Chapter Three

14 2 0
                                    

Ng makababa na kami ay agad kaming bumili ng pagkain ni Matthew.

Habang nakapila kami para bumili ng pagkain namin ay may kumpulan ng mga studyante sa labas. Hindi ko nalang pinansin at sinabi kay Matthew dahil baka Hindi na kami makakain.

Alam ko kasing pupuntahan ni Matthew yun

Kaya ng makabili na kami ng pagkain ay sakto namang Wala na Ang kumpulan ng mga studyante kanina.

"Salamat Naman", bulong ko nalang sa sarili ko.

"May sinabi ka Marvin?", tanong sakin ni Matthew.

"A-ah Wala", nauutal Kong Sabi.

Niyaya ko nalang siya na dun nalang kumain sa punong nakita namin kanina. Kaya agad Naman naming pinuntahan 'yon. Habang kumakain ay napansin kong kanina pa tingin ng tingin sa cellphone si Matthew kaya tinanung ko ito kung bakit.


"Matthew kanina kapa tingin ng tingin sa cellphone mo, ano bang meron?", tanung ko sa kanya.

Bago pa man magsalita si Matthew ay inunahan niya muna ito ng mala demonyong mga ngiti at nagsalita.

"Tinitignan ko mga picture niyu ni Danica kanina", sabi ni Matthew.

"Anooooooo!!!", gulat kong sabi sa kanya.

"Panong nangyari na nagkaroon kami ng pictures ni Danica diyan sa cellphone mo", pagkabigla kong tanung ko kay Matthew.

"Ang sweet niyu kasi tignan kanina kaya ayun kinuhanan ko kayo ng mga pictures", sabi niya habang pinagmamasdan ang mga pictures na nakuha niya kanina.

"Relax Paul konti lang naman tong mga pictures na to", sabi niya sa akin ng mahinahon.

"Ilan?", tanung ko sa kanya.

"Mga 30", sagot niya habang ngiting ngiting nakatingin sa akin na para bang nang aasar.

Sa isip isip ko ang bilis naman nitong pumindot 30pictures agad nakuha niya.

"HAYZZZ nadali mo ko dun ahhh", sabi ko nalang sa kanya.

"Ayos lang yan Marvin pictures lang naman eh", pang aasar niya pa.

"Oo na", sabi ko dahil wala
naman na akong magagawa eh.

"Sweet niyo talaga dito", sabi niya pa.

"Ubusin mo na nga yang pagkain mo para maka akyat na tayo", pag iiba ko ng topic sa kanya.

Pagkaubos na pagkaubos ng pagkain namin ay agad ko siyang niyaya para umakyat na kasi may next subject pa.

"Tara na Matthew akyat na tayo", sabi ko sa kanya.

"Ang aga aga pa mamaya na", pagtanggi niya.

"Maaga ka diyan eh matatapos na break time natin ehhh", sabi ko sa kanya.

"Ba't kaba nagmamadali siguro gusto mo lang makita si Danica , Yiehhh yung bestfriend ko may iba ng gusto", pang aasar niya sa akin.

NGITITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon