CHAPTER 4

4.5K 105 7
                                    

CHAPTER 4 - OLD STUDENTS

Xy's POV

Maapos ang pag babasa ko sa library dumeretso na ako sa canteen dahil 7:00 narin pala. Mashado akong natagalan sa Library

Habang kumakain ako kapansin pasin parin na ako lang ang walang kaibigan halos lahat siya ay may kanya kanyang mundo at ako solo ko ang malaking mesa na nandito

"Hi" napatingin ako sa babaeng nag salita. I'm sure kagaya rin siya ng nga babaeng nakausap ko kanina at kahapon. Maganda ang babae kahit medyo maliit ito. Mahaba rin ang buhok nito nabagay sa maliit niyang mukha. Nakangiti rin ito habang nag sasalita. A perfect definition of an angel

"H-Hey" hindi ko alam ko alam pero nanginig ang boses ko habang sinasabi yun. Nakatingin lang ako sa mata niya pero parang nanliliit ako

"Amy" masayang pakilala niya sa sarili niya

"Kara"

"Can I sit here?" tanong pa nito. Nakatulala lang ako sa kanya at saka dahan dahang tumango

"Thanks" hindi parin nawala ang ngiti nito. Nilapag niya ang inorder niya at saka umupo

Tahimik niyang kinain ang pag kain niya. Ako naman ay tila hindi malunok ang kinakain ko. Mashado akong namamangha sa kanya

"Stop staring. Its rude" nagulat ako ng bigla niyang sabihin yun sa malamig na pananalita. Pero nang tignan niya ako sa mata nakangiti na siya "Don't stare at me that long again. Yun kasi ang pinaka ayaw ko" masigla parin ang pag kakasabi niya pero hindi ko maiwasang hindi isiping pag babanta yun. Umiwas nalang ako ng tingin

"I'm going now. Its nice to meet you Kara" masayang paalam niya sakin. Tumango nalang ako. Nang matapos na akong kumain ay pumunta narin ako sa dorm ko para matulog

"Alam mo bang kanina pa raw nandito ang mga old students" rinig kong kwentuhan ng studyante sa isang gilid habang tinatahak ko ang daan papuntang dorm. Kaya napatigil ako at tamik na nakinig sa kanila

"Ang alam ko onti palang ang nandito at bukas pa raw ang dating ng iba. Grabe excited na ako" sabi naman ng isa

"All students should be in their respective rooms before 8:00 pm comes" napatingin ako sa nag salita

"Its you" nasambit ko nalang bigla

"The one and only" hindi parin nabubura ang ngiti niya. Napatingin ako sa studyanteng nakukumpulan kanina pero agad ko rin nakitang papunta na sila sa dorms nila

"Kara I think you should go now to your room. Old students are coming" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Amy

"Would it be a crime if I stay here?" I sarcastically said

"No but you can commit a crime if you still stay here" seryoso niyang sabi. Nagulat ako sa pag seryoso niya

"Amy, Lets go" sabay kaming napatingin sa nag salita. Lalaki ito base sa hubog ng katawan niya pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil wala ng liwanag sa pwesto niya. At kitang kita ko rin kung pano niya paglaruan sa kamay niya ang isang kutsilyo na para bang sanay na sanay na ito

Napatingin agad ako kay Amy na nakatingin rin pala sakin

"Are you one of the old students?" kusa akong nag tanong

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon