Chapter 17

209 12 4
                                    

Sabado ngayon at walang pasok sa eskwela. Pinatawag ng mga masters ang lima nilang mga alaga, malamang eh may iuutos na naman sa kanila.

Sabay na dumating sina Typhoon, Storm at Sky. Pumasok sila sa loob ng tambayan ng walang katok katok nang biglang may mga nilalang na humarang sa kanila gamit ang mga kamay.

“Ops! Where are your manners yo?” Sabi ni Master Hoonie.

“Did it flew away?” With feelings and actions na tanong ni Master Xinxan.

“Oh no!” Sinakyan naman ni Master Shinshin ang trip ni Master Xinxan.

“Saang lupalop ba isinipa ng kabayo ang mga itinuro namin sa inyo?!” galit na bulyaw ni Master Sushi.

Nagulat naman ang tatlo, as in gulat. Ang mga singkit na mata ay nagging fish ball shaped na XD Wahahha.

“What’s wrong?” sabay na tanong nina Typhoon, Storm at Sky.

“’Wag nyo ko ini-ingles ingles ha! Parusahan ko kayo eh!” akmang babatukan na sana ni Master Sushi ang tatlong bata batuta nang dumating si Cloud.

“Ano po bang problema?” tanong ni Cloud.

“Yo Cloud! Ito kasing mga kaibigan mo.” Panimula ni Master Hoonie.

“Walang mga manners.” Dagdag ni Master Shinshin.

“Our teachings have faded.” With matching nasasaktan acting ni Master Xinxan.

“Huh?” puzzled ang mukha ni Cloud.

“Turuan mo nga itong tatlong ‘to Cloud! Alam kong ikaw di mo nakakalimutan mga itinuro namin sa inyo.” Confident na sabi ni Master Sushi.

“Ano nga ulit yung itinuro nyo Master? Inaantok po ako eh patulog ha?” at nilabayan lamang sila ni Cloud, pumasok ng diretso si Cloud sa loob at nahiga sa sofa. Sinundan nila ito ng tingin at napanganga na lamang si Master Sushi at nadismaya sa ginawa ng kanyang paboritong alaga.

“Pffft… Bwahahahaha!” sabay na tawa ng tatlo.

“Bye Masters pasok na kami sa loob!” at humarurot na sa loo bang tatlo.

“Hayayay.” Napa face palm na lamang ang apat na Masters at sumunod na lamang sa loob.

“Hoy mga mahal naming walang hiya na mga alaga.” Tawag ni Master Sushi with sarcastic smile.

“Yes Master?” sagot nina Typhoon, Storm at Sky with nakakaasar smile. Binigyan naman sila ng death glare ni Master Sushi kaya ay nabura ang mga ngiti sa kanilang labi.

“May announcement kami” Excited na sabi ni Master Shinshin.

“Ano yun?” bored na tanong ni Rain.

“Oh! Andito ka na pala. Tamang tama.” Sabin i Master Xinxan.

“UPO!” utos ni Master Sushi.

Sumunod naman agad si Rain.

“Ehem, mic test mic test. 1,2,3. Ready go. Ahh, dear istupid kids we will have a vacation~!” Masayang panimula ni Master Xinxan.

“Yeah yo! Hahaha “ dagdag ni Master Hoonie.

“YESSSS!!! HOHOHOHO YIPEEEEE!”  pagbubunyi ng limang hibang.

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon