Chapter Eleven

3 0 0
                                    

At sumapit na nga ang uwian at sabay sabay kaming umuwi.

"Tara uwi na tayo", yaya ni Christine.

"Tara", nakangiting sabi ni Joen.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa dahil di man lang ako nila tinanong.

Wala na akong nagawa kaya sumunod na rin ako sa kanila palabas pero nakita ko si Emisar na naghihintay sa labas ng classroom.

"Uwi na tayo Paul Simon", nakangiting sabi ni Emisar.

"Kain muna tayo", yaya ko sa kanya.

"Libre mo?", tanong niya.

"Tara" sabi ko.

"Sama naman kami diyan", singit ni Joen.

"Kahit di ka na namin tanungin sasama ka pa rin", pambabara ni Emisar kay Joen.

"Di naman tulad sayo na kailangan pang pilitin", bawi naman agad ni Joen.

Natawa nalang ako kasi parang aso't pusa sila kung mag-away.

"Tara na", yaya ko sa kanila.

At agad naman silang naglakad.
Napansin ko si Christine na kanina pa tahimik kaya tinabihan ko ito.

"Tahimik mo ngayon?", tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam na ganyan na pala kayo sobrang close niyo na", sabi niya sa akin.

"Nahihirapan tuloy ako mag adjust", dagdag niya pa.

Kinuha ko naman agad yung earphone ko sabay salpak sa tenga ko at sa kanya.

"Kasali kana sa grupo", nakangiti kong sabi sa kanya.

"Salamat", sabi niya sa akin at sabay patong ng ulo niya sa balikat ko.

"Welcome ka palagi dito", sabi ko sa kanya sabay hagos ng buhok niya.

Sakto namang humarap sa amin yung dalawa at nakita ni Emisar yung ginawa ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang lakad niya kaya sinenyasan ko si Joen na habulin niya.

Nakuha naman ni Joen ang gusto kong sabihin kaya hinabol niya si Emisar.

Ng makababa na kami ay nakita ko na naghihintay na pala sila doon.

"Bakit ang tagal niyo?", galit na tanong ni Emisar.

"Sorry nagpabili pa kasi ako ng tubig", sabi ni Christine.

"Sa susunod kasi ikaw nalang yung bumili wag ka ng magpasama", galit na sabi ni Emisar.

"Wala naman siyang kasalanan, Ako ang may kasalanan", sabi ko kay Emisar.

Magsasalita pa sana si Christine pero pinigilan ko siya alam ko kasing hindi siya mananalo dito kay Emisar.

Nakita kong nagtitigan silang dalawa na para banag handa ng magbanggaan na parang kotse.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon