Nenjie's POV
Tapos na akong magbihis at mag-ayos. Bago ako dumiretso sa ibaba pinuntahan ko muna si Yance sa room niya.
Tulog na tulog pa siya habang yakap-yakap yung malaking white teddy bear na may pangalang 'Yanie' sa dibdib and under it 'Yance and Nenjie' was written. Ang cute niya matulog. ^__^
Last night, 10:00 PM nagising ako and I saw him baking. Mukhang nagsasanay talaga siya. Then nagising ulit ako ng 2:00 AM, he's still awake. Nag-aaral siya. ^_^
Niyakap ko siya tapos ginising.
"Baby boy... It's 6:30 AM already, wake up na." I cooed in a sweet voice.
"*yawn* Good morning, baby girl..." Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Di naman pala ganon kasama siyang kasama.
"Bumangon kana, nagugutom na ko."
Agad naman siyang tumayo at hinila ako papunta sa kusina. Yung mga niluto niya ay hinanda niya sa harap ko.
"Tikman mo..." Excited niyang sabi habang nakatingin sakin na parang naghihintay siyang sabihin kong pasado yung luto niya, in short, kumikinang ang mga mata.
Tinikman ko isa-isa... *Q* Wow, ang sarap! Tinitigan ko siya for over 3 minutes at mukhang nadisappoint siya. Magsasalita na sana siya pero agad akong tumayo at kumuha ng tupperware. Ang sarap kaya, try niyo.
"Baby girl--"
"Babaunin ko to. Ang sarap baby boy, pwede ka nang maging asawa. Lutuan mo ko araw-araw ha?^_^" Nagningning naman ulit yung mga mata niya tapos niyakap niya ako mula sa likod habang busy ako sa pagkain at pagsasalin sa tupperware. "Ikaw? Di ka kakain?" I asked kasi mukhang tutunawin niya na ako sa titig.
"Inubusan mo na ako baby girl eh..." Huh? 0_0 Naubos ko na pala. Ang takaw ko talaga!
"Hala! Sorry naubusan kita--"
"Okay lang, baby girl. Atleast nasarapan ka. Ituloy mo lang pagkain mo, maliligo lang ako."
"Okay! ^_^"
Nagmadali naman siyang tumakbo sa room niya. Mukhang tataba ako nit--
*KRING! KRING!*
"Hello?"
"Nenj, siguraduhin mong kasama mo palagi si Yance. Natunugan naming may binabalak si Louie at ang grupo niya." Halatang worried si Brazilia.
"Sinong Louie?" Kunot-noong tanong ko.
"Yung bumugbog kay Lance!" Singit ni Britanica sa kakambal niya. "Kaninang pagdating namin nakita namin silang nag-uusap sa may likod ng building. Ang narinig lang namin ay 'mamayang uwian, lagot yang Yance na yan. Yung babae isusunod natin'."
"Alright, babantayan ko si Yance while you both take care of the group. Alamin niyo ang mga plano nila. Remember, si Yance and nakasalalay rito."
"Okay." I hanged up the call at binulsa ang phone ko. Danger magnet talaga tong si Yance. *sighs*
"I'm done! ^_^" Speaking of the devil... -__-
Joke, angel siya. ^_^V
Umalis na kami at pagdating sa school ay di ko hinayaang mahiwalay siya sakin. Mahirap na, baka mawala siya sandali at hindi na humihinga 'pag inabutan ko.
"Baby girl, sinong nililingon mo?"
"Ha? Hinahanap ko yung dalawa." Ang galing ko talagang magpalusot.
"Oo nga noh? Bakit wala pa sila?? 0_0" At buti na lang at uto-uto itong kasama ko. -__-
"Di ko rin alam. Tara, sa canteen tayo." Niyaya ko siya para malayo kami sa disgrasya, kahit na may hinala akong kakambal niya ang kamalasan. Maraming tao sa canteen kaya imposibleng sugurin nila kami rito.
Natapos yung araw na wala pa rin sila. Teka? Parang di na maganda to ah? Don't tell me buong araw nilang binantayan ang grupo ni Louie? I tried calling them pero di ko sila ma-contact. Tsk.
"Yance---YANCE?!! 0_0" Nandito lang yun kanina ah?!
Agad akong tumakbo at hinanap siya kung saan-saan. Peste! Yance nasaan kana?!
"Yance! YANCE!!" Sinubukan ko ang bawat room tapos nung malapit na ako sa laboratory may biglang kumalabog. "Yance??" Kabadong tumakbo ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko ang grupo ni Louie na pinaliligiran si Yance na duguan na... *gasp*
"Oh ano 'to? Farewell??" Ngisi ni Louie.
"You son of a b*tch! Kailan ba kayo madadala, ha?!" Sigaw ko. "Say your last words because I'm going to send you to the doors of death." I gritted my teeth in anger.
Sinugod ko silang lahat, I admit they were well prepared this time. Napatulog ko sila, but not without a few wounds and bruises. I may even have broken a few ribs. Dahan-dahan kong inalalayan na makatayo si Yance at agad akong pumunta sa Dean's office to use the landline and call his attention regarding the bullies in this school.
"W-What happened?? 0_0" Bungad niya samin.
"I want the students who did this to him to be expelled in school! Di ba dapat hindi pinababayaan ang mga estudyante na mambully?? In fact, this is already the second time! If you don't want me to file a case in the court against this school let them be expelled. Eight students in the Laboratory, right now!"
Natakot siguro yung tao kaya agad tumawag ng pulis at pina-aresto yung walong estudyante. Some are still underaged but they will be monitored until they reach eighteen. Dinala ko sa ospital si Yance kasi mukhang malala yung mga sugat niya.
"NENJIE!" Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang kambal.
"What happened?? Sinabi ko na nga bang patibong yung napuntahan natin! >_<" Naupo si Britanica sa sofa at ikinuwento nila ang nangyari.
"You mean, they lured you into another gang's territory??"
"Oo. Ang sakit nga sa kamao eh. Miyembro pa lang nakalaban namin ha! Buti na lang at dumating yung leader at na-'love at first sight' dito kay Brazilia. Hinayaan kaming maka-alis."
"So, wala na sila sa school? Safe na si baby boy mo?" Ngumiti naman ng nakakaloko si Brazilia. "Parang may something yata sa inyong dalawa eh. Don't tell me inlove kana, sis?? Uyyy..." Tinukso nila akong dalawa.
"Asa." Yan lang sagot ko, wala naman akong dapat isagot eh.
"Psh. To naman.. gwapo siya, mabait, humble, sweet, nag-eeffort, san ka pa??" Talagang inisa-isa pa ni Brazilia.
"Tigilan mo nga ako. -__-"
"Sis, isipin mo kasi na hindi lahat ng lalaki masama, tingnan mo parents mo... tumagal sila diba? So it means meron pa ring isang tao na handang makasama ka habangbuhay." Sabagay, may point si Britanica.
"Pero sis, iba na ang panahon ngayon. Ang mga lalaking ganon, sa panaginip mo nalang makikita." Ni hindi ka nga pinag-aaksayahan ng oras so why would I waste my time for them? Swerte naman nila, wala silang alam kundi manloko.
"So si Yance ganon din??" Inirapan ko lang silang dalawa.
"Tingnan mo nga naman! May exemption, ganon??" Binatukan ko na lang si Brazilia.
"Umalis na nga kayong dalawa! Kainis, pampagulo lang kayo ng utak eh. -__-"
"Kung gumulo ang utak mo ibig sabihin affected ka sa sinasabi namin. Tara na, Brazilia! Baka maging suspect pa tayo kapag nagahasa ni Nenjie si Yance." Ngumiti lang sila ng nakakaloko at saka lumabas... *sighs*
BINABASA MO ANG
My Childish Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ito ang mga inosente ay tinatapakan at ang mga malalakas ay kinatatakutan. Ano kaya ang mangyayari kapag nilagyan natin ng twist? Lance Raider Scott - ang lalaking mala-anghel. Nenjie Tianna Greene - ang babaeng palaban. Subukan kaya nati...