Chapter 14

300 8 15
                                    

[Margie’s Notiepaddie: Hello~ :* Sorry sa late update :3 and sa typo errors. Sa chappedoo na ito ay may mamumuong love team ^^ mas obvious na :D halaaaa sino kaya? Comment na po kayo ulit pls >3< miss ko na comments nyo na nagbibigay gana sa akin na mag update at magpatuloy sa pagsusulat sana may makita na akong kahit ilang comment man lang :3 pampagana plssssss *puppy eyes*  . Love youuuu~ God bless. Dedicated ang chapter na it okay GirlWholoveFood dahil natutuwa ako sa kanya ^^]

@Mariano Academy

“Cloud!”  tawag ni Nicole sa kanya habang tumatakbo ito patungo sa kinatatayuan niya.

“I miss you~” at niyakap niya agad si Cloud nang malapitan niya ito.

“Oh, haha” napatawa naman si Cloud sa ginawa ng dalaga, nacu-cute-an kasi siya rito.

Ngumiti lang ito sa kanya at sinuklian naman niya ito ng isang napakatamis na ngiti. Nagkatinginan sila ng mga ilang Segundo, parang huminto yung oras at parang sila lang ang nag-eexist sa mundong kinalalagyan nila.

At natigil ito nang dumating ang apat na mga kaibigang hibang ni Cloud.

Teka, kaibigan pa nga  ba?

Nakataas ang kilay nila  except kay Rain na siyang nagso-sound trip lang habang nakatingin sa ibang direksyon.

Naunang nagsalita si Storm, “Nilalanggam na kayo” malamig na sabi nito sabay irap.

“Tigilan niyo na ‘yan.” Dagdag naman ni Typhoon sabay irap din kagaya ng ginawa ni Storm, gaya gaya ang peg haha XD

Para namang nabigla  sina Cloud at Nicole sa biglang pagdating nilang apat.

“Oh nan-“ naputol ang kanyang sasabihin.

“’Wag niyo na silang pakialaman, tutal nakalimutan na ata niyang may mga kaibigan din siyang nangangailangan ng oras niya.” Sabi ni Sky habang nakatingin kay Cloud ng seryoso.

Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Cloud, ang kanina’y masaya niyang mukha ay napalitan ng mukha ng isang asong inagawan ng dog bone. Sapul ang mga katagang binitawan ni Sky sa kanya.

“Tara na malapit ng mag time. Mukhang di rin naman niya tayo kailangan eh.” Sabi ni Rain at sabay na tinalikuran ng apat si Cloud at si Nicole. 

Naglabas ng isang mabigat na buntong hininga si Cloud. Malungkot na malungkot siya.

“Ang sama ko ba talagang kaibigan?” biglang tanong niya habang nakatingin kay Nicole.

“Hindi naman siguro. Halika ka na, baka malate pa tayo.” Sabi ni Nicole at inalalayan si Cloud papuntang classroom nila. Pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid dahil sa commotion na naganap kanina lang. Yung iba ay pinag-uusapan sila.

*In someone’s mind*

Maghanda kayo. Hindi ko hahayaang may hahadlang sa gusto kong mangyari. Akin lang si Cloud, di nyo na siya makukuha sa’kin. *smirk*

Sa classroom

Naunang nakapasok sina Rain, Sky, Storm at Typhoon, at naupo na sa kanilang mga upuan. Sumunod na pumasok ay si Cloud kasama si Nicole. Patungo sila sa kinaroroonan ng apat dahil sa kasamaang palad magkatabi sila ng seats, remember best pals sila NOON eh nagka LQ ayun EWAN ang status nila. Parang mag bf-gf lang din nuh? Ayos ah -,- (Pagpasensyahan ang hibang na utak ni Ms. A XD I love the name, si GirlWhoLoveFood ang tumawag sa akin nyaaaan hoho ^O^ *kaway2*)

Nang makalapit na sina Nicole at Cloud sa apat…

Rain, Sky, Storm, Typhoon: *death glare*

“May LPA atang dumating eh?” pagpaparinig nina Typhoon at Storm.

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon