Chapter 6

3.1K 80 22
                                    

Nenjie's POV

"Yance?! S-Saan ka pupunta?.. 0_0" Naabutan ko si Yance na palabas ng pinto, di ko maintindihan yung expression niya... parang masaya yung mga ngiti niya pero punung-puno ng lungkot yung mga mata niya.

"Aalis na ko, baby girl. Alam ko namang nagtitiis ka lang sakin... wala ka nang poproblemahing makitid ang utak, tulad ko." May luha na tumulo galing sa left eye niya.

"T-Teka! Wala akong sinabing ganyan, bumalik ka nga rito!" Imbes na lumapit siya ay tinalikuran niya ako. Tumakbo ako at hinila yung braso niya bago siya tuluyang makalabas. "Yance, please naman oh. W-Wag ka nang umalis, di k-ko... kaya..." My voice broke at napaiyak na ako, "Yance, I-I love you... Mahal kita."

Ngumiti siya at hinawakan yung pisngi ko... mahal... mahal ko nga ba siya? Kung ayaw mong mawala ang isang tao sa buhay mo counted ba yun as love??

"Baby girl, babalik naman ako eh... Pag pwede na... Kapag kaya mo na talaga akong mahalin, kapag di ka na takot masaktan, kapag pwede na ang tulad ko sayo..." Hinalikan niya yung noo ko tapos lumayo siya, "Promise me, baby girl, you'll take care of yourself. I love you too."

"N-Nenjie?... Gising na..." Napailing ako nang sobra, it was only a dream. Panaginip lang yon, okay? I looked at the face in front of me.

"M-Mom? 0_0" Anong ginagawa niya rito? "Akala ko po ba magtatagal kayo sa business trip niyo?"

"Nabalitaan namin yung nangyari kay Lance at kasama naming umuwi yung pa--" Di ko na siya napatapos dahil nung tiningnan ko yung hospital bed he's gone, kami nalang ni mama ang tao sa room.

"Mom, where is he?! Bago ako matulog nandito pa siya diba?! M-Mom where's Yance?..." Halos maghysterical na ako. Nasaan si Yance??

"Relax, honey. Dinala siya ng parents niya sa states. Kailangan siyang gamutin kasi malala ang tama niya sa skull. Honey, he needs to--"

"Mommy sundan natin siya! *sob* Sinabi sakin ng doktor he's fine! *sniff* He doesn't need to go there!--" I felt something being injected in my arm at may tatlong nurse na dumating at hiniga ako sa bed. Bakit dito pa? Bakit kung saan ko pa huling nakita si Yance?! "Mommy... *sob*" Nilapitan ako ni mommy saka tinabihan.

"Calm down, honey. Everything will be alright."

Yung dream ko, hindi lang basta-basta. That was him saying goodbye. Nakakainis! Bakit kung kailang nahuhulog ka na saka kapa iiwanan? Saka kapa masasaktan? Akala ko iba si Yance sa mga lalaking yon, ang sabi niya hindi niya ako lalayuan.

*sob* Pero hindi eh... Si Yance magpapagamot lang, babalik raw siya sabi niya sa panaginip ko. I believe him... Lumapit ang isang nurse sa akin at may in-inject na fluid sa braso ko that's why I slowly drifted into unconsciousness.

***

Weeks had passed and almost one and a half month nang wala si Yance. *sigh* Kailan ba uuwi yung lalaking yon?!

"Oh,  ba't nakaarko na naman ang kilay mo?" Sumimangot nalang ako kay Britanica. Nasa sasakyan nila kami ngayon. Pinagbawalan muna akong magmaneho ng parents ko dahil naging kaskasero daw ako mula nung umalis si Yance. Kagagaling lang namin sa bakbakan. Yun na lang ang libangan ko simula nang iwan ako ni Yance... Takte! Yance na naman?!

"Oo na, si Yance na naman ano? Easy lang Nenjie, sungay mo humahaba." Binato ko lang si Brazilia ng throw pillow para matahimik na. Kainis kaya, nag-eemote ka na dadagdagan pa nila. >_<

"Aray! Tara na nga sa bahay niyo, baba na! Dahil binato mo ako dapat pakakainin mo ako." Nag-evil smile naman silang dalawa na parang mga baliw, bagay na bagay. -__- Bumaba na kami ng car.

"Ba't ang daming sasakyan rito?" I asked. May fiesta ba? Occassion? Mukhang garahe na ang harap ng bahay namin.

"Isa lang ang solusyon... Tara sa loob! ^_^" Sobrang lapad ng ngiti nilang dalawa at nagtatakbo sila papunta sa loob. Wow ha, bahay namin to pero parang sila pa ang may ari. -__- To talagang dalawang to, tsk. Napailing na lang ako at sumunod sa kanila.

I was shocked when I saw what... who is waiting for me. Si mom and dad with another middle aged couple, and the twins beside them. They were all standing behind him. Yes, him. He was carrying the white teddy bear 'Yanie' and was crying his heart out. But this time tears of joy, unlike sa panaginip ko. I remained standing there, frozen. Di ko alam ang gagawin ko.

I ran and hugged him tight, I missed him... pero of course joke lang yon. ^__^

Dapat pagbayaran niya ang pag-iwan niya sakin... but I do miss him. I slowly walked towards him, at alam niyo kung ano ang ginawa ko??

"*slap* That's for leaving without a goodbye." Yes, sinampal ko siya sa left cheek. Yumuko naman siya at parang humihingi ng tawad na nahihiya.

"Sabi ko na nga ba eh, dapat isang round pa tayo kanina dun sa mga pangit para lumamig ulo niya." Bulong ni Britanica sa kakambal na sinadya yatang iparinig sakin.

"Oo nga, now I know. Pinsan nga siya ni Lucifer." Brazilia replied. Di ko nalang sila pinansin.

"*slap* That's for making me wait." Sinampal ko ulit siya, this time sa right cheek. "And this..." Kinuwelyuhan ko siya at nilapit sakin until our lips touched.

"Whoa! Mukhang may magandang effect yung init ng ulo niya ah? ^0^" Tumawa yung kambal.

"Pare, mukhang kailangan na nating ihanda ang wedding rings." Rinig kong sabi ni Daddy.

When our lips parted napaluha na ako kaya sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya. "... That's because I love you."

"I love you too, baby girl....thank you sa sampal mo ha, natauhan na ako." He hugged me tight and kissed me once again.

Di na ako magwawala dahil wala na ang first kiss ko. Atleast sa taong mahal ko napunta, sa taong mahal ako.

"I love you, baby girl. I will always do." Sabi niya habang yung mga mata niya kumikinang. He's still the same.

"I love you too, MY CHILDISH BOYFRIEND."

-End

****

Another book finished :)

Don't forget to leave a comment and vote. Anything is appreciated. Please check out my other stories, The Dark Moon (Filipino & currently on-going again for part 2) and The Fallen Fire (English).

Remember 😉 There is a spin off: My Childish Girlfriend.

My Childish Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon