Chapter 2

3K 64 11
                                    

Nenjie's POV

"AAHHHH!!!" Nagising nalang akong may nakaupo sa tabi kong unggoy na akala mo model ng toothpaste kung makangiti. "Anong ginagawa mo rito?! Paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?!" I shouted at the top of my lungs.

"Good morning! ^__^" Nyemas, nakuha mo pang ngumiti ha--

"Jiha, are you alright?? 0_0"  Bumukas yung pinto at pumasok sina mom and dad. Teka? 0_0

"Mom? Dad? Kailan po kayo dumating??" I asked surprised.

"Kagabi lang, pero aalis rin kami mamaya. This is Lance Raider Scott, kasama namin yung parents niyang aalis so we want the both of you to take care of each other." Ngumiti sakin si mom, seriously?

"Dito siya titira?? NO WAY! Saka-"

"Don't worry, jiha. Pareho lang kayo ng school na papasukan." Si dad naman ang sumagot.

"But ma, okay lang ako kahit mag-isa. I can take care of myself, malaki na ko..." I complained.

"Pero, Nenj... For me and your dad, di mo ba kayang gawin?"

Na guilty naman ako. Hayys, isang araw nagising na lang ako na magkakaroon ng isip-batang aalagaan. Ilang araw na lang pasukan na, wtf?

I sighed and smiled, mukha namang mabait tong aalagaan ko eh. "Fine. Bye mom, dad. Take care. Asahan niyong malusog ko itong ibabalik sa parents niya."

They kissed me on my cheeks tapos hihirit pa sana si Lance kaso tinaas ko yung kamao ko. -__-

"Ba't sila may kiss?" Ngumuso pa ang loko.

"Syempre parents ko yun! Eh ikaw? Kaano-ano ba kita?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ang cute niyong dalawa tingnan. ^__^" Ngumiti si mom ng abot tenga bago lumabas ng room ko kasama si dad.

"Oh ikaw? Di ka pa lalabas? Ang luwang ng pintuan oh." Tinulak ko yung Lance papalayo.

"Dito na raw ako titira. ^__^" Naupo siya sa tabi ko.

"For your information, ihahatid kita mamaya sa bahay niyo at dun ka titira sa ayaw at sa gusto mo. No more buts, PERIOD."

"Ha? B-Bakit? Natatakot ako, sabi ni tita dito na raw ako titira..." Halos maluha na siyang nakatitig sakin. Ba't ba ang cute nitong magpa-awa?--Oy, wala akong sinabi, ha. -__-

"Simple, because I don't want you to stay here. Saka ang tanda-tanda mo na natatakot ka pa??"

"Dito mo na ko patirahin, please... gagawin ko lahat, lulutuan kita, gawin mo na kong alalay mo. Lahat-lahat basta dito mo lang ako patirahin. Please..." Ang cute ng mata niya! ^_^ Sige na nga, pero dahil demonya parin ako... *evil smile*

"Deal, simulan mo nang magluto." Bago ako tumalikod papasok ng CR ay nakita ko pa ang pagliwanag ng mukha niya.

***

"ANONG GINAWA MO SA KUSINA KO??!" Sigaw ko nang madatnan kong puro kalat sa kusina. Parang dinumog ng mga tatlong taong gulang na bata. 0_0

"Nilulutuan kita ng pancakes. Tikman mo oh. ^__^" Sinubuan niya ako. 10%... 30%... 50%... 80%... 100%!

*Q* I think I'm drooling. Ang sarap, di ako makapaniwalang itong isip-bata na to ganto pala kasarap magluto. Pero syempre di ko yun aaminin, baka mamaya lumaki pa ulo nito. -__-

"Konting improvement pa, pero pwede na rin. Akin na yan, dun ako sa living room kakain. Linisin mo yang kalat mo."

Mukhang nadisappoint naman siya pero tumango lang siya at ngumiti saka binigay sakin ang isang plate na puno ng pancakes. Mehehe... Lagot sakin tong mga to. *evil grin*

My Childish Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon