Chapter 4

2.1K 53 14
                                    

Yance's POV

Kakapasok ko lang sa school. Almost 3 days rin yun ah? Nahirapan tuloy si baby girl mag-alaga sakin. I'm sure mauulit nanaman yung nangyari sakin, mahina kasi ako. Kaya siguro ayaw ni baby girl sakin. *sniff* Hala! umiiyak na pala ako.

I wiped my tears and dumiretso na ako sa room ko. As usual, tinawana nila ako. Naupo na ako sa seat ko, walang gustong tumabi sakin. Di naman ako bad eh. :'(

Maya-maya nandiyan na si Ma'am.

"Good morning, class. We have new students today, nagkaroon kasi ng konting aberya sa listahan ng mga nagpa-enroll. Please welcome these girls." The door opened and napanganga ako...

"B-Baby girl..?" I whispered in disbelief. Kasama niya yung twins!

"Please introduce yourselves." Sabi naman ni Ma'am.

"Hi, I'm Britanica Valenzuela. 16 years old."

"Brazilia Valenzuela, we're twins."

Ahh, si Brazilia at Britanica pala yung friends ni baby girl.

"Nenjie Tianna Greene, 16 years old." Waahh! Ang ganda ni baby girl! *0* Yung mga nambugbog sakin halatang nagulat rin. Nung pinaupo na sila sa tabi ko sila naupo. ^__^

"Baby girl! ^_^" I whispered excitedly.

"Hello, baby boy." Ang sweet ng voice niya tapos pamatay pa yung smile niya. Lahat ng classmates namin narinig yun. Niyakap niya ako tapos bumulong, "Don't worry. We're here na, wala nang mang-aaway sayo."

Marami rin yung nagbulungan, "Kaya pala niligtas siya nung girl. Girlfriend niya pala."

"Ang sweet nga eh, bagay sila."

Teka! Di naman 'kami' ni baby girl ah? Nagkakamali sila, ayaw nga sakin nito.

Natapos naman yung klase ng maayos. Ang talino pala ni baby girl. ^__^ Nandito kami ngayon sa field, gumagawa ng assignment. Uwian na kasi, eh ayaw pa nilang umuwi.

"*sighs* Ang hirap naman ng assignment." Sinubsob ko yung mukha ko sa notebook. TT_TT

"Mahirap ba? Parang hindi naman ah? Simpleng word problem lang nga yan. Sus, pang elementary." Sabi ni ate brazilia habang nakadapa sa damuhan.

"Magpatulong ka kay 'baby girl' mo." Ngisi naman ni ate Britanica.

"Akin na nga..." Kinuha ni baby girl yung notebook ko, "Wala namang mahirap rito ah? Mang Juan owned a pet shop with 6 doves, 23 cats and 30 dogs. He would like to count how many legs his cats have. Help Mang Juan solve how many legs does his cats have." Binasa niya yung question.

"Ang hirap!" Nahiga ako sa lap niya.

"Ang dali kaya, syempre 92 legs." Pinakita niya yung answer niya sakin.

"Wow! Paano mo nalaman, baby girl? Ang galing mo! *0*" Ang talino talaga niya.

"Ilan ba yung pusa?"

"23."

"Ilan ang paa ng pusa?" Tinanong niya ako ulit.

"Apat."

"Oh, di 23 times 4 is equal to 92."

"WOW! Amazing! ^__^" Teka? Ba't parang may mali yata?... Ting! "Teka baby girl... paano ka nakakasigurong 92 lahat? Malay mo pilay ang isa, o kaya dalawa... baka mamaya tatlo? Anla! Bakit ba kasi satin pa tinatanong? Di naman natin kamag-anak si Mang Juan."

"Pfffttt!... BWAHAHAHA! Nenjie, mukhang mahihirapan ka diyan ah?" Huh? Bakit? Tama naman ah? Ito talagang si ate Britanica.

"Teka, try mo itanong kay Ma'am. Malay mo pinsan niya yon... o kaya ex? Hahah!" Tumawa narin si ate Brazilia.

"*sighs* Yance, assignment to. Ibig sabihin we have to find the answers on our own." Paliwanag sakin ni baby girl. Ahh... Tumango-tango ako.

"Tara! Hanapin natin yung pet shop ni Mang Juan! ^___^" Ang galing ko noh? Nasapo nalang ni baby girl ang noo niya. Masakit ba ulo niya? ?_?

"PATAY NA SI MANG JUAN KAYA DI MO NA SIYA MAKIKITA! Just copy that later para makauwi na tayo! Tsk, kainis! -__-++" Hala, galit na siya...

Tahimik lang kaming sumunod sa kanya. May kasalanan na naman ako. :(

"Don't be sad, lalamig din ang ulo niyan." Brazilia tapped my shoulder.

"Oo nga, ikaw kasi eh. Sa susunod wag kang Timang. Pinakaayaw pa naman niya yung mga ganon." Inakbayan ako ni ate Britanica.

"Timang?" Tanong ko. Di ko alam kung ano yun eh.

"Makitid ang utak." Sabay nilang sabi.

Makitid ang utak?? Kaya pala ayaw niya sakin kasi mahina na ako, makitid pa ang utak. Tapos ayaw pa niya ng luto ko kasi di masarap. TT_TT

***

"Matutulog na ako. Good night." Umakyat na si baby girl sa taas para matulog. Agad naman akong pumunta sa kusina at nagsanay magluto.

Ang una kong pagsasanayan ay ang pagluluto. Dapat mas masarap para kainin lagi ni baby girl. Inabot ako ng 11:30 kaya yung cake na natapos ko ay nilagay ko muna sa fridge. Pati yung mga cupcakes niligpit ko na.

Tapos nag-aral ako hanggang 3:00 AM. Ang bigat na ng talukap ng mga mata ko kaya niligpit ko na yung mga gamit ko.

*yawn* Umakyat na ako sa kwarto ko at niyakap yung teddy bear ko. Her name is Yanie. Short for Yance and Nenjie.

"Good night, Yanie. I love you, sweet dreams! Sana magustuhan mo luto ko. ^__^"

My Childish Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon