Chapter 16

253 9 4
                                    

Pagkatapos ng sermon na natamo nina Sky, Storm, Typhoon, Rain at Cloud ay pinauwi na sila agad ng mga masters. Sinabihan sila na dapat magkakasabay silang lima dahil kung hindi ay may parusa silang matatanggap.

“Uy mga pre may date na ba kayo para sa prom bukas?” tanong ni Sky sa kanila habang nakapamulsa at naglalakad.

“Oo naman…” sagot ni Storm “Haha. Si baby Ty-Ty ko. Diba beh?” dagdag niya habang nakanguso kay Typhoon. Nakuuu  bromance alert! Call 123!

“Yeah baby” nakangiting sagot ni Typhoon at niyakap pa talaga si Storm. Di maipinta ang mga mukha nina Sky, Rain at Cloud. Parang nasusuka na natatae na ewan haha XD

“Eeeeeew! Mga bading ba talaga kayo?” tanong ni Sky habang nandidiri sa mga pinag gagawa ng dalawang kaibigan.

“DI AH! HAHA” sabay na sabi ni Typhoon at Storm habang tumatawa.

“Eh ikaw Sky may date ka na ba?” tanong ni Rain.

“Ako pa! Haha, sa gwapo kong ‘to?” pagmamayabang naman nito. Nagmake face lang si Rain at nag crossed arms.

“YABANG!” sabay na sabi nina Rain, Storm at Typhoon. Mga halatang walang date eh bwahahahaha XD

“’Wag na kayong mainggit. Di naman necessary na may date bukas eh. Pero gwapo parin ako. Bleeeeh” pagmamayabang niya ulit. SI Cloud naman ay tahimik na napapangiti habang tinitingnan ang mga kaibigang nagkukulitan.

“Uy boss! Ayos ka lang dyan?” pansin ni Typhoon sa kanya sabay akbay.

“Tahimik ka ata? Diba okay naman na tayo boss?” dagdag naman ni Storm. Tumango lang si Cloud at nginitian niya ang dalawa.

Unti unti nang bumabalik ang dating pakikitungo nina Storm at Typhoon kay Cloud ngunit hindi parin siya pinapansin ni Rain pero medyo kinakausap na siya ni Sky. Patuloy lang ang kuwentuhan nila, actually patuloy lang ang kadadaldal nina Storm at Typhoon habang naglalakad, napatakip na nga si Sky sa mga taenga niya dahil naiirita na siya sa kadaldalan ng dalawa hanggang sa nakauwi na sila sa mga bahay nila.

@Cloud’s Residence

Nakahiga si Cloud ngayon sa kanyang kama dito sa kanyang kwarto. Nakatawa siya, tila’y nababaliw na ang taong ito. Naku hindi kaawa-awang nilalang. Hahaha XD Joke

May kinakausap siya ngayon sa kanyang phone. Isang clown na nagpapatawa sa kanya ng bonggang bongga. Di joke lag ulit.

[Hahaha. Talaga lang ha?] sabi ng nasa kabilang linya.

“Oo naman. So gorgeous? I’ll pick you up tomorrow at 5pm?” sagot naman ni Cloud. Naku lumalandi nanaman si lolo Cloud.

[Haha. Alright handsome. Goodnight Cloud]

“Goodnight din Nicole. Love you babe.” Si Nicole pala ang kausap niya sa kabilang linya. Malandi nga. Haha XD Sssssssssh.

[Same here. Bye.] sagot naman ni Nicole.

“Bye.” End of conversation. Natulog na si Cloud ng may malaking ngiti sa kanyang labi, kita pa nga yung gums eh XD

@Sky’s Residence

Pagkarating na paglarating ni Sky sa kanilang bahay ay dumeretso na kaagad siya sa kanyang kwarto at naupo sa harap ng computer. Nag open siya ng kanyang facebook.

“Sandy Vargas…” itinype niya ang pangalan sa search box at, “got ya!” at nagkaroon ng napakalawak na ngiti sa mukha niya, para na nga siyang aso eh. LOL XD

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon