Chapter Eight

5 0 0
                                    

Kinabukasan pag gising ko ay ramdam ko ang pagod dahil sa malaking tedy bear na binili ko.

Flashback

Ng makauwi na ako ay nagulat si Mama sa nakita nia na dala ko.

"Ano yang dala mo?", gulat na tanong sa akin ni Mama.

"Tedy bear po", sabi ko kay mama.

"Bakit meron ka niyan?", tanong ulit ni mama sa akin.

"Syempre binili ko Ma", naiinis sabi ko kay Mama.

Nahihirapan na akong bitbitin itong tedy bear tapos ito namang si mama tanong ng tanong.

"Para saan o para para kanino", nang-iinis na tanong ni Mama.

Kasi habang nagtatanong si Mama ay tumatawa siya na parang ewan.

"Basta Ma", inis na sagot ko.

Alam ni Mama na naiinis na ako kaya di nalang siya nagtanung at pumunta na ulit sa ginagawa niya.

Ng di na ako tanungin ni Mama ay iniakyat ko na ang malaking tedy bear na ito at ipasok sa akin kwarto.

Habang inaakyat ko ito ay pahirap ng pahirap ang pag-akyat ko.

Naka ilang beses akong tumigil para magpahinga.Ng makapagpahinga na ako ay agad agad kong inakyat at dire-diretso sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko namalayan na sa sobrang pagmamadali ko ay may nakaharang palang upuan sa dinadaanan ko kaya ang nangyari bagsak kami nung tedy bear.

Buti nalang malaki siya at nasalo niya ako at ramdam ko na ang pagod.

End of Flashback

Bumaba agad ako para makakain na at sakto na nakita ko si Mama na naghahain ng pagkain.

"Goodmorning Paul Simon, halika na sabay na tayong kumain", sabi sa akin ni Mama.

"Goodmorning din Ma", bati ko naman kay Mama.

Kaya agad naman akong pumunta sa lamesa para makakain na ng pinaghanda ni Mama.

Habang kumakain ay may nag doorbell
sa bahay kaya agad naman itong tinignan ni Mama kung sino ito.

Pagbukas niya ng pinto ay si Joen lang pala ang dumating kaya agad na pinapasok naman ito ni Mama.

"Tuloy ka Joen", sabi ni Mama kay Joen.

"Salamat po Tita", sabi naman ni Joen kay Mama.

Pumasok naman si Joen sa bahay at agad naman niya akong nakita at tinawag.

"Uy Paul", sabi niya sa akin.

"Yo", sabi ko naman sa kanya.

"Tara kain tayo", yaya ko sa kanya.

"Hindi na kakatapos ko lang din naman", pagtatanggi niya.

"Halika na Joen wag kana mahiya", pagpipilit ni Mama kay Joen.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon