Chapter Ten

4 0 0
                                    

Emisar's POV

Pagkatapos kong magsalita at makuha atensyon nila ay agad naman silang tumahimik.

Sakto namang dumating si Sir Eric at magturo agad ito.

"Okay class your going to pick a partner", pagsisimula ni Sir.

"Bahala kayo kung sino gusto niyong maging partner", dagdag pa ni Sir Eric.

Kaya nagsimulang maghanap ang mga classmate ko ng kanilang partner at ako naman wala pang partner halos lahat na ng classmate ko ay may partner na ako lang ata talaga ang wala.

Kaya nagtanong ako kay Sir Eric kung pwedeng mag-isa nalang pero bawal daw kasi kailangan talaga may partner.

Kaya si Sir Eric na ang naghanap sa akin ng partner.

"Sino pa diyan walang partner paki taas nga ng kamay", sabi ni Sir sa mga classmate ko.

Wala akong makitang nagtataas ng kamay kaya magsasalita na sana ulit ako kay Sir ng magsalita ang isa namin classmate.

Pero teka kilala ko yung boses na yun ah wag niyong sabihin na siya yun.

Paul Simon's POV

Pagkasabi ni Sir na maghanap ng partner ay hindi na ako naghanap dahil nandyan naman si Christine para maging partner ko.

Tapos nagsalita si Sir na kung sino pa daw walang partner pero walang nagtaas.

May bumulong sa akin na wala daw partner si Emisar, tinignan ko at tama nga siya walang partner si Emisar.

Pero ayaw niya akong makusap at makasama kaya hinayaan ko nalang.

Tinignan ko kung sino yung bumulong at nakita kong si Joen lang pala at may naisip ako kaya sinabi ko sa kanya na siya nalang maging partner ni Emisar.

Pero ayaw niya kasi may partner na daw siya, tinanung ko kung sino sabi niya si Christine.

"Joen partner mo nalang si Emisar", sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga may partner na ako eh", sabi niya sa akin.

"Sino?", tanong ko sa kanya.

"Ako", sabi nung isang boses na narinig ko.

Paglingon ko si Christine yung nagsalita.

"Anooooooo", gulat kong sabi kay Christine.

"Kala ko ba tayo mag partner?", tanong ko sa kanya.

"Wala ka naman sinabi", sabi niya sa akin.

"Oo nga Paul wala ka namang sinabi sa kanya", pagkampi naman nitong si Joen kay Christine.

Grrrrrh pinagtulungan pa talaga ako ng dalawang to.

"Sige na magtaas kana ng kamay", sabi ni Paul habang tumatawa.

Si Christine naman nakangiti lang habang nakatingin sa akin.

Nagtaas na nga ako ng kamay at sinabi kay Sir na wala akong ka partner.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon