06 // At Fault

52 6 5
                                        

06 // At Fault

“We never really realize we’re at fault, until someone rubs it in our face.” –Unknown

***

Inaantok pa ako noong puntahan ako ni Mica sa aking kwarto para gisingin. I barely even sleep last night, hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga sinabi niya sa hardin. Ayoko pa sanang bumangon pero ang sabi ni Mica ay pinapasabay ako ni Axis sa kanilang mag-agahan at kung hindi ako bababa ay siya mismo ang aakyat dito.

I wanted to avoid him as much as possible, pinapagulo niya kasi ang utak ko at hindi maaaring mangyari iyon. I need to focus on my goal, and that is to get out of here as soon as possible. I can’t be distracted by him.

Bumaba naman agad ako matapos maghilamos at magsipilyo. Nagsuot ako ng isang pambahay na kulay pink na dress, abot ito hanggang sa aking tuhod. Sinuklay ko lang ang aking buhok at hindi na nag-abalang mag-ipit pa.

Nagpahatid ako sa dining area dahil hindi ko pa rin kabisado ang mansion. Naabutan ko doon si Axis na nakaupo sa dulo ng isang 12-seater table, si Elira na nakaupo naman sa kaliwang bahagi at isang lalaking nakasuot ng tuxedo na nakaupo sa kanang bahagi.

Itinuro ni Axis ang katabing upuan ni Elira kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa kundi umupo. Nagsimula nang maghain ng pagkain ang mga kasambahay, kumalam agad ang aking tiyan nang makita iyon. Iba talaga kapag mayayaman, kahit almusal lang ay napakaraming pagkain. 

Habang nagsasandok ako ng kanin sa aking pinggan ay naririnig kong inaalok ni Elira ng pagkain si Axis.

“What do you want? Fried rice and tocino?” malambing ang tonong tanong ni Elira.

Umiling lang si Axis sa kaniya. “Just eat, Elira.”

Sinasabi ko na nga ba at may gusto siya kay Axis. Halatang-halata naman kasi sa mga kilos niya. Kumuha ako ng bacon at fried rice, iniligay ko iyon sa pinggan at nagsimulang kumain. Tahimik kami sa hapag kainan hanggang sa nagsalita si Axis.

“Imari…”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, “Bakit?”

“This is Heston Avellana, he is a friend of mine and a private investigator. Dito na siya titira sa bahay simula ngayon, he will be helping me solve the case of my parents. You also need to cooperate with him once you remember something…”

Tumango ako sa kaniya at inilipat ang tingin sa lalaking iyon. His skin complexion is a bit fair, magulo ang kaniyang itim na buhok at mayroon siyang piercing sa kaliwang tainga. Matangos rin ang kaniyang ilong at maganda ang hugis ng panga. Kung si Axis ay masungit ang dating, siya naman ay walang mababakas na ekspresyon sa mukha.

Naglahad siya ng kamay sa akin. “Heston Avellana.”

I shook his hand and told him my name, “Imari Castelo.”

Nanatili ng ilang sandali ang tingin ko sa kaniya. Pilit kong inaalala kung saan ko ba siya nakita dahil sobrang pamilyar niya sa akin. Alam kong hindi ito ang unang beses naming pagkikita, at nararamdaman ko iyon base sa kakaibang tingin na ibinibigay niya sa akin. Na para bang…alam niya kung ano ang itinatago ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain at isinantabi ko muna ang naiisip. Once we’re done with breakfast, umalis kaagad si Axis at Elira dahil may aasikasuhin sila sa kumpanya ng mga Fabella. Naiwan kaming dalawa ni Heston kaya agad din akong umalis sa mesa at bumalik sa aking kwarto.

Naligo ako pagbalik ko sa kwarto, I settled with a blue cotton shorts and white shirt. Dahil malaya na akong nakakagala sa loob ng mansion ay nagpunta ako sa library nito. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng ilang libro doon. I’m even surprised to see a set of Harry Potter series!

Maybe Axis is a secret fan of HP? Hmmm.

Nang mag-alas onse na ay tinungo ko naman ang kusina. Naabutan ko roon si Mica at si Manang Edna na nagluluto ng pananghalian. Lumapit ako at nakitang naghihiwa sila ng mga rekados para sa Sinigang.

“Hi, Manang Edna. Pwede ba akong tumulong sa inyo ni Mica? Wala na kasi akong magawa rito sa bahay.”

Nginitian nila ako pabalik. “Nako, ikaw pala iyan, Imari. Ayos lang kami ni Mica rito, hija. Manood ka na lang ng tv doon at baka mapagod ka pa rito.”

“Ha? Hindi naman ho ako mapapagod, isa pa ay mahilig din akong magluto.”

Ibinigay sa akin ni Manang Edna ang hinihiwa niyang baboy. “O sige, ikaw ang bahala. Hiwain mo muna iyan at aayusin ko lang ang ibang gamit doon.”

Sinimulan kong hiwain ang baboy. Si Mica naman ay naghihiwa ng ilang gulay na gagamitin para rito. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya dahil kanina pa talaga ako binabagabag nito.

“Ah, Mica. Kilala mo ba si Heston?”

Itinigil niya saglit ang paghihiwa, “Si Sir Heston ba?”

I nodded. “Ibig sabihin, kilala mo nga siya. Matagal na ba silang magkaibigan ni Axis?”

Bumalik na siya sa paghihiwa habang sinasagot ang mga tanong ko. “Hindi ko alam, Imari. Nang dumating kasi ako rito ay naabutan ko na ring madalas dito si Sir Heston. Mabuti pa ay si Manang Edna ang tanungin mo.”  

Sakto namang pumasok si Manang Edna galing sa dirty kitchen. Tinignan niya ang hinihiwa naming dalawa ni Mica at sinabing ayos na iyon. Isinalang niya ang kawali sa electric stove at nag-umpisa nang maggisa.

“Uh, Manang, kilala niyo ba si Heston?” hindi ko napigilang itanong.

Nilingon ako ni Manang na may halong pagtataka. Si Manang Edna ay 45 years old na, katamtaman lang ang kaniyang katawan at hindi siya kataasan. Mukhang masungit kung titignan mo dahil palaging magkasalubong ang kaniyang kilay pero mabait talaga siya.

“Iyon bang kaibigan ni Sir Axis?”

Tumango ako ulit. “Opo, siya nga Manang. Matagal na ba silang magkaibigan?”

“Why don’t you ask me instead, Imari? Mas alam ko ang bagay na iyan kaysa kay Manang Edna.”

Agad akong napalingon sa nagsalita, I’m sure shocked is very evident on my face right now! Sino ba namang hindi magugulat kung nasa likod ko lang pala si Heston? Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya. “Uh, Manang, lalabas muna ako saglit.” paalam ko at mabilis akong umalis sa kusina. Alam kong kakaiba ang tingin sa akin ni Mica at Manang Edna pero bahala na.

Ang gusto ko lang ay makaalis doon! Nakakahiya talaga iyon.

I immediately went to the receiving area, I turned on the tv as a distraction. Naupo ako sa sofa at pinaypayan ko ang aking mukha dahil ramdam ko ang biglang pag-init nito. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at itinanong ko pa si Heston kay Manang? Hindi ko man lang naisip na baka marinig niya ako! Pero ang laki naman kasi ng mansion na ito, bakit ba nandoon siya sa kusina ngayon?

I shook my head to erase that thought. Nilakasan ko ang volume ng television at inilipat ito sa balita. Hindi ko na maalala kung ilang araw na nga ba ako rito, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang nangyayari sa labas.

Noong una’y puro tungkol lamang sa mga artistang hindi ko kilala ang balita. Nainis tuloy ako at muntik ko na sanang ilipat ng ibang channel nang narinig ko mula sa newscaster ang isang pamilyar na pangalan…

“Just in! Axis Fabella, the only heir of Fabella Group of Companies is rushed to Alcaraz Medical Center because of a gunshot…”

Nabitawan ko ang remote sa sobrang pagkagulat. I cannot remove my eyes from the television as a picture of Axis lying on a stretcher flashed on the screen.

“Jusko! Ano itong nangyari kay Sir Axis?”

Narinig ko ang boses ni Manang Edna sa aking gilid, naroon din si Mica pati ang ilang kasambahay. At si Heston na ngayon ay may kausap sa kaniyang cellphone habang nakatutok sa tv. We’re all sharing the same look in our eyes, lahat kami ay halatang nag-aalala sa nangyari.

Tumutok muli ako sa telebisyon at naghanap ng iba pang detalye tungkol sa nangyari, ngunit bukod sa hospital na pinagsuguran kay Axis ay wala nang iba pang impormasyon. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari.

“Yes, ipinahanda ko na ang sasakyan. I’m on my way there.”

Heston’s words got my attention, kaaalis lamang niya ng telepono mula sa kaniyang tainga. Lumingon ako sa kaniya at nakita niyang nakatingin ako. Alam kong hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari kanina, pero kung iisipin ko iyon ay walang mangyayari. I need to go to the hospital, I need to see what happened.

Humugot ako nang malalim na hininga bago siya itinanong, “Pwede ba akong sumama sa’yo sa hospital?”

“No.” walang pagdadalawang isip niyang sagot.

Agad akong umalma sa kaniyang sagot. “At bakit hindi? Kailangan kong magpunta roon!”

His expression did not change, once again he shook his head. “I said no, you are not allowed to go out of this house. Bakit ka pa pupunta sa hospital? Your mere presence won’t change anything,”

Sasagot pa sana ako ngunit agad siyang tumalikod sa akin. Ngunit bago iyon, he whispered a sentence only I can hear…

“Kasalanan mo kung bakit iyon nangyari, Imari.”

To be continued…

I'll Tell You A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon