Chapter Six

6 0 0
                                    

Nang magsimula ang klase hanggang sa natapos ito ay tahimik lang si Emisar at malalim ang iniisip.

"Emisar ang lalim ng iniisp mo ah", sabi ko sa kanya.

"Ah napansin mo ba, h-hindi wala ito", sabi niya sa akin.

Kaya hindi ko nalang pinansin at niyaya ko nalang siyang kumain.

"Tara kain tayo treat ko", sabi ko kay Emisar.

Pero wala siyang kibo sa sinabi ko at napansin ko si Joen na may sinisenyas na yayain ko na daw umuwi.

Agad ko naman itong nakuha kaya niyaya ko nga si Emisar na umuwi.

"Emisar tara umuwi na tayo", sabi ko sa kanya.

"Okay", sabi niya ng nakangiti.

Napakaganda talaga ng mga ngiti niya.Habang palabas na ng building ay huminto si Emisar at sinabing.

"Sige mauna na ako sa inyo Joen at Paul", sabi ni Emisar sa amin.

Pakiramdam ko nagbago siya bigla hindi na siya yung Emisar na makulit na nakilala ko.

"Hatid ka na namin", pag priprisinta ni Joen.

"Salamat Joen pero ayos lang ako kaya kong umuwi mag isa", sabi niya kay Joen.

"Salamat pala sa lahat ng naitulong niyo sa akin at sa kulitan", dagdag niya pa.

Bakit pakiramdam ko aalis siya na para bang hindi na kami magkikita.

"Ano kaba ayos lang yun diba Paul", sabi niya kay Emisar at sinisenyasan ako ni Joen na umOO nalang.

"A-ah oo", utal kong sabi kay Emisar.

"Sige ingat kayo palagi paalam", pagpapaalam niya sa amin.

Sa mga sandaling iyon ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay kung bakit ganun nalang ang mga salitang binitawan niya.

Na para bang lalayo siya o aalis siya.Ganun nalang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na yun.

Gusto ko man siyang pigilan pero wala akong nagawa na tila lahat ng bagay ay biglang nawala.

Habang palayo na ng palayo si Emisar sa amin ay hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pipigilan ko ba siya o hahayaan nalang hanggang sa nawala na siya sa paningin ko at mas pinili nalang na hayaan nalang siya.

Inisip ko nalang na magiging ayos din ang lahat kaya napagpasyahan kong umuwi na.

Pagka uwi ko ng bahay ay diretso agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama habang iniisip ang mga bagay bagay na pwedeng mangyari o magbago pagsapit na umaga.

Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na inabot na pala ako ng alas dose ng hating-gabi kaya tinulog ko nalang ito.

Pag gising ko ng umaga ay tinatamad akong pumasok ng school dahil sa mga nangyari at sa mga iniisip ko.

Hinintay ko nalang si Joen kung dadaanan pa ba ako or hindi na.

Pagkalipas ng mga ilang oras hindi pa siya dumadating ay napagpasyahan ko ng matulog nalang at huwag ng pumasok.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon