Chapter One

22 2 0
                                    

Tahimik lang ang buhay namin ni Mama, Masaya kami kung ano mang meron kami ni Mama. Ako pala si John Marvin Dela Cruz , Pero ang tawag sa akin ng bestfriend ko ay Marvin.


"John baba kana diyan nandito na si Matthew." Sabi ni mama.

Agad akong bumaba dahil dumating na pala ang bestfriend kong so Matthew. Si Mathew kasi ang nag-iisang kaibigan ko at siya din ang bestfriend ko. Habang pababa ako ng hagdanan narinig kong binati ni Joen si Mama.


"Magandang umaga po tita", Bati ni Matthew kay Mama.

"Magandang umaga din Matthew , Sige upo ka muna diyan at magtitimpla ako ng mainit na kape mo", Sabi ni mama habang paalis para magtimpla ng kape.

"Matthew", Tawag ko sa kanya habang palapit sa kinauupuan niya.

"Kamusta na Marvin long time no see", bati niya sa akin.

"Ito Matthew kagaya ng dati", sabi ko sa kanya habang nakipag fist bomb ako sa kanya.

"Magbago kana kasi Marvin , Tignan mo College na tayo wala ka pa ding nagiging girlfriend simula nung araw na yun", pang aasar niya sa akin.

"Alam mo naman yung kwento diba", pagpapa-alala ko sa kanya.

"At tsaka wala na kasi akong magustuhan", sabi ko sa kanya at sakto namang dumating si mama dala dala ang kampe na tinimpla niya.

"Panong wala kang magustuhan eh nasa loob ka lagi ng kwarto mo tapos pinipilit mong wag siyang kalimutan diba tita", sabi niya at talagang naghanap pa siya ng kampi.

"Oo nga anak lumabas labas ka naman ng kwarto mo kahit minsan at wag mo na siyang isipin", pagkampi ni mama kay Matthew at kumindat pa ito kay Matthew upang pang-asar sa akin.

"Eh sa ayokong lumabas, ano magagawa ko at tsaka kinalutan ko na siya", sabi ko sa kanila habang inaabot ko ang dalang kape ni mama at inabot ito kay Matthew.

"Salamat", pagpasalamat ni Matthew.

"Hala Sige umalis na kayo at baka kayo malate pa, unang araw pa naman ng eskwela ngayon", pag papaalala ni mama sa amin.

"Sige tita alis na po kami at salamat din po pala sa kape", pagpapaalam ni Matthew kay mama.

"Sige Ma alis na kami baka malate pa kami ni Matthew sa school", pagpapaalam ko kay mama.

At umalis na nga kami ng bahay ni Matthew gamit ang kotse ko. Habang nasa biyahe kami hindi maiwasan ni Matthew na itanung kung maganda ba ang school na papasukan namin.

"Marvin maganda ba yung school na papasukan naten?", tanung niya sa akin.

"Hindi ko alam Matthew, diba si mama naman lagi ang nagpapa enroll sa atin," sabi ko kay Matthew.

"Mamaya ka na magtanung nagmamaneho ako", sabi ko sa kanya.

"Pasensya na, Excited kasi ako sa magiging bagong school natin", pagdadahilan niya sa akin.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon