Nenjie's POV
Hayyss... *sighs* Ang boring talaga pag first day of school. Introduce doon, introduce dito. Copy this, copy that. -__-
Uwian na kaya hinahanap ko si Yance, tinawagan ko na rin si Brazilia at Britanica na hanapin siya. Kung saan-saan kasi nagsususuot. Ang laki-laki pa naman ng school. Ang engot kasi non eh... well, di naman masyado.
"Hoy, narinig mo na? May binubugbog daw na lalaki doon oh! Ang gwapo pa naman..." Narinig kong sabi ng isang babae.
"Kaya nga, kawawa siya. Ang bait-bait pa naman."
Dahil may lahi akong tsismosa eh hinanap ko kung saan, malay mo nakikiusyoso si Yance don. Ang sabi raw sa likod ng building sa west wing kaya don ako dumiretso. Ang daming nagkukumpulang tao kaya pilit akong nagsumiksik.
"Y-Yance..?" 0_0 *gasp*
Grr... -__-++
Kaya pala... si Yance kasi yung binubugbog nila. Mga walang modo, yung mga mahihina pa ang pinagdidiskitahan nila.
"STOP. RIGHT. NOW." I flashed a deadly glare at yung walong estudyanteng lalaki ay napatingin sakin.
"Naaawa ka ba, miss? Kaano-ano mo ba to?" Tinaasan ako ng kilay nung leader at saka tinawanan.
"Baka naman gusto niyang magaya rito." Sabi naman nung may baseball bat.
"Kayo ang igagaya ko sa kanya. -__-++"
Sinuntok ko yung leader at natumba siya, tulog naman pala eh. -_- Sinunod ko yung mga kasama niya at dalawampung minuto lang tumba na silang lahat. Psh.
"T-Thank... y-you.." Ngumiti si Yance kahit hirap na hirap siya. Inalalayan ko siya na tumayo at dinala ko siya sa clinic. Pesteng clinic, pati nurse wala so ako nalang ang gumamot sa mga sugat niya.
"Ba't ba kasi binugbog ka nila?"
"T-Tinulungan ko k-kasi yung babae... Binabastos n-nila." Pinunasan ko yung mga luha sa mga mata niya.
Grr.. gagantihan talaga namin yung mga yon. Niyakap ko nalang siya saka pinatahan. Nabalitaan naman nung kambal ang nangyari kaya agad silang sumugod sa clinic. Nung time na dumating na sila nakatulog na si Yance sa lap ko.
"Ang sama nila, don't worry Nenjie... we will avenge Yance." Sabi ni Brazilia na nakapose pa.
"'We will avenge Yance', huh? Saan mo nanaman nakuha yan?" Tukso naman nung isa.
"Sshh! Binubuking mo ko eh! Saka totoo naman, ipaghihiganti natin si Yance. Dapat pagbayaran nila yon. Aba! Kahit nga tae ng kalabaw at mga scrap may halaga na, wala na kayang libre ngayon."
*PAK!* "Akala ko malinis na ang intensiyon mo." Binatukan ni Britanica ang kakambal.
*sighs* Kailangang may gawin ako para di na maulit to. Sigurado akong di makukuntento ang mga lalaking yon.
"Lalim ng iniisip ah? Share naman diyan." Tiningnan ako ng kambal.
"I was thinking... why don't we shift in his course?"
"Cool! Sabagay, magiging tagapagmana rin tayo so we have to know something about managing a business enterprise, right?" Tiningnan lang ni Britanica si Brazilia na ngumiti ng nakakaloko.
"Besides, that would be fun because may makakalaro na tayo." She continued as if knowing what her twin was about to say.
***
"Baby girl?? Bakit di ka pumasok??" Agad niyang tanong nung makita ako sa tabi niya ng magising siya kinabukasan.
"Kasi ayoko. Saka sinong mag-aalaga sayo? Halika nga rito, magbreakfast kana. Di ka pa naman nakakain kagabi." Inayos ko yung unan niya saka sinubuan siya.
"Baby girl pumasok ka na, kaya ko na to." Nag-smile siya sakin.
"Psh. Di ka nga makatayo eh. Hayaan mo na, mahahabol pa natin ang mga lectures." I assured him at sinubuan na siya.
"Pero magkaiba tayo ng cours--" Pinasakan ko ng tinapay yung bibig niya.
"Baby boy, ayaw mo naman magalit ako, diba?..." I tried to make my voice sound sickly sweet. Nagningning naman ang mga mata niya at saka tumango. Maybe dahil tinawag ko siyang 'baby boy' or naging sweet ako. "Yun naman pala eh, so eat this na baby boy ko..." Sinubuan ko siya hanggang sa maubos then niligpit ko na yung pinagkainan niya.
"Baby girl, ang bait mo pala... ^__^"
SPELL NGANGA? N-E-N-J-I-E. Yan na ang bagong spelling ng nganga. Paano ako naging mabait? Kailan pa? Kinapa ko yung noo niya, baka may sakit eh.
"Hindi ako nilalagnat, baby girl. ^__^" Bigla niya nalang akong hinila saka niyakap. Hanep rin tong batang to, matapos kong sigawan at gawing yaya tingin pa sakin mukhang santa.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Opo. Ayaw mo akong pabayaan kasi love mo ako. Love ako ni baby girl!^__^"
Napaubo naman ako... LOVE?? Ni hindi ko nga alam kung paano magmahal. Saka bakit ko siya love?... Bakit nga ba? ?_?
"Tama na nga yan, maghuhugas pa ko ng plato. Magpahinga ka na." Tumayo na ako saka pumunta sa kusina para maghugas ng plato.
Bothered parin ako sa sinabi niya. Ang laki ng epekto ng sinabi niya sakin. Love? Imposible namang kaya kong magmahal, makasarili ako at saka kung magmamahal ka ikaw lang din maiiwan sa huli. Habang naghuhugas ng plato naalala ko yung sinabi niya nung first night niya rito...
"Alam mo, kahit awayin mo pa 'ko, sigawan, bugbugin, alilain... di parin ako aalis sa tabi mo, kasi alam ko namang natatakot ka eh... Natatakot kang magmahal."
Nabitawan ko yung basong hawak ko at nabasag pero di ko magawang pulutin. Takot ako? Ba't naman ako matatakot magmahal? Kaya ko ngang lumaban sa sampung tao nang di nasusugatan, sumabak pa kaya sa pag-ibig?
"Baby girl? Are you alright?"
Ayan na naman eh. Ba't ba naririnig ko yung boses niya? Inlove nga ba ako? 0_0
"Baby girl! Napano ka?!" Biglang may umalog sakin. Ay tanga! Nasa likod ko pala. -__- Naririnig lang ang boses inlove agad?? Hindi ba pwedeng na space-ou-- "Baby girl??" I was pulled back into reality ng hawakan ni Yance yung pisngi ko.
"H-Ha?" Agad kong pinulot yung mga nabasag ko at saka winalis. "Sorry, may naalala lang ako."
"Ako na lang dito baby girl, magpahinga ka na lang--"
"NO. Kaya ko to. Ikaw ang kailangang magpahinga. Go..." Inalalayan ko siya palabas ng kusina.
"Are you sure?" He asked me.
"Yes, go on." I smiled.
Ngumiti naman siya at bumalik na sa room niya... *sighs* Kung maiinlove man ako, sana wag lang sa taong 'to. Isip-bata na, pahirapan pa sa pag-aalaga. -__-
BINABASA MO ANG
My Childish Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ito ang mga inosente ay tinatapakan at ang mga malalakas ay kinatatakutan. Ano kaya ang mangyayari kapag nilagyan natin ng twist? Lance Raider Scott - ang lalaking mala-anghel. Nenjie Tianna Greene - ang babaeng palaban. Subukan kaya nati...