CHAPTER 52

1.9K 36 4
                                    

CHAPTER 52 - YOU WILL DIE

Kara's POV

Sabuong mag damag ay tulala lang ako. Ni hindi nga ako nag lunch at kahit tapos na ang klase nandirito parin ako sa classroom. Ayokong umuwi ng bahay. Ayoko munang makita sila Mommy. Nasasaktan lang ako

Nung mag simula nanamang tumulo ang luha ko ay sumubsob nalang ako sa table ko at doon umiyak ng umiyak

Pinaniwala ako nila mommy na talagang hinahanap nila ako at hindi lang nila mapasok ang Eagles pero ang totoo ay wala itong paki sakin. Inalagaan lang ako nila para protektahan si Zyrene. At wala na nga si Zyrene ano pa bang kwenta ko

Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang tulala sa loob ng classroom. Humina na ang pag tulo ng luha ko pero di ko parin kayang humarap kila mommy. Pagabi narin at siguro akong mga janitor at ilan ilang teachers ang nandito sa school. Hindi ko nga alam kung bakit hindi parin ako nasisita dahil alam kong mga ganitong oras nag lilinis ang mga janitor at dapat wala ng estudyante ang nandirito

Mabuti narin yun. Ayoko munang kumausap sa lahat. Kahit kay Galen. Gusto ko munang makapag isip isip

"Ayos ka na ba?" agad akong napatingin sa nag salita, tinatanong ako. Pumasok ito sa classroom na pinag tatambayan ko. Nakasuot ang lalaki ng uniform katulad ng uniform ng mga guro dito sa university

"T-Teacher ka dito?" namamaos kong sabi dahil siguro sa tagal kong umiyak kanina. Binuksan nito ang ilaw dahil pawala na ang araw kaya naman nakita ko ang mukha nito

"Uh-huh. Kanina ka pa dapat papaalisin dito pero pinigilan ko muna. Mukha kasing may malalim kang problema" nakangiti siya habang sinasabi iyon. Namangha ako sa ganda ng ngiti nito, kabaliktaran ng akin

"Sana ay pinabayaan mo nalang po. Nag aantay lang rin naman ako" magalang na sabi ko rin. Nag kibit balikat lang ito saka umupo sa table na katapat ko. Ngayon nakikita ko na ng maayos at malapitan ang mukha niya. Gwapo nga ito pero ngayon ko lang ito nakita. Siguro ay Professor ito ng ibang department

"I can see that you need time for yourself alone" ako naman ang napakibit balikat dito

"Then why are you here?" pag tatanong ko rito at sinalubong ang maaliwalas na tingin niya. Wala akong pakielam kahit makita man niyang mugto ang mata ko

"You are taking to much time. Hindi mo alam baka nasasayang mo na. Whatever your problem is, you can never solve it because you're hiding here" inirapan ko ang lalaki.
Kaming dalawa lang naman ang nandito kaya bakit ko pa siya gagalangin o ituturing na guro tapos narin naman ang klase.

"I'm not hiding. I just don't want to see them yet" depensa ko sa sarili ko at saka bumuntong hininga

"Want to go somewhere? I'm sure this is not the perfect place for you" mabait sabi nito. Kumunot ang noo ko rito

"I'm also sure that I'm not the person you can easily drag somewhere" mas lalo itong ngumiti sa naging sagot ko. Ewan ko ba parang magaan ang loob ko sa kanya na hindi. Wala namang kahina hinala sa ngiti niya, sa totoo lang iyon ang mga ngiti na pag nakita mo ay mapapangiti ka rin pero dahil siguro sobra akong nasasaktan ngayon kay di ko siya magantihan ng ngiti

"Then you want to stay here?" pag tatanog ulit nito sakin. Napaisip naman ako sa tinanong nito sakin. Wala ng araw sa labas at tangging ilaw nalang sa classroom ang nag papaliwanag sa paligid

"If I stay here, would you also stay?" hindi ko alam kung anong lakas ng loob ko para sabihin yun sa hindi kilalang lalaki pero kahit papano naman ay gusto ko lang ng kasama

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon