Chapter Twelve

6 0 0
                                    

Kinabukasan buti nalang wala kaming pasok at naisipan kong tawagan si Joen.

"Ring,Ring,Ring"

"Joen may number ka ni Emisar?", bungad ko sa kanya.

"Ang aga aga Paul babae na agad nasa isip mo", sabi niya sa kabilang linya.

"Bakit si Emisar naman yun ahh", sabi ko sa kanya.

Tahimik siya sa sinabi ko at bigla nagsalita.


"Good mabuti yan sayo", sabi niya sa akin.

Naguluhan ako sa sinabi niya hindi ko naintindihan.

"Ano?", tanong ko sa kanya.

"Wala sabi ko", sabi niya sa akin.

"Anong wala?", paglilinaw ko.

"Wala akong number niya", sabi niya.

"Sayang naman", panghihinayang na sabi ko sa kanya.

"Ang hina mo naman kasing dumiskarte eh", pang aasar niya.

"Eh sa ganto ako wala tayong magagawa", pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Puntahan mo kaya bahay niya alam mo naman kung saan yun nakatira diba", sabi niya sa akin.

"Oo nga, Salamat", sabi ko sa kanya.

"Walang anuman, teka Paul baka pwedeng diyan nalang kami magpractice ni Christine?", pagpapaalam niya.

"Tanungin mo si Mama", sabi ko sa kanaya at binaba ko na ang tawag para mapuntahan na si Emisar.

Yun din kasi ang balak ko na kung pwede sana na dito nalang kami magpractice ni Emisar ng gagawin namin para sana sa activity namin.

Kaya nagpaalam ako kay Mama kung pwedeng magpractice dito kami ng kaklase ko at pumayag naman siya.

"Teka sino pala yung kaklase mo na pupunta dito?", tanong ni Mama.

"Si Emisar po", nahihiyang sagot ko kay Mama.

Tulala lang si Mama sa sinabi ko at maya maya ay tumawa habang palapit sa akin.

"Totoo na ba yan Paul Simon?", tanong ni Mama.

"Huh?", tanong ko sa kay Mama.

"Wala sige, sunduin mo na yung girlfriend mo", sabi ni Mama habang papuntang sala.

"Ma naman", sabi ko kay Mama.

Diretso lang siya sa sala at umupo.
Ako naman agad akong naligo para masundo na si Emisar.

Pagkatapos kong maligo at handa ng umalis na bahay ay nakita ko si Joen at Christine na nasa sala kausap si Mama.

"Tita pwede po bang magpractice dito?", tanong ni Joen kay Mama.

Pinapalanangin ko na sana hindi pumayag si Mama pero malas ako at napapayag ni Joen si Mama.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon