cloud

Good morning monkey friends. Let's meet up at the entrance gate. Ang wala pa dun in 5 minutes PATAY SA AKIN!

Pagbukas nila ng message na yan ay wala pang isang segundo nagtungo na sina Sky, Typhoon, Rain at Storm sa entrance gate. Ayaw pa kasi nilang mamatay dahil wala pa raw  silang lovelife haha XD lol

Pagdating nila dun nakatayo na si Cloud sa may gate nakayuko at nakapamulsa, seryoso ang aura.

Tiningnan niya sila isa isa sabay...

"Happy Valentines mga bro!!!!!" bati niya at pinag uuntog ang apat. Umusok naman ang mga ilong nila at sinimulan ng habulin si Cloud sa loob ng campus.

"Hoy Cloud ikaw ang patay sa amin ngayun!" sabay na sigaw ng apat habang hinahabol parin si Cloud. Nagmake face lang siya at patuloy pa rin sa pagtakbo.

Hanggang sa may nabangga siyang isang babae at nahulog ang dalang bag nito.

"aww..." pag aray ng babaeng nakabangga ni Cloud. Napahinto naman silang lima at napanganga sa babae.Lumuwa ang mga mata at tumulo ang mga laway.

Bakit?

Dahil para siyang  isang Diyosa. Maputi, makinis, maganda, mataas ang buhok at sexy.

Nang matauhan si Cloud ay nagsalita na siya.

"A-ah, sorry miss. Hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?" tanong niya at tinulungan ang babae na pulutin ang mga nalaglag na gamit.

"Ayos lang, salamat" sabi niya at ngumiti. Para namang nalaglag ang mga puso nila dahil sa ngiting iyon.

"Cloud nga pala" pagpapakilala ni Cloud sa babae.

"ahmm.. Nicole, Nicole Villanueva" pagpapakila rin ng babae at nalakad lakad sila habang nag uusap.

Sa gilid naman ay may mga matang nakatitig at itoy nababalutan ng apoy ng inggit haha XD

"Naku! Nakascore na naman ang loko." sabi ni Rain habang nakasimangot.

"oo nga ang ganda pa nman nun." dagdag pa ni Sky.

Lumapit si Storm kay Rain at si Typhoon naman kay Sky.

"Di bale na. I'll be yours if you want." sabi nilang dalawa kina Rain at Sky ng may malandimg boses sabay kindat at hug.

Kinilabutan sina Rain at Sky kaya't tumakbo na palayo habang tawa ng tawa sina Storm at Typhoon.

Sa kabilang dako naman tayo, kina Nicole at Cloud. May namumuong love team dito ah? Tayo na't inggitin ang apat haha XD

"Ahh, Nicole parang ngayon lang ata dito sa campus?" tanong ni Cloud kay Nicole habang nakaupo sila sa isang bench sa mini park ng shool at umiinom ng milk shake.

"Uhmmm, bagong transfer lang kasi ako." sagot niya habang nakangiti at pinagpatuloy ang paginom ng kanyang shake.

"Kaya pala. Haha. Want me to be your tour guide?" he asked with a cool tone.

"uhum" tumango si Nicole. " Shall we?" pag aaya ni Cloud at nagsimula na silang magroam around the campus.

Nang mapunta sila sa garden ay napagpasyahan nilang maupo muna dun.

"hmmm... Napakarelaxing naman dito. From now on this will be my favorite spot around this campus" sabi ni Nicole habang nakangiti ng pagkalapad lapad. Napangiti na rin si Cloud sa kanya.

Nang may makitang bulaklak na napakaganda si Cloud ay naisipan niyang ibigay ito kay Nicole.

"A beautiful flower for a gorgeous girl like you. Happy valentines" sabi ni Cloud sabay bigay ng bulaklak. Tinaggap naman ito ni Nicole then she smiled sweetly.

"She's such a sweet girl and she's like a goddess. PERFECT" sabi ni Cloud sa sarili.

"uhm, did you say something?" nagtatakang tanong ni Nicole.

"Ahh, wala naman. Gusto mo mamasyal sa mga booth? Tamang tama nagce-celebrate ng valentines ang school ngayun." sabi ni Cloud.

"Sure! I'm sure it'll be fun." excited na sabi ni Nicole at tumawa ng mahina.

"Let's go then" tapos namasyal na sila sa iba't-ibang booths. Nanalo si Cloud doon sa shoot-a-balloon 'nd get a prize booth at nakakuha ng isang malaking teddy bear at binigay ito kay Nicole. Tumalon talon naman siya dahil sa saya.

"Thank you talaga Cloud! I really love teddy bears and cute stuffs!" sabi niya sabay hug kay Cloud. Nabigla naman si Cloud sa ginawa niya. Ikaw ba naman yakapin ng isang diyosag  gaya ni Nicole.

"w-welcome" yun nalang ang nasabi ni Cloud.

Habang nage-enjoy sina Cloud at Nicole sa isa't isa ay nangagalaiti naman sa inggit ang apat na mga toyo sa gilid. Actually sina Sky at Rain lang ang naiinggit at parang may gusto rin kay Nicole. Nagtatago sila upang hindi mabuking. Sina Tyohoon at Storm naman ay nakikiride lang.

Habang naglalakad sila may nahagip ang mga mata ni Nicole at nagniningning ito. Napahinto siya sa paglakad at ganun din si Cloud.

"Cloud~ uhhhhm can we take a couple of  pictures in that photo booth pls? Pretty pls?" pagkumbinsi niya kay Cloud with matching puppy eyes.

"okay, how can I resist that adorable face. Haha." pagbigay niya at tuwang tuwa naman si Nicole. Pumasok na sila at nagpose. Marami silang nakuha na pictures at ito na ang last picture nila.

Ganito yung pose nila. Si Cloud ay naka akbay kay Nicole habang si Nicole ay naka hug kay Cloud.

Ang sweet diba? Nag back out na nga yung mga langgam dahil baka raw magkadiabetes sila sa sobrang sweetness ng dalawang 'to.

"Thank you talaga at pinagbigyan mo ako Cloud." pagpapasalamat ni Nicole at yinakap niya ulit si Cloud. Naku chansing na yan haha XD

"No problem." at nginitian lng siya ni Cloud. Habang naglalakad sila ay may nagposas sa kanila.

"hey!" sabay na reklamo nilang dalawa.

"Sorry po pero kayo po ang napiling maging valentine couple o the year ng marriage booth." sabi ng babaeng dumakip sa kanila.

"what? Is it okay with you Nicole?" tanong ni Cloud sa kanya.

Tumango lng ito. Inayusan na sila sa magkahiwalay na parang tent.

After nilang maayusan ay sinimulan na nila ang pekeng kasalan. Maraming mga tao ang nakaabang sa mysteryosong valentine couple of the year. Paglabas ni Nicole lahat ay napanganga at nabighani sa gandang taglay niya. Napatingin naman si Cloud sa kanya at napangiti na lamang.

"Bagay sila" girl 1

"Sila na ba?" girl 2

"Diba transferee si girl?" girl 3

"oo" girl 1

"pero mas bagay pa rin kami ni papa Cloud. Mwahahha." sabi ni bekimon haha XD

nag suot na sila ng mga singsing nila at

"You may now kiss the bride. Congratulations." sabi ng pekeng pari.

Nagtinginan muna silang dalawa at nagtawanan. Hinalikan ni Nicole si Cloud.

Sa cheeks! Haha

Ang apat ay nasa gilid at ang dalawa sa kanila ay

Lumuluha.  Charness, mga emologs. Pinagtatawanan lng nina Typhoon at Storm sina Sky at Rain.

[Margie’s Note: Hi! Hello! Advance valentine’s po sila rito XD haha. Hayaan nyo na. LOL. Anyways ako ay nagpapasalamat dahil kundi dahil sa inyong bumabasa nitong story ko ay hindi ito aabot ng 1,000+ rereads. I am truly thankful to you guys *tears of joy* hehe sana ma enjoy niyo pa lalo ito. Marami pang pasabog  na dapat abangan :D Sana ay nagustuhan niyo po ang chapter na ito. God bless and please keep on supporting TTM]

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon