CHAPTER 58

2K 40 3
                                    

CHAPTER 58 - MINE AGAIN

Kara's POV

Hindi ako makakilos lalo na ng mag tama ang mga mata namin. Bigla akong walang maisip na gagawin. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya pero nangingibabaw sakin ang kagustuhang yakapin siya.

Wala paring pinag bago ang mga tingin niya sakin. Kahit namimilog itong nakatingin sakin. Parehas kaming nagulat sa biglang pag pasok ko. Siya parin ito. Yung lalaking nakakapag yanig ng mundo ko. Pakiramdam ko sobrang tagal ko siyang hindi nakita at ngayon ay sabik na sabik ako sa kanya.

Gusto ko ulit maramdaman ang marahan ngunit malalim niyang halik. Ang pakiramdam ng kamay niya sa kamay ko. Ang mga yakap niyang pinoprotektahan ako. Gusto kong umiyak sa sobrang saya. Hindi ko akalaing ang makita muli siya ang mabibigay sakin ng sayang ayokong pakawalan

Ngayon alam kong lunod na lunod na ako sa kanya. Di ko na kayang ihahon ang sarili ko mula sa kanya. Mahal ko siya. Mahal na mahal

Nung mag baba ako ng tingin ay dumapo rin ang mata ko sa dumudugo niyang daliri saka ko lang napansin na nag hihiwa pala siya dahil may niluluto siya. Siguro ay nagulat rin siya sa malakas na pag sara ng pinto kaya nahiwa niya ang sariling daliri

Napansin niya atang doon ako nakatingin kaya tinignan niya rin ito saka umiling. Tila baliwala lang sa kanya na nasugatan siya

"W-Why are you here?" sabi niya ng di tumitingin sakin. Inikot ko naman ang mata ko. Ayokong ni tignan man lang siya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang lumaban pa

Kahit sa tanong niya ay di ako makasagot. Napansin niya ata yun at tumalikod sakin at tinuloy ang pag hihiwa niya

"Umupo ka muna... M-Mag luluto lang ako" gosh this situation is just to awkward for the both of us. Umupo nalang ako sa isang tabi at umuko. Tinignan ko nalang ang nanginginig kong kamay. Kating-kati na akong hawakan siya

Hindi ko alam kung wala bang alam si Amy at hinayaan lang niya ako makapasok sa tinutuluyan ni Galen. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ito ang hinihintay kong pag kakataon pero bakit di ko man lang siya kayang kausapin

"Dinner is ready" halos mapatalon ako nang marinig ko mang malalim niyang boses sa likod ko. Agad na nag panic ang loob ko

Nasa likod ko lang siya. Sobrang lapit lang niya sakin. Anong gagawin ko? Nag halo halo ang nasa isip ko. Halos di na ako makapag isip ng matino. Siya lang ang nakakapag pagulo ng sistema ko.

Agad akong napatayo ng bigla niyang tapikin ang likod ko. Sa simpleng hawak lang niya iyon ay nag dadala ng libo libong boltahe sa bawat ugat ko patungo sa puso ko

Nagulat siya sa naging reaksyon ko at mukhang nadismaya. Nauna na siyang umupo sa hapag. Nakita ko naman ang dalawang pinggan na mag katabi. Hindi ko na sinubukan pang lumapit sa kanya at kumuha pa ng isang pinggan para sakin at umupo sa pwesto kung saan malayo siya

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Bat ba ako lumalayo sa kanya nag mumukha lang akong katawa tawa sa harap niya dahil sa pinag gagagawa ko. Kapag nahawakan ko man lang siya baka di na ako tuluyang makalayo

"Are you mad at me, Kara?" puno ng pag aalala at lungkot ang kanyang mata. Ang akala niya ba kaya ako lumalayo sa kanya ay galit ako sa kanya?

"Pumunta ka ba dito para pahirapan ako at ipakita mo saking ayaw mo na sakin?" nag kakamali talaga siya sa mga pinag sasabi niya. Gusto kong mag protesta at sabihin sa kanyang hindi totoo yun pero katulad parin ng kanina ni hindi man lang ako makapag salita. Bumuntong hininga siya at pinag patuloy nalang ang pag kain niya. Nag lagay narin ako ng pag kain ko para makakain narin. Kanina pa ako walang kain kaya sigurado akong kahit anong lasa pa ng niluto niya ay kakainin ko

"Hmm Amy brought me here. Sorry if I trespass. Hindi ko alam na nandito ka" nahihiya at sa maliit na boses ko lang ito nasabi

"I don't mind. Maybe I should thank Amy for not knowing a thing about us" napatingin ako sa kanya at iyon na ata ang pinaka malaking pag kakamali ko dahil nakatingin rin siya sakin "Its getting late. You should go home, Kara" malambing nitong sabi na nakapanindig ng balahibo ko

"Ang totoo niyan. Ayoko munang umuwi sa bahay kaya nag hanap ako ng matutuluyan ko kahit ngayong gabi lang..." totoo kong sabi sa kanya. Halata sa mga labi niya ang pag pipigil niya ng ngiti. Buti nalang at naka upo ako at hindi niya nakikita ang panginginig ng tuhod ko

"... Then I suddenly saw Amy and she pulled me here" pag tutuloy ko sa kwento ko at tumingin nalang sa pag kain ko

"She doesn't know that we broke up, Kara, kaya siguro ka niya pinapasok dito" may ngisi siya sa labi ngunit malungkot naman ang boses nito

"Ang akala ko mayaman sila Amy" sabi ko sa kanya at para narin mabaling sa iba ang topic namin

"Mayaman nga" sabi nito ng hindi nilulubayan ang tingin niya sakin

"Huh bakit receptionist siya sa baba?" gulat kong tanong

"She just simply doesn't want to marry the man she doesn't love" deretsong sabi nito sakin "Thats her punishment for not obeying her father" sabi nito at nag kibit balikat.

"Kailangan niyang mag simula sa pinaka baba hanggang sa tumaas siya ng tumaas. Kapag nasa taas na siya saka lang siya makakalaya sa papa niya" dagdag pa niya

"Sino ba ang gusto niyang pakasalan?" bigla akong nag kainterest sa sinasabi niya. Sino ito at bakit kayang gawin lahat ni Amy para sa lalaking ito

"Solon" doon lang ako napatingin sa kanya. Kaya iyong gawin ni Amy para kay Solon. Kaya niyang gawin lahat ng hindi ko kayang gawin. Kahit mag hirap siya basta mapapayag lang ang mga magulang niya

"H-Hindi ba mas maganda kung si Solon ang papakasalan niya?" tanong ko dito na agad naman siyang umiling

"They are not compatible. Iniisip ng tatay ni Amy na hindi makakatulong si Solon sa business nila. Solon's business are guns and other deadly stuff and Amy's business are resort and hotels" paliwanag nito. Sa pag kakasabi palang ni Galen ay halatang mahigpit rin ang ama ni Amy lalo na sa pag aalaga ng business nito

"Tho Solon could also help. He still don't consider him as one of the boys who deserve his only girl" pag tutuloy nito. Hindi ako makatingin sa kanya. Ni ayoko ngang marinig ang boses niya. Nakakapanghina "Hindi ko nga alam kung bakit agad iyong natanggap ni Solon at mas piliin nalang na palayain si Amy" sabi nito saka malungkot na tumawa. Halos mag bara ang lalamunan ko nang marinig yun.

"Maybe because her father is Leon Klein, the former President of Wilson Academy" hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating. Nag kakakutob ako na sinasabi niya ito sakin pero ang kinukwento naman niya ay ang kwento ni Amy

"I wish we could fight with your parents, so you can be mine again" mahina pero klaro parin sa pandinig ko iyon. Yun rin ang gusto kong mangyari. Siguradong pag nilapitan ko siya dito mawawala na sakin ang pamilya ko. He can't make a move because he knows my parents. They are both came from Empire. Nandoon siya sa posisyon na yun ngayon alam niya kung anong kaya nitong gawin isang pag kakamali lang niya. This was like he'll lose me today or lose me forever

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pag mamahal. Hindi ko na kaya itong bitawan pa. Hindi ko na kayang ganito nalang ako palagi. Mom dad sorry sa pagiging walang utang na loob ko sa inyo. Simpleng hiling lang nila na wag ko siyang mahalin pero yun na ata ang pinaka mahirap na hiling

Hindi ko na kayang maranig pa ang malungkot niyang boses. Huminga ako ng malalim at tumayo. Simula ngayon Galen di ka na lalaban pang mag isa. Di na kita papabayaang mag isa. Hindi mo na sasaluhin lahat ng sakit dahil magiging kahati mo na ako sa mga iyon. Huminga ulit ako ng malalim para mag kalakas ng loob at saka buong tapang siyang sinugod sa kwarto niya...

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon