CHAPTER 55

1.9K 39 0
                                    

CHAPTER 55 - MISSING YOU

Third person's POV

"How's the investigation in Eagles?" seryosong sabi ni Galen kay Solon. Sabay silang nag lalakad papunta sa opisina ng company ng mga Thales. Ito na ang taon kung saan ay dapat ng hawakan ni Galen ang business ng pamilya nila. Mahina ang ama niya kaya dapat ay habang maaga palang ay alam niya ng hawakan ito

Ilang buwan rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay di parin matapos tapos ang pag lilinis nila sa Eagles. Hindi lang kasi dumi sa Eagles ang kailangan nilang linisin maging ang pangalan nito na nabahiran ng dugo at dumi. Marami ring naging myembro ang Eagles na kailangan nilang tugisin.

"Hindi parin nakikita si Francesca Von. Ang hula ng lahat ay sinama ito papaalis ni Raven" huwag ring kakalimutan ang pinaka malaking problema nila. Ang nawawalang si Francesca.

Nakakalito ang mga naging pag kilos ni Raven Villaruel. in-ambush nito ang sasakyan nilang papunta sa Eagles upang pigilan siya papunta doon at bumalik sa Empire dahil planong patayin ni Frances si madam at tinulungan niya rin si Hera nung muntikan na itong patayin ni Frances. Siguro nga ay mahal na mahal ni Raven si Frances upang gawin ang mga bagay na iyon. Ayaw niya lang mapahamak ang babaeng minamahal

"Kelan matatapos ang pag lilinis?" normal na kay Galen ang seryosong boses palagi. Simula nung lumabas siya sa mansion ng mga Zalirous ay naging palagi na siyang ganito

"Mga susunod na linggo at pwede ng mamahala doon si Cedric Evaristo" sagot ni Solon. Bunuksan ni Galen ang pinto ng kanyang magiging opisina at saka sila pumasok. Agad na umupo si Galen sa sofa at pinikit ang mga mata niya

Si Cedric ang umako ng responsibilidad sa Eagles. Gagawin niyang mapayapa at maayos ulit ito hindi tulad ng ginawa ni Frances. Na halos wasakin at babuyin na nito ang pangalan ng Eagles

"And Hera?" tamad na naupo si Solon at saka napabuntong hininga. Napahilamos siya sa mukha niya dahil sa takot at pag aalala

"Still missing" mabigat sa loob na sagot ni Solon. Sinisisi niya ang sarili niya sa pag kawala ng kapatid. Simula nung umalis siya para harapin ang mga Zalirous pag uwi niya ay nawala na ito. Kung sana ay hindi nalang naging matigas ang ulo niya

"And dad is not getting any better. Malala na ang mental disorder niya" para ng maiiyak si Solon dahil sa mga problemang dinadala niya. Gusto itong damayan ni Galen pero kahit ang sarili niya ay lunod na lunod na at hindi na kaya pang maka-ahon

Dati pa nilang alam na may sakit sa pag iisip ang ama nila. Iyon ang kinamatay ni Zyrene. Pero hindi nila magawang ipadala ito sa mental institution. O dahil narin sa ayaw ni Solon na dalhin siya doon.

Galit na galit siya sa ama na hinihiling niya na sana wag na itong gumaling. Gusto niyang mahirapan ang sarili niyang ama sa sakit nito. Para doon man lang ay makaganti siya sa ginawa ng kanyang ama. Pero ngayon ay nandoon ito ngayon sa Mental institution para kapag maayos na ito ay ito mismo ang humingi ng tawad sa mga Zalirous

Nag ring ang cellphone ni Solon na agad naman niyang sinagot. Parang napako siya sa kinauupuan niya nung marinig ang sinabi nito

"Mr. Thales, sorry to say but your dad committed suicide" dali daling umalis si Solon hindi na nito nagawa pang makapag paalam kay Galen na tanong ng tanong kung saan siya pupunta

Unti unting nag landas ang luha ni Solon na kanina niya pa pinipigilan. Lahat ng karma dahil sa kaduwagan niya ay binabawian na siya ngayon.

Nanginginig ang kamay niya. Ayaw niyang tanggalin ang puting tela na nakatakip sa katawan nito pero gusto niya ring kompirnahin kung ito ba talaga ang ama niya

Nung alisin niya ang puting tela ay mas lalo siyang nang hina. Humangulngol siya nung makita niya ang ama niya. Lalo na ang namumula sa sa braso nito

"I'm sorry, son" iyon ang nakaukit doon. Inukit niya iyon sa mismong katawan niya

"Bakit di niyo siya binantayan ng mabuti? Bakit hinayaan niyo siyang mamatay!" galit na galit na sigaw ni Solon sa sa mga taong kasama niya sa kwarto. Napauko at napaatras ang nga tao sa nakakatakot na boses ni Solon. Nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit

Mahal niya ang ama kahit na sa totoo lang ito ang nag pahirap sa buong buhay niya. Bakit pakiramdam niya ay pasan niya ang problema ng mundo. Naiiyak at nang hihinang naupo siya sa malamig na sahig. Walang nag tangkang lumapit sa kanya. Sobrang galit ang nararamdaman niya sa sarili niya.

----

Tumayo si Galen sa pag kakahiga niya nung makita niyang oras na ng graduation ni Kara. Inaantay niya lamg ang oras na ito para makita ang minamahal

Nag tataka siya kung saan pupunta si Solon pero dahil sa pag aakalang balita lang iyon tungkol kay Hera ay hindi na siya nag abala pang sundan ito

Puwesto siya sa dulong bahagi at sinigurado rin niyang hindi siya makikita ng dalaga o kung sino man sa pamilya ng mga Zalirous. Ayaw niya ng gulo, gusto niya lang makita si Kara

"Xy Kara Zalirous" naging alerto siya nung marinig na ang pag tawag sa pangalan ng dalaga. Pinanood niya ang bawat galaw nito. Napangiti nalang siya bigla nung makita ang magandang mukha nito. Kung sana ay magawa niyang makalapit man lang dito. Miss na miss na niya ito lalo na ang malalambot nitong labi na nakakapag baliw sa sistema niya

Pinipigilan niya lang ang sarili na lumapit sa dalaga at siilin ito ng halik. Kung noon ay siya ang may hawak ng sitwasyon ngayon ay nabaliktad na ang lahat. Hindi na niya magawang lumapit pa dito. Lagi nalang mag nakaharang sa pagitan nila. Hindi niya nga alam kung bakit hindi niya nakita na sa una palang hindi na dapat siya lumaban pa dahil walang mabuting kahihinatnan ang lahat

Siguro ay mas mabuting manatili nalang silang ganito. Ayos lang sa kanya kahit buong buhay niyang tignan mula sa malayo si Kara. Kahit ano ay titiisin niya makita lang ang dalaga

Kahit matapos ang seremonyas ay hindi binitawan ni Galen ang tingin niya kay Kara. May mga ngiti ang labi nito na nakakapag kompleto ng buong araw niya.

"Ayos lang kahit hindi ako ang nakakapag bigay ngiti sayo ngayon. Basta akin ka sa tamang panahon" tanging bulong niya sa sarili

Masarap lang isipin na pwede rin silang dalawa pero sabi nga nila kung ano pa ang bawal yun pa ang masarap. Hindi naman mahirap intindihin na bawal. Ang mahirap ay ang tanggapin ito. Ayos na siguro ang dalawang oras na pag titig dito. Dahil habang tumatagal ay gustong gusto na niyang mayakap ito. Tumalikod na siya at nag simula ng mag lakad papaalis. Nag ring ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon

"Good afternoon, may I speak to Galen Thales?" sabi ng nasa kabilang linya. Agad na kumunot ang noo niya. Tinignan niya ang caller. Si Solon ang tumawag pero hindi ito ang nag salita

"Speaking. Who are you? Why are you holding my cousin's phone?" sagot niya dito. Mas binilisan niya ang pag lalakad niya dahil may hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya

"Ah sir ito po si Nurse Claire. Nasa St. Claire hospital po siya ngayon. Naaksidente po si Mr. Solon Thales--" hindi na pinatapos pa ni Galen ang sasabihin ng babaeng nurse at tumakbo na papunta sa sa kotse niyang nakapark

"What the fck is this, Solon?" kausap niya sa sarili niya

"Galen" napatigil si Galen. Kahit ang mundo niya ata ay tumigil dahil narinig niyang sabihin ng dalaga ang pangalan niya. Nakita siya nito. Nakaramdam siya ng munting tuwa pero hindi ito ang oras para angkinin ang dalaga

"Congratulations" walang kangiti-ngiti niyang sabi. Tinignan pa niya ito saglit at saka muling nag lakad papunta sa kotse niya at pina-harurot iyon paalis

Masakit pero kailangan niyang iwasan ang dalaga dahil ito ang pinili niya para sa ikakabuti niya. Kailangan siya ng pinsan ngayon.

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon