Chapter 1

1.3K 28 12
                                    

"Hoi Unoooooooos!!! Alis diyan! Sapul 'tong sapatos ko sa pagmumukha mo ngayon!"- sigaw ng napakaingay na babae este lalaki sa balat ng saging. Hahaha XD

Baliw kung tignan 

Name: Storm Cruz

Age: 16

Background: Baliw, Shunga at parang platypus sa haba ng nguso.

"Ayy Grabe! Ang init ng ulo mo bagyo, meron ka ngayon no? Haha"- sagot naman ng lalaking kumakain ng lollipop.

Name: Typhoon Gonzales

Age: 16

Background: Prankster, isa pang baliw at parang bagyo sa kulit at magulo ang isipan at pati na ang sarili.

"Tumahimik nga kayo! Tapon ko kayo sa basurahan e!"- sabi ng lalaking kadarating lamang. Nerd type siya.

Name: Sky Mendoza

Age: 16

Background: Weird, matalino pero hindi nag-aaral ng mabuti, mahilig sa gulo pero di lang halata, malabo ang paningin kaya napagkakamalang nerd sa glasses niya kahit halatang di naman at isa siyang napakagulong tao.

Tip lang huwag niyo siyang kakausapin dahip napakagulo niya.

"Sige, subukan mo lang!"- pananakot  nina Typhoon at Storm sa kanya.

"Peace ^___^V"- sagot naman niya na parang natakot.

"Oi! Kain tayo!"- sabi ng isang matangkad na lalaki na may dalang napakaramming pagkain.

Name: Rain Lopez

Age: 16

Background: Pinangalanan siyang Rain dahil umuulan ng pagkain pag andyan siya akala mo ibabahagi niya sa mga kaibigan niya pero diyan kayo nagkakamali, ang pagimbita ng isang Rain Lopez para kumain ay isang malaking himala katulad ng ngayon. Mabilis siyang kumain at adik sa pagkain.

"Tumahimik nga kayo diyang mga gung-gung. Pakainin ko kayo ng walis na may tae. Gusto niyo?"- sarkastikong pagkasabi ng isang lalaki.

Name: Cloud Montenegro

Age: 16

Background: Moody, minsan tahimik MADALAS MAINGAY, unpredictable at hindi mabasa kung ano ang nasa utak niya kung meron man siya non at magaling sa larangan ng katopakan.

"Oi! bossing huwag naman ganyan. Good boy kami eh. Diba guys?"- sabi  ni Storm.

"We-"- naputol and sasabihin ni Typhoon dahil tinakpan ni Storm ang bunganga niya.

"Good! Chibugan na!!!! (Kainan na)"- sabi ni Cloud na agad nag mood swing.

Sinunggaban na nila ang mga pagkain na parang wala nang bukas. Habang kumakain ay nagbabatukan sila at nag lalaro ng agawan sa pagkain.

Maingay at magulo sila pero masayang magkasama.

----

Habang naglalakad silang lima sa kanilang paaralan...

Sila ay nagtutulakan, nagtatadyakan at nagsasapakan. Ganyan madalas ang nangyayari kapag pinagsama sila.

Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila pero wala silang pakialam at nagpatuloy lang sa business nila.

Noong nakarating na sila sa classroom nila...

"Late again! When will you ever learn?! Alam ko namang matatalino kayo pero please naman magtino na kayo. Hindi nga mga drug addict at drunkards pero mga troublemakers naman. blah blah..."- sermon ng kanilang teacher.

Nakatayo lang sila na para bang walang nangyayari.

Habang tinatalakan sila ng kanilang guro ay mayroong kababalaghang sumulpot sa kinakalawang na mga utak ng limang baliw.

"Nakikinig pa ba ka-"- naputol ang sasabihin ng kanilang guro dahil...

*BUGSH* *TUGSH* *BLAG*

"HAHAHHAA"- tawa ng mga estudyante at ng limang tipaklong. 

Bakit?

Gumawa lang naman ng paraan sina Storm at Typhoom para matumba ang kanilang guro na noo'y pinapagalitan pa sila.

Naging tigre dahil sa galit ang guro.

"Good morning po Ma'am. Masarap po ba ang sahig?"- sabi ni Typhoon na may sarkastikong ngiti.

"Have a nice day po!"- pangiinis ni Storm.

"Ma'am sa susunod po mag-iingat kayo, ayan tuloy. TSK TSK TSK."- sabi ni Rain sabay iling iling effect.

Lalong sumama ang timplang binibini.

"Hala po! Bakit po kayo natumba?! Ma'am tayo po kayo 'wag maging tanga. Tsk."- sabi ni Sky sabay lahad ng kamay niy sa guro nila.

Akmang aabutin na ng guro ang kamay niya nang

"ayy ma'am antagal naman ngawit na ang kamay ko. Tayo nalang kayo ng mag-isa."- dagdag niya sabay bigay ng nakakairitang ngiti.

Parang puputok na bulkan na sa inis ang guro.

"Nako, nako nako. Ma'am pasensya na kayo dito sa mga kasama ko. Huwag po kayong magalala...

MAS MALALA PA PO AKO DIYAN! BLEH! BYE MA'AM!"- final speech ni Cloud at sabay sabay na tumakbo ang mga takas mental.

[Margie's Note: Hope you liked the first chapter ^O^ God bless and love you all! Thank you nga pala kay Alyna Unnie dahil sa pagbabasa nitong story ko.]

Tropang Takas MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon