Chapter 9

502 8 3
                                    

“Okay, good morning class.” Bati ng guro na kakapasok lang sa silid.

“Good morning Ma’am” bati rin nila sa kanya.

Napatingin ang guro sa banda ng limang bopols. “Oh, may himala ata ngayon at pumasok kayo? At tahimik pa ha?” sabi ng guro habang nakataas ang kilay. Taray ni ma’am XD Tumawa ang buong klase. Tumayo ang lima, SABAY pa. Synchronized masyado eh!

“NEW YEAR’S RESOLUTION!” proud na sabi nilang lima. Nagkatinginan sila at sabay na lumagapak ng tawa. Nakitawa na rin ang mga kaklase nila at pati na rin ang guro.

“Sorry I’m late Ma’am.” Sabi ng kadarating lamang na estudyante na hingal na hingal. Isang Diyosa ng kagandahan.

“Oh, Ms. Villanueva. You may take your seat now.” Sabi ng guro.

“NICOLE?!” sabay na sabi ng lima; Cloud, Typhoon, Storm, Rain at Sky. Napatingin ang babae sa kanila na si Nicole pala. Napangiti siya at kinawayan niya ang mga ito.

“Do you know eachother?” tanong ng guro.

“Yes Ma’am I have met them yesterday and Cloud was the one who toured me around the campus.” Sagot ni Nicole. Tumango lang ang guro at pinaupo na siya sa banda nila Cloud.

Habang naglalakad siya patungo sa upuan niya ay lahat nakatingin sa kanya. Parang namagnet ang mga mata ng mga tao sa kanya.

“Hi Cloud!” masayang bati ni Nicole kay Cloud sabay kiss sa cheeks. Napa “OOOH” naman ang mga kaklase nila. Napatulala si Cloud sa ginawa ni Nicole. Hindi pa talaga siya nakaget over sa nangyari kahapon. Tsk. Tsk. Poor Cloud. Hoho XD

 Nakinig na si Nicole sa gurong nagtuturo at nakafocus doon habang may sari-sariling mundo naman ang lima. Si Cloud naman ay naka focus rin, focus na focus nga eh. Kay Nicole! Kung makatitig wagas. Si Rain ay nagso-sound trip pero deep inside he’s jealous. Si Sky ay nakinig na lamang sa guro dahil nasasaktan siya sa nangyayari at nakikita niya. Ang OA nga eh -,- Chos XD Si Typhoon naman at Storm ay naglalaro ng  Jack en poy.

Ganito kasi yung seating arrangement:

Nicole-Cloud-Typhoon-Storm-Sky-Rain

Kaya parang nasa boiling point na ang dugo nina Rain at Sky.

“Mamatay kayo sa inggit!” nasa utak ni Cloud.

“Pinapatay na kita sa utak ko Cloud!” nasa utak naman ni Rain.

“I’ll kill you!” kay Sky naman. Charness. ‘tong batang to umi-english ang peg. Nakasinghot siguro ng efficacent oil XD

Sa gitna ng pag-eenjoy ni Cloud sa pagtitig kay Nicole ay bigla siyang siniko ni Typhoon na siyang katabi niya sa left side.

“Uy bossing. Iba na ‘yan ah? Yieee~” panunukso nito kay Cloud.

“Tumahimik ka nga dyan. Sapak you like?” akmang sasapakin ni cloud si Typhoon nang sumingit si Storm.

“’Waaaaaaaaaag~! Maawa ka sa bebe Ty ko” sabi ni Storm sabay cling sa arms ni Typhoon with bakla churvaness tone sa pananalita.

“Pfffft… eeew bromance!” sabay na sabi nina Sky at Rain at umaktong parang nasusuka at nandidiri.

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon